Kabanata 3

68 7 0
                                    

Kabanata 3

Nakaupo kami ngayon sa sala. Ang bunso ng kapatid ni Leandro, si Leandro katabi si Elizabeth at ako sa tapat nila. Nakatayo naman ang ilang mga tauhan nila sa kanilang bahay.
Nakatingin sila kay Leandro at naghihintay na magsalita ito. Lumingon muna sa akin si Leandro at ang kanyang mga mata ay nakikiusap na kahit anong sabihin niya ay wag na lamang akong kokontra. Tumango ako sa kan'ya at nag simula na siyang magsalita.

"Paumanhin sa naganap kagabi, alam kong na bigla kayo. Hindi ko kaagad na pakilala sa inyo ang kaibigamg kasama ko," he paused and glance at me.

"Siya si Josefa, dito muna siya mananatili habang nagpapagaling. Dahil sa isang aksidente ay wala ang kanyang alaala, maging mabuti sana kayong lahat sa kanya."

Did he just named me Josefa? Ano ba naman 'yan, ang bantot! Sana naman tinanong muna niya kanina ang pangalan ko, hindi 'yong gagawa siya nang pangit na pangalan para sa akin.
Ngumiti sa akin ang kapatid na babae niya.

"Ako si Teresa, Josefa."
Ngumiti ako pabalik sa kanya at tumango-tango. Lumingon ako kay Elizabeth, nakangiti ito pero ewan ko ba ramdam ko ang pagkailang niya.
Wag naman niya sana ako pagseselosan, gosh girl, fan ako ng lovestory niyo!
Ang ganda-ganda niya, bagay na bagay sila ni Leandro. Matapos akong ipakilala ay nagpaalam na si Leandro na aalis muna sila ni Elizabeth. Nag-aayos na pala sila para sa na lalapit nilang kasal.
Maybe that's the reason why I am here. I'll be able to witness their wedding. Ayos na rin na napadpad ako dito.

"Josefa, sumama ka sa amin. Magtutungo kami sa ilog upang maglaba, doon na rin tayo maliligo."
Parang bigla akong natuwa sa sinabi ni Teresa, hindi pa ako nakakapunta sa ilog. Mabilis akong tumayo at sumunod sa kanya.
Bitbit ng mga tagapagsilbi sa bahay ang mga batya na naglalaman ng mga maruruming damit. Sama-sama kaming naglalakad sa kalsada ng hindi sementado.

Pumantay ako kay Teresa sa paglalakad, siya pa lang naman ang medyo malapit sa akin,malay ko ba kung mataray ang iba naming kasama.
"Ikakasal na pala sina Leandro," bigkas ko.
Lumingon sa akin si Teresa at ngumiti,
"Oo kahit na noong una ay hindi sang-ayon ang aming mga kaanak."

Ang alam ko lang ay hindi okay ang pamilya nila pero hindi naman nakasulat sa libro kung bakit.

"Bakit hindi sila sang-ayon?" Tanong ko sa kan'ya.
Malungkot na ngumiti si Teresa at tinuon sa unahan ang kanyang paningin.

"Ang mga magulang ni Elizabeth ang tinuturong pumaslang sa mga magulang namin, bagaman hindi ito napatunayan, naniniwala ang buong angkan namin."
Nagulat ako sa sinabi niya kung ganon, talagang tututol nga ang pamilya niya sa pagmamahalan nila.

"Sorry," alam kong masakit sa kanya pero sinabi niya parin sa'kin.

"Ha? Hindi ko maunawaan," naguguluhang tanong niya sa akin.

"Ang ibig kong sabihin ay paumanhin."

Tumango tango si Teresa at ngumiti sa akin. Kumapit ako sa braso niya at masaya siyang hinila patakbo.
Mahinhin siyang tumawa at sumabay sa patakbo ko.

"Mabuti na lamang at hindi natin kasama ang kuya, kung hindi'y magagalit iyon," tumatawang sambit niya.
Tumawa lamang ako, bukod kay Zarina ay mukhang nakatagpo ako ng kaibigan.

Nakarating kami sa ilog kung saan sila maglalaba at maliligo. Malayang dumadaloy nang marahan ang tubig. Malinis at malinaw, kitang kita ko ang ilalim nito. May maliliit na bato sa ilalim, may mga maliliit na isdang lumalangoy.
Excited akong tumakbo papalapit sa tubig at nagtampisaw.
"Maghintay hinay ka Josefa, juskong bata ito, parang ngayon lamang nakakita ng tubig!" sigaw ng matandang kasambahay.

Ngumiti lamang ako sa matanda at pinagpatuloy ang pagtatampisaw. Nagulat ako ng may tumama ng tubig sa aking mukha, pagmulat ko ay bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Teresa.
Ahh... Gusto ng laro ng isang ito ha. Mabilis ko syang sinabuhayan ng tubig at agad siyang gumanti. Malakas at mabilis kong sinasalok sa tubig ang mga kamay ko at binubuhos sa kanya.

"Suko na, suko na ako Josefa!" tumatawang sigaw niya.
Humalakhak ako habang pinagmasdan si Teresa na ba sang-basa na, ramdam ko rin naman ang tuluyang pagkabasa ng katawan ko dahil sa mga buhos ni Teresa kanina.

"Doon tayo sa mas malalim," hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako.
Hindi na ako sumama pa sa malalim na parte, hanggang dito lang ako sa hanggang balikat na tubig. Hindi ako marunong lumangoy. Pinanuod ko si Teresang lumangoy sa malalim na parte. Mabuti pa ang isang iyon magaling lumangoy.
Ilang sandali lang ay lumapit na siya sa akin at nagpaalam na maghahanda muna ng aming meryenda, Tumango lamang ako at hinayaan siya.

Napadako ang tingin ko sa tabi ng ilog at nakita ko si Leandro na seryosong nakamasid sa akin.
Nataranta ako at agad na lumubog sa tubig, hindi ko alam kung dahil ba sa agos ng tubig o tanga lang ako kaya napunta ako sa malalim na parte ng ilog. Pilit kong tinatapak sa ilalim ang paa ko ngunit hindi ko na ito maabot, hindi ko na rin maiangat ang ulo ko sa ibabaw ng tubig.

Binalot na ako ng takot at agad agad na nagwala sa ilalim ng tubig, naiyak na ako... Katapusan ko na ba?
Baka naman ito ang way para makabalik ako sa panahon ko, kailangan kong mamatay. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko na lamunin ako ng tubig. I closed my eyes, sayang hindi ako makakaattend ng kasal nina Leandro. Just when I thought I was about to die, a strong large hands embraced my waist and pull me up.
Nang makarating sa medyo mababaw na ay binuhat ako ni Leandro sa mga bisig niya, nakatitig ako sa seryoso at kunot noon niyang mukha. He looked mad. Hindi ako makapagsalita, natatakot ako na baka ikagalit niya ang ano mang lalabas sa bibig ko.
Pagkarating sa gilid ay ibinaba niya ako sa isang malaking bato bago umalis. Mabilis na nakalapit sa akin si Teresa.
"Ayos ka lang ba Josefa? sana'y hindi kita iniwan doon, patawarin mo ako."
Niyakap niya ako at parang iiyak na siya.
"Ayos lang ako ano ka ba, hindi mo naman kasalanan."
"Sandali I kukuha kita ng sabaw na mainit," nagmamadali siyang humiwalay sa akin at lumapit sa nagluluto malayo-layo sa amin.

Hindi ko 'yon napansin kanina a. Nagluluto sila gamit ang kahoy at nakapatong sa tatlong bato ang kaldero. Lumapit doon si Teresa at sumandok ng sabaw, nilagay niya iyon sa maliit na mangkok at nagmamadali ng lumapit sa akin.
Inabot niya iyon sa akin at tumabi sa batong inuupuan ko. Humigop ako ng sabaw at napadaing ako ng mapaso. Ang init!

"Dahan-dahan, Josefa kagagaling lamang niyan sa apoy," tumatawang sambit ni Teresa.
Natawa rin naman ako, natigil kaming dalawa sa pagtawa ng magbaba ng isang malaking kawa sa harapan namin si Leandro at pinunan ito ng tubig.

"Anong lulutuin mo diyan kuya?" tanong ni Teresa.
Maging ako ay nagtataka ang laki naman n'on, ano kayang lulutuin doon?

"Dito ka magtampisaw Josefa, wag na wag ka ng lulusok sa ilog, patuloy ko na lamang daragdagan ito ng tubig," seryosong sambit niya habang nakatingin sa'kin.

FUCK! I mentally cursed.

Our Historical LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon