Chapter 29

144 17 42
                                    

"Kuya!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni Fortuna saakin.

"Ano?"

"Umaga na, maghanda ka na!" napadilat ang mga mata ko at napatingin sakanya tsaka ko nilingon ang orasan.

"5:30 am"

"Ano ba Fortuna. Alas singko palang" napakamot pa ako sa batok ko dahil sa inis.

Hindi ko talaga maintindihan ito si Fortuna. Parang siya pa ang mas excited kesa saakin na manligaw kay Imelda.

Akala mo talaga siya mamaya ang hihingi nang kamay ni Imelda sa sobrang aga gumising.

"What i mean is, hindi ka ba bibili nang bulaklak para sakaniya?" tanong nito.

Bigla akong napaupo sa gulat rito.

Tama nga naman siya. Bulaklak para sa liligawan ko.

"Ano?" Nag-aantay parin na tanong niya.

"Ang aga walang nagbebenta ng ganto kaaga" napakamot pa ako sa batok ko.

"Meron na, may alam akong nagtitinda nang mga rosas"

Bumangon ako mula sa higaan ko at tumingin sakaniya nang deretso. Tama ba na bumili ako ng bulaklak para sa babae? Ano kaya ang magandang bulaklak na babagay sa ganda niya.

"Magbihis ka na tapos punta tayo sa sinasabi mo"

Ngumiti naman siya saakin tsaka umalis ng kwarto ko. Nagbihis na rin ako para makapunta naman na kami sa sinasabi niya.

Minuto ang lumipas ng makabalik si Fortuna sa kwarto ko. Naka jacket lang siya at black short.

Kwekwestyunin ko pa sana ang maikli niyang short ng hilain niya ako palabas ng kwarto. Hila-hila niya parin ako hangang sa makarating kami sa sala. Nandoon naman na si mama na naghihiwa ng kung ano sa kusina.

"Saan kayo pupunta? Keaga-aga" napalingon naman kaming pareho ni Fortuna.

"May bibilhin lang ako ma" palusot naman ni Fortuna dito.

Hindi naman na nakapagreklamo si mama nang hilain ulit ako ni Fortuna sa palabas ng bahay. Muntik na rin kaming tumagos sa pintuan dahil sa kakahila niya saakin.

Pumasok kaming pareho sa sasakyan at pinaandar ko naman ito. Nadaanan din namin ang bahay nina Crishia pero kitang kita naman na walang tao.

"Ipapahinto ko nalang mamaya kapag andoon na tayo" i just nodded and continue driving.

Tuloy-tuloy lang kami sa pagmamaneho at nakarating na kami sa mga sunod-sunod na shop ng mga bulaklak sa mga paligid.

"Diyan sa gilid" itinuro pa niya ang isang flower shop sa gilid.

Dali ko naman siyang kinutusan ng makita ang mga benta nila.

Bulaklak ng mga patay ang andoon.

"Puro ka talaga kalokohan" ani ko sakaniya.

Bumaba kaming dalawa tsaka kami dumiretso sa isang flower shop sa isang dulo ng isang convinient store.

"Ito oh"

Sumunod ako sakaniya ng mapansin kong nakahawak na siya sa mga kulay pulang rosas.

Nang makasunod ako ulit sakaniya at matanto ang kinaroroonan niya ay doon ko napansin ang sobrang raming bulaklak na nasa loob ng shop.

"Ano po ang inyo sir?" Bati saakin ng isang dalagang babae na nakatayo.

"Sainyo po ba maam?" Lingon nito kay Fortuna.

"Ano ang magandang pangligaw?" tanong ni Fortuna.

"Kulay pula na rosas po ang karamihan na binibili ng mga kalalakihan dito at karamihan din ay para sakanilang nililigawan"

Wind of LoveWhere stories live. Discover now