"MIT AP SA MRT"

9 0 0
                                    

Abalang-abala ako sa pag-aayos ng aking sarili sapagkat sa unang pagkakaton ay magkikita kami ng aking ka-teksmeyt na si Carla. Nagpagupit, naligo, nagpabango at kung ano-ano pa. Matagal na kaming magkakilala ni Carla sa pamamagitan ng texts lamang pero hindi pa kami nagkikita ni minsan. Abala din kasi ako lagi sa trabaho at walang panahon dahil guro ako kaya hindi ko rin siya pinagtutuunan ng pansin. At kahit nga sa peysbuk ay napag-iiwanan ako dahil wala akong akawnt. Hindi kasi ako mahilig sa mga sosyal medya. Pero sa unang pagkakataon ay magkikita kami.

Nakilala ko si Carla ng aksidenteng nagkamali ako ng pagpasa ng numero sa text. Pagkatapos sa pangyayaring yun doon na kami nagsimulang magkaibigan ng matagal.

Sa araw ng aming pagkikita sabik at kaba ang nararamdaman ko dahil gusto ko rin naman siyang makita ng harapan. Maya-maya’y tumunog ang aking selpon kaya agad ko itong binasa. Si Carla.

“Nasaan ka na Johndel? Nandito na ako sa terminal ng istasyon ng MRT.” Ito ang nakalagay na mensahe  kaya’t lalo akong nasabik. Sa MRT kasi kami magkikita dahil malapit lang siya doon. Kaya agad akong tumugon ng text sa kanya.

“Papunta na ako diyan. Siguro mga labinlimang minuto nandiyan na ako.” Ang tugon ko sa text.

Habang malapit na ako sa lugar kung saan kami magkikita lalong bumilis ang tibok ng puso ko na may halong pagkasabik. Kaya nag-text ulit ako sa kanya.

“Saan ka banda naghintay? Nandito na ako sa istasyon ng MRT”. Sunod-sunod kong tanong sa text.

“Nandito ako sa likod nakaupo”. Ang tugon niya.

Palinga-linga ako hanggang sa magtama ang aming paningin.

“C-Carla Mae?”

“S-sir?”

Natulala ako bigla na may halong hiya dahil estudyante ko pala ang ka-teksmeyt at ka-mit ap ko.

#

"MGA AKDANG DAGLI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon