"BUNGA"

56 1 0
                                    


Biyernes. Naglalakad ako pauwi galing paaralan kung saan ako pumapasok. Sa 'di kalayuan nakita ko siya. Nakasuot ng kulay pula at nakangiti.

Habang nakatingin ako sa kanya para bang may isang malakas na pwersang humihila sa akin papunta sa kanya. Kahit malayo dama ko ang mabango niyang amoy na nanunuot sa kailaliman ng ilong ko. Ang sarap niyang amuyin.

Di ko na kaya. Naakit ako. Kaya lumapit na ako. Nagpatianod sa nararamdaman ko. Ang sarap! Napasaya niya ako. Dapat noon ko pa ito ginawa. Inaraw-araw ko na ang pagpunta sa kanya.

Lumipas ang mga araw at  linggo, napapansin ko ang paglaki ng aking katawan at kapansin-pansin din ang umbok sa aking tiyan.
Kinabahan ako. Pinagpawisan. Hindi ko alam paano ko 'to sasabihin sa kanya, sa pamilya ko, at sa mama ko.

Ayoko! Ayoko munang sabihin. Natatakot ako.

Kaya naman ng araw ding iyon  dumiretso ako sa bahay ng matalik kong kaibigan.

"Beshie makinig ka. Sayo ko lang 'to sasabihin ha?. Huwag mong sasabihin kina mama 'to please!" Panimula ko kasabay ng paghahagulhol na may halong pagmamakaawa.

"Teka! teka! ano ba yang sasabihin mo? Bakit ka umiiyak?" kabado niyang tanong sa akin habang pinapatahan niya ako sa pag-iyak.

"Bes, buntis ako..." Sagot ko sa kanya sa mahinang boses. Ayokong may marinig na iba. Pinakita ko sa kanya ang umbok sa tiyan ko.

"Hay naku sinasabi ko naman sayo tigilan mo na ang pagpunta dun eh! Ilaglag mo na yan!Ikaw lang ang mahihirapan diyan. Heto gamot inumin mo." Sabay abot niya ng isang tabletang di ko mabasa sa sobrang labo ng mata ko mula sa pag-iyak. D..-d ang umpisa. Di ko alam.

Inisip ko ang kalagayan ko.Tama! Alam kong mali pero gagawin ko para sa ikabubuti ko.

Kinuha ko ang tableta at dali-daling ininom ito. Ilang saglit lang ang lumipas nakaramdam ako ng sakit sa aking tiyan na tila ba gustong kumawala. Dumiretso ako sa banyo.

Inilabas ko na. Ang bunga ng maling desisyon ko. At di ako nagsisisi sa ginawa ko ngayon.

Sa wakas! Nailabas ko na ang bunga ng pagbuntis sakin ni Jollibee.

''Bes salamat ha? Salamat sa Diatabs. Kaloka ang sarap kasi ng foods dun eh nahiya naman ako sabihin kina mama baka sabihin dun lang napupunta pera ko."

"MGA AKDANG DAGLI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon