"PAKITANG TAO"

14 0 0
                                    

"Diyos ko! ang haba na naman ng trapik" pagmamaktol ni Canor isang umaga habang sakay ng dyip papasok sa trabaho. Umaga pa lang tagaktak na ang pawis niya dulot ng pagkakaipit sa trapik.

Hindi makatiis, malayo-layo pa'y bumaba na at nilakad na lamang baka abutan pa siya ng pasko kung hihintayin niyang uusad ito.

Habang binaybay ang daan papuntang trabaho, sa 'di kalayuan tanaw niya ang pagbubungkal ng kalsada dahilan ng pagkakabuhol-buhol ng trapik.

Napabuntong hininga na lang siya. "Matino naman ang kalsada bakit kailangan pang sirain ito?". Nagpapabango na naman kasi malapit na ang eleksyon. Wala talagang matino na namumuno, kung meron man bilang na lang sa daliri.

#

"MGA AKDANG DAGLI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon