Kabanata 12

38 5 0
                                    

Isang linggo mula ngayon ay magaganap na ang kasal ni Leandro at Elizabeth. Hindi ko alam kung bakit sa halip na matuwa ako ay parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko, mabigat.

"Si Leandro?" tanong ko kay Teresa.
Nilunok niya ang manggang kinakain niya bago ako sagutin.

"Umalis nang maaga, abala iyon sa nalalapit na kasal nila."

Tumango naman ako at lumapit sa kan'ya. Nasa sala kami at sa lamesa ay napakaraming balat na mangga. Hiwa-hiwa na ang mga iyon at nakalagay sa malaking mangkok. Wala siyang sawsawan, napangiwi ako. Kung may kasintahan itong si Teresa ay iisipin kong buntis siya.

"Hindi ka ba naasiman?"

Umiling siya sa akin at kumuha muli ng mangga at sinubo iyon. Pinagmasdan ko siyang nguyain iyon at hindi nga siya ngumiwi manlang. Dahil sa kuryusidad ay kumuha ako ng mangga at sinubo iyon. Isang nguya pa lamang at ngumiwi na ako sa sobrang asim non.
Malakas na humalakhak si Teresa bago ngumiwi rin. Dumating si Silvia na may dalang asin at nilagay iyon sa lamesa.

"Hahaha, nakakatawa ang itsura mo Josefa!"
Natawa na lamang din ako, nalinlang ako ni Teresa. Nagpapanggap lang pala siya na hindi maasim para subukan ko rin. Naupo na rin si Silvia at pinagsaluhan naming tatlo ang maasim na mangga.

"Dinaig niyo pa ang naglilihi," si Kuya Pedro.

"Hindi naman maasim," si Silvia na ngumiti kay Kuya Pedro.

"Hindi mo ako malilinlang, Silvia. Sa itsura pa lamang ng manggang iyan ay nalalasahan ko na ang asim."
Nagtawanan naman kami. Pumasok na si Kuya Pedro sa kusina at iinom daw siya. Napatingin ako sa bulwagan nang si Leandro naman ang pumasok mula roon. Dumiretso siya sa amin at naupo sa tabi ko. Ang akala ko ba ay abala ang isang ito sa na lalapit niyang kasal.

"Kuya gusto mo?" Alok sa kan'ya ni Teresa.
Umiling lamang si Leandro.

"Masarap ginoong Leandro, subukan mo," si Silvia ngunit muli lamang umiling si Leandro.

Lumingon ako sa kan'ya habang may nginunguya. Napangisi naman siya nang bahagya akong ngumiwi. Kumuha ako ng isang gayat na mangga at inilapit iyon sa bibig niya. Ang akala ko ay hindi niya iyon tatanggapin pero wala siyang pag-aalinlangang tinanggap iyon. Unang nguya pa lamang ay napangiwi na siya.

Malakas na nagtawanan kaming tatlong babae sa kan'yang reaksyon. Lumabas si Kuya Pedro mula sa kusina at nakita ang pagngiwi ni Leandro.

"At talaga namang nagpalinlang ka sa mga binibining iyan, alam mo namang maasim iyan," si Kuya Pedro na lumapit pa at binatukan si Leandro.
Natawa lamang si Leandro at hindi ininda ang ginawa ni Kuya Pedro. Kumuha siya ng mangga at sinawsaw iyon sa asin, akala ko naman ay nagustuhan na niyang kumain ngunit nilapitan niya iyon sa bibig ko. Nilibot ko ang tingin ko, si Teresa ay napanganga, si Silvia ay nanlaki ang mga mata habang si Kuya Pedro ay humalakhak nang malakas. Napailing na lamang ako at binuka ang bibig para tanggapin ang manggang sinusubo ni Leandro.

Kinabukasan ay maaga pa lamang ay wala na ulit sa bahay si Leandro. Tanging kami lamang ng mga kasambahay at si Teresa ang naiwan. Si Kuya Pedro naman ay nagtutungo sa bukid at tuwing tanghali lamang nauwi para kumain, minsan nga ay hinahatiran na lamang ni Silvia ng pananghalian.

Nakahalumbaba kami ni Teresa habang pinamamasdan si Silvia na magbalot ng mga pagkain para ka Kuya Pedro. Nakakainis sobra. Habang pinamamasdan ko si Silvia sa kan'yang ginagawa ay nakaisip ako ng ideya.

"Mag-picnic tayo!" Halos sigaw na wika ko.
"Ha?" sabay na tanong nila sa akin.
"Picnic, maligo tayo sa ilog tapos magdala tayo ng mga pagkain," paliwanag ko.
"Masaya nga iyon," sang-ayon ni Teresa.
Umiling si Silvia, "Mapapagalitan tayo ni ginoong Leandro."
"Wala naman si Kuya at tiyak na gabi na naman ang uwi noon gaya kahapon."

Kahit labag sa loob ni Silvia ay napilit namin ito. Palihim kaming naghanda ng mga pagkaing dadalhin. Hindi kami nagpaalam sa mga nakatatanda ng kasambahay dahil tiyak na hindi naman kami papayag an.

"Tiyakin niyo lamang na hindi ako mapapalayas ni Ginoong Leandro," si Silvia habang naglalakad kami patungo sa bukid.
Ihahatid muna namin ang pagkain ni Kuya Pedro bago pumunta sa ilog.
"Wag ka mag-alala kasama natin si Josefa, hindi ka mapapahamak kay Kuya."
"Bakit ako?"
"Bakit? Ikaw naman nakaisip ng ideyang ito," si Teresa at tumawa.
Napanguso naman ako habang tumatawa silang dalawa. Nagtago kami ni Teresa sa malayo habang iniaabot ni Silvia ang pananghalian ni Kuya Pedro.

"Bakit tila nagmamadali ka?"
Narinig pa naming nagtataka si Kuya Pedro sa kilos ni Silvia.
"Marami pa akong gagawin!" sagot ni Silvia habang tumatakbo palayo kay Kuya Pedro.
Kumamot lamang sa ulo niya ang lalaki. Nang makabalik sa amin si Silvia ay nagmamadali na kaming nagtungo sa ilog. Mabuti na lamang at wala ring tao, walang makakapagsumbong sa aming pagtakas.

"Sa mababaw ka lang!" Sigaw ni Teresa sa akin.
Binaba namin sa gilid ang mga pagkain at masayang tumakbo patungo sa tubig. Nagtatawanan kaming nagbuhusan ng tubig. Nang medyo napagod na kami ay nagtungo kami sa gilid para maghanda ng pagkain.
"Kukuha ako ng dahon ng saging," si Silvia at kinuha ang maliit na kutsilyong dala namin.
Isang malapad na dahon ang kinuha ni Silvia at nilatag iyon. Tinaktak namin ang dalang kanin sa dahon at ang adobong baboy. Inihanay din namin ang pritong isda. Hiniwa ni Silvia ang hinog na mangga at nilagay iyon sa gilid. Gamit ang aming kamay ay nag simula na kaming kumain.

"Masayang gawin ang bagay na ito, uulit tayo hindi ba?"
Natawa naman ako kay Teresa, nandito pa nga kami pero ang utak niya ay nasa pagbalik na.
"Oo binibini, wag lamang tayong mahuhuli ng kuya mo."
Sabay-sabay kaming natawa sa sinabi ni Silvia. Lagot kami pag nahuli ni Leandro, tiyak na magagalit iyon. Matapos kumain ng kanin ay nilantakan namin ang mga hinog na mangga. Matamis iyon at may konti lamang na asim.

Nagpahinga lamang kami ng konti matapos kumain pagkatapos ay muli nang nagbabad sa tubig. The cold water is so relaxing. This is so much better than my bathtub. Ramdam ng katawan ko ang mahinang agos. Naglalangoy si Teresa sa malalim habang kami ni Silvia ay nagbababad lamang.

Siguro dahil sa sobrang enjoy namin ay hindi namin namalayang ang oras.

"Hindi pa kayo aahon?"
Sabay-sabay kaming na tigilan at nagtinginan, dahan-dahan kaming lumingon sa nagtanong at sumalubong ang galit na mukha ni Leandro.
Para akong tinakasan ng kaluluwa nang makita ko ang galit na itsura ni Leandro. Natataranta kaming umahon sa tubig at nagmamadaling inayos ang mga dala namin.

Our Historical LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon