"BABAE SA ESKINITA"

9 0 0
                                    

Naglalakad ako papasok ng eskinita papunta sa tinutuluyang bahay. Nakakabinging katahimikan ang mga oras na ‘yun dahil madaling araw na.  Habang naglalakad ako, may naramdaman akong malamig na hangin na humampas sa aking balat. Kinilabutan ako bigla kaya binilisan ko ang aking paglalakad.

Sa ‘di kalayuan may natanaw akong isang babaeng nakatalikod. “Ano kaya ang ginagawa niya diyan at hatinggabi na?”.

Maya-maya’y biglang nag-patay sindi ang ilaw sa kinaroroonan niya. Lalo akong natakot ng biglang humarap ang duguang mukha ng babae. Kaya dagli akong tumakbo ng mabilis at sumigaw ng malakas, hanggang sa nahulog ako sa higaan at nagising.

“Salamat panaginip lang pala!”.
 
#

"MGA AKDANG DAGLI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon