Chapter 33

161 20 23
                                    


Flashback

"Iniwan na namin si Imelda doon sa bahay habang natutulog siya. Maaga din kasi siyang natutulog" sabi ni tita.

Nasa isang restaurant kami ngayon.

Napatingin ako sa oras at 10pm na nang gabi. Mamayang umaga ay byabyahe na kami papuntang ilocos.

"Umpisahan na natin"

Kinuha ni Fortuna ang isang notebook sa bag nito. Ipinakita niya saamin ang mga design ng dress and mga rings.

Siya na ang nag-asikaso nang lahat ng yon dahil hindi pa kami makakapag-plano ng marami kapag lahat kami ay magfofocus lang dun.

"Nakahanda naman na pala lahat anak" tumingin saakin si tita.

Ngumiti ako at tumango.

"Simbahan nalang po ang kulang"

Kinuha ni papa ang cellphone niya at tumingin saakin.

"Sa SanMiguel Pro-Cathedral nalang dahil doon ibinunyag si Imelda noon.Tapos ang reception sa isang private place nalang" sambit ni tita.

Kinuha ko naman ang iniaabot niyang cellphone at napatingin rito.

Ito yata iyon, napatingin ako sa litrato sa ibaba nito at namangha.

Sobrang ganda ng labas at naiimagine ko na doon na talaga kami ikakasal.

"Iyan ba?" Tumango ako tsaka ngumiti.

Nag usap-usap pa kami tsaka naisipan naring magpahinga.

___

Nasa Pagudpud beach resort na kami ngayon.

Nasa isang malaking table kami. Iniwan na rin muna namin si Imelda at Fortuna doon dahil nga para hindi niya malaman na may plano kami.

"Anong oras po ba bukas sir?" Tanong ng may ari.

"Mga during the sunset, okay ba yon?" Tumingin ako kila tita at tumango naman ito.

"Sige sir. Kami na po bahala sa mga probs na gagamitin niyo at kung anong mga ilalagay pa doon" ani nito.

"Tatawag nalang kami kapag handa na siya at tsaka doon ay lalabas"

Tumango naman sila.

Nang matapos iyon ay bumalik na kami sa mga kwarto at ginawa ang mga dapat gawin.

End of flashback

4:20 pm na, natatanaw ko na ang papalubog na araw.

Dali-dali akong umalis sa may kwarto at bahagyang lumayo roon.

Sumiksik ako sa isang maliit na espasyo sa gilid at doon ay tinawagan ko ang may-ari nang hotel.

Sinabi ko din pala kay Imelda na maligo na siya at sumunod nalang siya sa dagat para doon ay manood kami nang sunset. Pero ang hindi niya alam ay may iba pang mangyayari.

[Hello po sir? Handa na po ba?] Rinig ko sa kabilang linya [Opo, pakihanda nalang] nang masagot ko ay pinatay ko na rin ang tawag.

Wind of LoveWhere stories live. Discover now