Chapter 23

207 18 127
                                    

(An: Hello, magandang umaga. Sa kalutangan ko nakalimutan ko pangalan nung parang yaya nina Imelda. Hindi ko na tuloy mahanap kung anong chapter 'iyon)

23

Nakaupo ako ngayon dito sa bahay.

Sa sala habang sinasalubong ko ang mga tingin ng mga kasama ko.

"Isa isa kayong mag-reklamo" diin ni mama habang naka pamaywang saakin.

Umiwas naman ako ng tingin ng bigla kong masalubong ang masamang tingin saakin ni Fortuna.

"W-what?"

Tumaas ang kilay nito, "Nagugutom din kami" sambit nito.

Ngumiti naman ako na parang wala lang nangyari.

"Hehe" tipid na ngiti ko.

Dumiretso siya sa harap ko habang naka crossed-arm parin.

"Kuya!" nagulat ako ng bigla siyang lumuhod saakin.

What's going on? Parang baliw talaga, "Kuya! will you marry me!" sigaw pa nito.

Napansin kong lumapit saamin si mama at bahagya niyang kinutusan si Fortuna.

"Aray ko hehe" mahinang inda niya.

"Puro ka talaga kalokohan, tayo!"

Sumunod naman si Fortuna habang nakangisi parin, para kasing baliw ito. Hindi na maitimpla kung ano ba ang nangyayari sakanya. Kung nasasapian na ba siya o talagang nababaliw na talaga siya.

Hindi na sana ako iimik ng mapansin kong matalim din ang tingin saakin ni Pacifico.

"Ma-kakarma ka din" sambit nito tsaka tumalikod.

Sumunod din sakanya si Elizabeth na matalim din ang tingin saakin. "Sorry na, gwapo din naman ako eh" saad ko sakanila na mas lalong nakapag patalim ng tingin nila saakin.

Habang nakatingin ako sakanila ay tumunog na naman ang cellphone ko.

Akala ko isang tunog lang 'iyon pero sunod sunod ang dumating.

"Ano ba!" naiinis na sigaw ko.

Hindi parin 'iyon tumigil. Hinugot ko ito at napatingin dito.

Hindi ko mapunta kung saan iyon nanggaling at kung saang app ba iyon.

Sunod sunod parin ang pagtunog nito kasabay na rin ng pag vibrate.

"Isa....ano ba!" naiinis na sigaw ko.

Bigla nalang itong tumigil sa pagtunog. Napatingin ako sa harap at sumalubong ang nagtatakang tingin saakin ni mama.

"Hindi na kayo lahat ayos" tsaka ito tumalikod.

Napakamot ako sa batok ko at umayos ng upo.

Binuksan ko ang cellphone ko at isang notification sa facebook ang nakita ko.

Crishia....sent you a friend request.

Napataas ang kilay ko dahil dito. Paano naman niya nalaman ang pangalan ko rito sa facebook?

Stalker talaga siya.

Pero bakit naman siya mag-aaddfriend saakin? Anong meron?

Babalewalain ko na sana ulit ito ng mapatingin ako sa messenger.

Sobrang daming notification galing dito.

Si Imelda ba ito? Kung si Imelda ito. Hindi din pwede dahil nagpapahinga na siya ngayon.

Wala muna akong oras para dito, kung hindi din naman si Imelda huwag na lang din.

Tumayo naman ako at inayos ang buhok ko.

Wind of LoveWhere stories live. Discover now