Epilogue

233 24 36
                                    

Ready to say goodbye?

___________

"Ma, saan tayo pupunta?" ginising ako ni mama.

Bumangon ako at nagsuot ng tsinelas na pang-loob.

"Basta" sambit nito.

Niloloko ba ako ni mama.

Isinuot ko rin ang short ko dahil nga nakaboxer lang ako. Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko.

Ang aga-aga pa,tumingin ako sa may orasan at doon ay nakita ko ang oras, 12:05am.

"Ma!" Malakas na tawag ko pero parang nakalabas na siya nang kwarto.

"Ano ba, hindi pa pala umaga. Akala ko naman umaga na, hindi pa pala ako nakakatulog" sabunot ko sa sarili ko.

Muntik ko na ring maiuntog ang sarili ko sa may pintuan dahil sa inis.

"Bilisan mo riyan!"

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at nakasabay ko pa sina Imee at Irene.

Nang makarating kami sa may sala ay andoon ang mga gamit namin. Lumabas si mama at sumunod naman kami.

Inis na inis parin ako dahil sa pag-gising ko.

Gusto ko pa matulog.

"Matulog nalang kayo sa sasakyan"

Kahit na naiinip ay sumunod parin kami. Pumasok kaming tatlo sa sasakyan. Andoon ang driver na nakangiti saamin.

"May alam kayo?" Tanong ni Imee sa driver.

"Ay wala pala" siya din naman ang sumagot dahil sa walang paki saamin ang driver.

Sa sobrang antok ko ay hindi ko na naantay si mama. Naramdaman ko nalang na umandar na ang sasakyan at umalis.

Hindi ko namalayan ang pag-iistop ng sasakyan.

Iminulat ko ang mga mata ko at doon ay napansin ko na nasa isang malaking bahay nalang kami.

Iniwan na naman ako dito!

Tumingin ako sa likod ko at doon ay may malaking simbahan.

"Ano kaya ginagawa namin dito" Wala akong nakuhang ibang sagot.

Binuksan ko ang sasakyan at tumambad saakin ang Imee at Irene na bagot na bagot sa labas.

"Kanina ka pa namin hinihintay na magising, ang tagal mo naman" naiinis na ani nilang dalawa.

Pare-pareho kaming pumasok sa loob at doon ay napalingon kami sa mga dingding. Nakasabit doon ang mga iba't-ibang litrato, lumapit ako doon at bahagya 'iyong hinawakan.

Nandoon ang litrato nila Mama Imelda at Papa Fem. Ngumiti ako dito.

Inaya naman nila ako sa osang pwesto. Pagdating namin doon ay andoon si mama Imelda, pinupunasan niya ang kaniyang mata.

"Umiiyak siya?' Siko ni Imee.

Titig na titig lang kami kay mama nang bigla nalang lumapit si Irene at niyakap ito.

"Why are you crying?" She said.

Binuhat siya ni Mama Imelda at ngumiti.

"No, i'm not"

May dalawang upuan sa gilid namin. Binuhat ko iyon at inilagay sa tabi mi Mama. Umakyat kami rito at doon tumayo para pumantay sakanila.

Doon ay kitang kita ang muka ni papa sa isang loob ng parang box na glass.

"Papa!" Sigaw ni Imee, pati siya ay umiiyak na.

Pinagmasdan ko iyon at sobrang kinis ni papa sa loob. Diretso ang postura at gwapong gwapo siya.

Wind of LoveWhere stories live. Discover now