Chapter 32

178 22 38
                                    

4 YEAR'S LATER

After a years having her. I almost scream everyday for being thankful.

She almost grant my wish, fairytale lovestory. I imagined.

She is so beautiful, day by day.

If i have the chance to talk with the writer. Sasabihin ko sana na buong istorya kami lang sana ang magkasama.

Lagi kong dinadala si Imelda sa bahay. But i also iniuuwi siya kapag ginagabi siya.

___________

Ngayon ay nandito kami sa Ilocos.

Pagudpud beach resort. Kasama ko ang tita niya with her mom and my family.

"Tita, saan po kayo naglihi at sobrang ganda nang anak niyo" rinig kong tanong ni Fortuna sa mama ni Imelda.

"Hindi ko na matandaan iha eh"

Napangisi naman ako sakanila.

Kanina pa kasi tinatanong ni Fortuna si tita kung saan siya naglihi kay Imelda eh.

Pati naman ako siguro, tatanungin ko nang paulit-ulit.

Sa hindi kalayuan ay nandoon si Paicifico at ang girlfriend niya sa may damuhan habang kumakain ng ice cream. A years din na without communication na kay Crishia. We don't even block each other in social media, i just don't see her active again.

Mukang pag-katapos ng nangyari saamin ay hindi na niya ako kinausap at isa pa ay hindi na sya muling nagpakita saakin.

"Beh" Tumingin ako kay Imelda nang magsalita siya sa gawi ko.

Tumayo ako at pinantayan siya.

"Kumain ka na?" Tanong ko rito.

Tumango siya saakin at ngumiti.

Dumiretso kami sa pwesto nila mama at doon nagistambay.

Nanatili lang kami doon habang tahimik. Busy naman ang mga kasama namin sa sari-sarili nilang mga ginagawa. Si Fortuna na ngayon ay kumakain ng shanghai, si mama at si tita ay nag-uusap. Habang si Elizabeth naman ay nagbabasa lang ng libro.

Si Elizabeth lang ngayon saamin ang naiwan ang kaluluwa sa pag-aaral.

"Kumain na tayo. Tawagin mo na ang mga kapatid mo Fem at kainan na"

Nagpaalam naman muna ako kay Imelda para tawagin sina Pacifico na ngayon ay kulang nalang ay langgamin sa landian.

"Kain na daw" tawag ko sakanila.

Nang makabalik ako at lumingon kay Imelda ay busy na sila ni Fortuna sa pagkuha ng mga litrato.

Kung Camera lang sana ako. Storage na siguro dahil sa bawat galaw ni Imelda, kukuhanan ko.

"Sali naman ako"

Bahagyang lumayo si Fortuna saamin habang nakahawak sa camera tsaka saamin ito itinutok.

Wind of LoveWhere stories live. Discover now