Chapter 31

203 25 49
                                    

Naghihiwa ngayon si Fortuna.

Umagang umaga din siya nagising at nagpalengke dahil mahirap na raw mamaya ang umalis sa bahay para doon.

"Dapat masarap ang luto ko mamaya para magustuhan niya"

Hindi naman kami magwewelcome nang kung sino sa bahay pero sobrang pagpreprepare ang ginagawa nila.

Tumunog naman ang cellphone ko kaya ko ito binuksan.

From Imelda

Goodmorning
See you later with your fam ♡︎

Nireply'n ko naman ito. Nagusap din muna kami para mamaya.

Nasabi din niya saakin na nagbabake daw siya ng cookies na kukunin niya later. I also reject it pero talagang pareho lang sila ni Fortuna na makulit.

"Ano naman ang lulutuin mo mamay?" Tanong ko kay Fortuna na ngayon ay naghihiwa ng mga sangkap para magluluto nalang ang gagawin niya mamaya.

"Ano ka ba kuya. Secret lang muna"

Napangisi lang ako rito tsaka lumabas nang bahay.

Naisipan ko din na maglinis muna ng sasakyan. Wala din pala si papa ngayon dahil sa may work daw siya, aagahan nalang daw niya ang pag-uwi para naman daw makilala niya si Imelda.

Si mama naman ay busy sa paglilinis sa bahay, habang si Pacifico at Elizabeth naman ay nag-grocery dahil sa wala naman na kaming stock sa ref na pwedeng kainin at inumin.

"Kuya!" Palapit na ngayon saakin si Fortuna.

Bahagya niya akong inamoy at napatingin sa oras sa cellphone niya.

"Maligo ka na tapos mamaya sunduin mo na siya" excited na ani niya.

Ngumiti naman ako sakaniya tsaka tumango.

Ipinagpatuloy ko lang ang paglilinis ng sasakyan hangang sa maisipan ko na ngang maligo.

Pumasok ako sa bahay at duniretso sa kwarto ko.

Ang rumi pala nang kwarto ko.

"Ligpit muna"

Iniligpit ko ang mga importanteng pwedeng iligpit at inayos ko rin naman ang study table ko. Pati na rin ang comforter na higaan ko nung isang araw dahil kay Fortuna.

Pati ang mga nagkalat na damit ay itinupi ko na rin. Napansin ko rin ang litrato namin ni Imelda na nakasabit sa kisame.

Otomatiko naman akong napangiti dahil doon.

Nang matapos 'iyon ay naghubad na ako tsaka dali-daling pumasok sa banyo.

Isang oras din nang matapos ako sa pagligo tsaka na rin ay nagbihis na rin ako.

Isang oras din nang matapos ako sa pagligo tsaka na rin ay nagbihis na rin ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oras ang mga lumipas.

Busy naman na ang mga tao sa bahay lalo na kay Fortuna at mama na ngayon ay nagluluto.

Wind of LoveWhere stories live. Discover now