"CHAT NG PAG-IBIG"

248 2 0
                                    

Hi! Kumusta? Ito agad ang bumungad sa akin ng buksan ko ang aking peysbok. Noong una, hindi ko pinansin kasi hindi pa naman kami magkaibigan kaya "seen" lang ito. Patuloy ako sa pagba-browse. Tumambad ang iba't ibang larawan na kuha ng mga kaibigan ko mula sa pagsalubong ng bagong taon.

Maya-maya tumunog ulit ang messenger ko. Binuksan ko ito. Siya na naman. Binasa ko ang laman ng mensahe niya. "Ay...seen lang niya ako na may kasamang icon na malunglot ang mukha". Iyon ang nakasulat. Kaya sumagot na rin ako. "Ayos lang po ako, iyon ang tugon ko." " Sa wakas! sumagot ka rin. Ako nga pala si Roldan, taga Mandaluyong at 25 na ako." Sunod-sunod niyang pakilala, eh hindi ko naman tinatanong. "Ikaw po?"  "Hu? Bakit?" Iyon ang tugon ko sa kanya. "Gusto ko lang po malaman". Sagot niya. Nag-seen na naman ako sa kanya. Tiningnan ko ang "wall" ng peysbok niya. Tiningnan ko rin ang mga larawan niya sa album. Cute siya, kaya parang kinilig na rin ako.

Tumunog na naman ulit ang messenger ko. Nang buksan ko ito, si Roldan na naman. "Ano na po? seen na naman siya sa akin oh.." sabi sa nakasulat. Ahmm..iyon ang sagot ko. "Sorry po, makulit ako. Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo. Huwag kang mag-alala mabait naman po ako." Sunod-sunod niyang sabi.

Noong una hindi ko talaga siya pinapansin, hanggang sa nagsabi na rin ako. "Sige na nga, Christine ang tunay kong pangalan, dito ako nakatira sa Laguna at 23 pa lang ako." "Hi Christine! Salamat at sumagot ka. Sorry ha? Makulit lang talaga ako pero promise ko sayo mabait po ako." Ang sabi niya sa akin. "Oo na, naniniwala na ako. Dito na nagsisimula ang pagkakaibigan nina Christine at Roldan.

Makalipas ang ilang mga araw, lalong lumalim ang pagiging pagkakaibigan nila. Lagi silang nagtsa-chat. Kuwentuhan sa chat. Nagiging masaya sila kahit sa ganung sitwasyon. Hindi hadlang na malayo sila sa isa't isa. Hanggang isang araw, nagtapat ng pag-ibig si Roldan.

"Hi Christine! may sasabihin sana ako sayo. Sana, huwag kang magagalit sa akin. May ipagtatapat ako sayo. Matagal na tayong magka-chat, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sayo. Gusto na kita". Iyon ang mensahe ni Roldan kay Christine sa messenger. Pero sa sandaling iyon, hindi naka-online si Christine.

"MGA AKDANG DAGLI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon