Chapter 30

190 25 45
                                    

Alas tres na ng hapon.

Pumipili na ako ngayon ng pwede kong suotin mamaya.

Hindi alam ni Imelda na pupuntahan ko siya sakanila apra sunduin siya.Ngayon ay tinutulungan ako ni Fortuna sa pagpili ng susuotin ko.

"Mag-barong ka nalang kaya kuya" inambaan ko naman siya ng suntok ng sabihin niya iyon.

"Joke lang"

Inilapit niya saakin ang mga iba't-ibang damit na napili niya ngayon. Sobrang dami naman, hindi ko naman lahat ito masusuot.

"Ang dami naman" reklamo ko.

Inilapag niya sa kama ko ang mga damit na napili niya.

"Labas ka na tapos ipakita mo lahat saakin kung bagay ba" aambaan ko na sana siya ulit ng suntok ng lumabas na siya kaagad sa kwarto ko.

Kita niyo 'iyon. Ako pa talaga ang balak baliktarin ni Fortuna.

Hindi na ako nagaksaya ng oras at isinuot ko na agad ang damit, inuna ko iyon para mas makapili ako kung anong babagay na pang ibaba. Nang maisuot ko ang first outfit ay binuksan ko na ang pintuan, nakatambad doon si Fortuna habang deretso ang tingin saakin.

"No" pailing-iling pa ito..

Isinarado ko ang pintuan ko at isinuot ang ikalawang suotan.

"Ayan, maganda!" Tinitigan ko siya.

"GWAPO" diin kong ani.

Pumasok kaming dalawa sa kwarto at doon ko nakita ang napakagwapo kong muka. Sobrang gwapo ko talaga.Hindi namn sobrang garbo ang suot ko kaya siguro nagandandahan si Fortuna sa pili niya at sa pagkakasuot ko.

"Maligo kana kuya. Mag-aalas kwatro na oh" tumingin pa siya sa orasan kaya pati ako ay napatingin na rin.

Sinunod ko naman ang sinabi niya.

Pinalabas ko na siya sa kwarto ko at naghubad. Hinubad ko ang pang itaas kong damit pati na rin ang short ko.

Lumabas na rin ako ng kwarto habang may twalya sa ibabahan ko.

Gaya nga ng lagi kong sinasabi. Hindi pwedeng hindi ako mabango, pakanta -kanta pa ako habang naliligo.

Dinadamdam ko ang malamig na agos ng tubig at tsaka isinasabay ko na rin ang pag shashampoo ng tatlong bese tsaka pagsasabon ng dalawang beses.

Halos isang oras din akong naligo at nagbihis narin pagkatapos.Isinuot ko na rin ang damit na napili ko at pinili ni Fortuna kanina.

Ngayon ay pinagmamasdan ko na rin ang sarili ko sa harap ng salamin.

"Imelda" parang tangang pagsasalita ko rito.

"Lili-" napasampal ako sa noo ko ng mapagtantong ang pangit naman kung diretso ko lang na sasabihin sakaniya iyon.

"Ay bahala na, kaya ko to!"

Lumabas ako ng kwarto ko, nadatnan ko naman si Fortuna na nakatayo doon habang may hawak na tarpaulin.

'Go kuya, sana yes agad'

Ayan ang nakasulat sa tarpaulin.

Napatawa naman ako dito dahil sa kalokohan niya.

Si Fortuna na din ang nagpaalam kay mama kung saan ako pupunta at pumayag naman ito.

Buti nalang talaga dahil meron akong kapatid.

Nang makarating ako sa kotse ko ay bigla akong napalingon sa bahay nila Crishia. Nandoon ang kotse nila pero hindi ko nalang iyon pinansin.

Wind of LoveWhere stories live. Discover now