"Cutting"

151 1 0
                                    


Pasilip-silip si Carlo sa maliit na salamin ng pinto kung nasa loob na ng klasrum ang kanilang guro. Nang malaman niyang nasa loob na si sir, leyt na naman ang mga ito. 

"Huwag na tayong pumasok, marami na namang ipapagawa si sir sa atin" pangungumbinsi ni Carlo sa kanyang mga klasmeyt. "Tsaka, matutulog ka lang din naman sa klase niya, tugon ni Mark." "Ikaw nga nag-iingay lang." Sabi naman ni Ashley.

Halos araw-araw nila itong ginagawa sa klase ni sir. Kung hindi leyt, magka-cutting classes.

"Class! Nasaan na naman sina Carlo, Mark, Marvin, Ashley at Jean?" "Nasa labas pa po sir," tugon ng ilan sa mga estudyante niyang nasa loob ng klase niya. Tumunghay siya sa bintana. Natanaw niya ang mga estudyante niyang nag-cutting classes. Naglalaro ng basketbol. Pero nakaupo lang si Ashley at Jean na nagkukuwentuhan.

Cutting classes na naman kayo. Ano na naman kayang grade ang ibibigay ko sa inyo? Sunod-sunod ang sabi ng pabulong sa sarili niya. Bumalik muli ang atensiyon ni sir sa mga estudyanteng nandoon. "Class! mag-aral kayo ng mga aralin natin. Huling markahang pagsusulit na natin bukas." "Opo sir!" Tugon ng lahat. "Sige, goodbye class".

Isa-isang nagpapaalam kay sir ang mga estudyante niya. Nang makalabas na ang lahat, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng klasrum niya. Mga ilang minuto, sumilip muli siya sa bintana para alamin kung nandoon pa naglalaro ang mga estudyante niyang laging nagka-cutting classes. Wala na ang mga ito. Napabuntong hininga na lang siya sabay labas para tawagin at kakausapin sila.

Hindi nila namalayan nasa likod na nila si sir. "Bakit nag-cutting classes na naman kayo?" Umalingawngaw ang boses ni sir. Hindi alam ng lima kung ano ang gagawin. Kinausap ang bawat isa. "Ano na naman ang mangyayari sa grade niyo? Lagi kayong nagka-cutting classes. Ano? Lagpak! na naman."

"MGA AKDANG DAGLI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon