"Will You Be My Girlfriend?"

39 1 0
                                    

Dapit-hapon. Naka-upo ako sa may katig ng bangka na nakadaong sa dahikan. Nakatingin sa napakalawak na dagat. Nananabik na muli ko siyang makita.

Kalaunan, tanaw ko ang papalapit na barko. "Sa wakas! makikita ko ulit siya." ang malakas kong sigaw. Nagtinginan ang mga tao sa akin.  "Sorry po!✌" ang sabi ko sa kanila na may halong pagkahiya. Sabik lang talaga ako sa mga sandaling iyon na makita ko ulit si Raya.

Nakadaong na ang barko. Agad kong hinanap ng dalawa kong mga mata kung saan naroon si Raya. Hindi ko siya makita kaya biglang napalitan ng lungkot ang kaninay tuwa at sabik siyang makita.

Nagsibabaan na ang mga pasahero. Hindi ako kumurap at isa-isang pinagmasdan ang mga mukha ng mga taong naroon. Hindi ko pa rin makita si Raya. Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa kaya hinintay ko na makababa ang lahat. Sabi niya kasi ngayon siya darating.

Nang makababa na ang lahat ng pasahero, hindi ko pa rin makita si Raya kaya nalungkot ako.

Nilisan ko ang lugar na iyon na malungkot na malungkot at may halong pagkadismaya. Matagal na kasi akong may gusto kay Raya. Unang beses ko pa lang siyang nakita, nakuha niya na agad ang loob ko.

Isang gabi, pinuntahan ako sa bahay ng matalik kong kaibigan na si Randy. "Oh pare! bakit nandito ka? gabi na ah!" "Dumaan lang ako dito dahil may sasabihin ako sayo." Ang sabi ni Randy "Ano yun?" tugon naman ni Jasper "Bukas ng gabi, sabi ng tropa punta daw tayo ng luneta pag-uusapan lang yung nalalapit nating outing." "Ah sige, akala ko kung ano na."

Hindi alam ni Jasper na kasama pala si Raya sa mga pasahero sa barkong dumating. Hindi lang siya nito namukhaan dahil gusto niyang isurpresa ito. At maging mga kaibigan niya ay kasabwat ni Raya.

Nang gabing iyon sa luneta, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bitbit ng mga kaibigan ko ang isang mahabang papel na may nakasulat na "Will you be my girlfriend?"

"Ano 'to"? tanong ko na may halong pagtataka. Nagsisigawan ang mga kaibigan ko. Wala na akong magawa, pero hindi ko talaga makuha ang ibig nilang sabihin.

Maya-maya ay dumating si Raya. Nagulat ako dahil ang alam ko wala siya nun sa barko. Lalo tuloy akong naguluhan.

Pareho kaming hindi makaimik ni Raya. Bagama't alam ni Raya ang lahat pero nanlalamig din siya sa kaba. Lumapit si Randy para buhayin ang katahimikan. "Jasper, si Raya..Raya, si Jasper" pakilala ni Randy sa amin sabay kantyaw ng lahat. Wala akong magawa kundi sumabay na rin sa nais ng mga kaibigan ko. Hindi ko na sinayang ang mga sandali kaya hinawakan ko agad ang mga kamay ni Raya at nagtapat sa kanya.

"Una pa lang kitang nakita ay nabighani na ako sa iyong ganda. Sa panlabas man o panloob na kagandahan. Pangako ko na mamahalin kita higit pa sa sarili ko. At lumuhod kay Raya para magtapat ng.."Will you be my girlfriend?"

Nagsigawan na ang mga taong nakapaligid sa amin. Inaantay na nilang marinig ang salitang "OO"

Masaya ako na naiiyak. Hindi ako makahinga sa mga nangyayari. Masaya lang dapat ako pero bakit nakakaiyak?

Hanggang sa narinig na nga nila ang salitang "OO" na sinambit ni Raya. Patawad, dahil hindi agad ako nagpakita sayo. Kinausap ko kasi mga kaibigan mo na huwag sabihin sayo na dumating ako para isurpresa ka. Niyakap ni Jasper si Raya at nagpalakpakan ang mga taong nakapalibot sa kanila.

"MGA AKDANG DAGLI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon