Kabanata 19

37 5 0
                                    

Isang malakas na sampal ang gumising sa akin sa mahabang pagkakaidlip. Ang nag-aalalang mukha ng magulang ko ang bumungad sa akin nang imulat ko ang aking mga mata.

"A-anak," si Mama na parang iiyak na.
"Sa wakas nagising ka na anak, hirap na hirap kaming gisingin ka," si Papa.
Sumasakit ang ulo ko. Panaginip lang ba ang lahat ng iyon? Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang sakit doon. Ang mata ko ay mahapdi na parang kagagaling ko lamang sa matinding pag-iyak. Tumulo ang luha ko at natatarantang pinunas iyon ni Papa.

"Sorry anak, na sampal kita," hinimas niya ang pisngi ko na sinampal niya.
"Sorry baby."
Hindi ako makapagsalita. Hindi parin nagsi-sink in sa akin kung anong nangyari. Hindi ako makapaniwalang panaginip lang ang lahat ng iyon, bakit parang totoo? 'Yong pagmamahal ko bakit parang nararamdaman ko pa rin?

Kinaumagahan ay hindi na muna ako pinapasok sa school ng magulang ko. Buong araw lamang akong nakatulala sa harap ng bintana ko. Nakatingin ako sa katulong na nagdidilig ng halaman sa baba matapos itong magdilig ay umalis na. Halos hindi ko maalis ang tingin ko sa labas ng bintana, ganito rin iyon, sumilisilip ako sa bintana ng bahay ni Leandro. May pumatak na luha sa mga mata ko pero mabilis ko itong pinunasan, nababaliw na ako. Panaginip lang iyon, pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko.

Parang nakikita ko si Leandro sa labas nakikipag-inuman kay Kuya Pedro at nang mahuli niya akong nakatingin ay pinagtaasan niya ako ng kilay.
Agad kong pinilig ang ulo ko, malala na ito.

Nang sumapit ang hapon ay bumisita sa akin si Zarina. Masigla itong pumasok sa kwarto ko pero agad na sumimangot nang makita ang itsura ko.

"Ano bang nangyari sa'yo, Chelsea? Okay ka pa naman kahapon noong umalis ako a!" Reklamo niya.
"Masama lang pakiramdam ko," sagot ko sa kan'ya.
Parang bigla siyang may naalala at nagtatalong papalapit sa akin bago inalog-alog ang balikat ko. Halos tumalsik ang utak ko sa ginagawa niya, pero wala akong lakas para itulak siya palayo.

"Alam mo ba?!" Masayang sambit niya.
"Hindi, ano ba 'yon?" walang gana kong tugon.
"Love in war, 'yong binabasa mo."
Bigla akong nabuhayan nang banggitin niya ang tungkol sa Love in war.
"Ano? Anong tungkol don?"
Ngumisi siya at tumigil sa pag-alog sa akin. "Sabi na nga ba, sisigla ka kapag binanggit ko 'yon!" proud na proud na sabi niya.
"Ano nga!" inip na sigaw ko sa kan'ya.
"Wait, based on true story pala 'yon."
"T-talaga?"
"Hmm," tumango-tango siya, "pero binago lang nila. Namatay ang totoong nagmamahalan sa kwento na 'yon, I don't know what exactly happened pero ang sabi ganoon na lang ginawa nila dahil biktima si Elizabeth."
"Nasaan ang totoong kwento? May kopya ba nang totoong kwento?" sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya.
"Oh, kalma. Chelsea Garcia alam kong mahilig tayo sa libro at alam kong gagawin natin ang lahat mabasa lang ang kwento na magustuhan natin pero this time kalimutan mo na lang!"
"Ha?" naguguluhang tanong ko sa kan'ya.

Papanong kalimutan na lang, sa kan'ya pa talaga nanggaling ang salitang iyon, e napunta nga siya ng ibang bansa mabili lang ang gusto niyang libro.
"Iisa na lang kopya 'yon at walang balak ibenta ng nagmamay-ari, pwede naman daw basta twenty million. So forget it, maganda naman na' yong Love in war sabi mo diba?"
"Remember you spent five million just to buy the limited edition of Endless chase," paalala ko sa kan'ya.
"Yes, pero five million lang and I was grounded because of that!" umirap siya nang maalala iyon. Isang taon siyang hindi nakabili ng libro ang ending ako bumili ng mga libro ng gusto niya.
"Kahit magkano pa 'yon bibilhin ko!"
Agad na tumama ang palad niya sa ulo ko.
"Boba! Saan ka kukuha ng pambili? Hindi ka bibigyan ng Mama at Papa mo panigurado. Twenty million para sa libro? Baliw!"
"My 18th birthday money," sabi ko na nagpalaki sa mata niya.
Agad na sinabunutan niya ako at pinaghahampas. "Tang-ina nito! Regalo ng lola mo 'yon para sa future mo!"
"Pero kailangang mabasa ko 'yon," malungkot na sabi ko at naiyak na.
Tumigil siya sa paghampas sa akin at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin.
"Hala, seryoso ano bang problema mo?" Nag-aalalang tanong niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang bumaha ang luha ko. Kailangang mabasa ko 'yon, gusto kong malaman kung anong nangyari pagkatapos naming mamatay ni Leandro. Gusto kong malaman kung panaginip lang ba talaga lahat 'yon.
"Fine!" Zarina gave up. "We'll get the book."
Mabilis kong niyakap si Zarina.
"S-salamat."

Gumawa ng paraan si Zarina para lamang ma-contact ang may hawak ng huling kopya nang kwento ni Leandro. Pumayag daw itong makipagkita nang linggo, dahil iyon lang ang free time niya. Hindi ako mapakali hangga't hindi sumasapit ang linggo. Asar na asar sa akin si Zarina, hindi raw niya ako maintindihan. Hindi ko naman masabi sa kan'ya ang totoo baka mamaya isipin niya baliw ako, isa pa anong sasabihin ko na panaginip ko, hindi 'yon maniniwala.

"Matulog ka naman ha! Tanghali pa ang usapan namin kaya hindi tayo male-late," paalala niya bago kami maghiwalay, Saturday afternoon.
"Oo na," sagot ko sa kan'ya.
"Sus, ikaw pa!" pagdududa niya.

Totoo ngang hindi ako nakatulog buong gabi. Hindi na ako makapaghintay na mabasa, gusto kong malaman kung panaginip lang ba talaga iyon. Pero paano kung mali ako, paano kung iba nilalaman nang kwento? Masasayang ba ang twenty million ko? Hindi ko na muna sinabi sa magulang ko na gagamitin ko ang pera ko, siguradong magagalit ang mga iyon.

Kinabukasan ay nakataas ang kilay ni Zarina habang nakatingin sa mga mata ko. Alam kong alam niya na hindi ako nakatulog kagabi. Umiling-iling ito at hindi na lang nagsalita. Nagtungo kami sa restaurant na pinag-usapan nila nang may-ari ng libro.
Pagkapasok pa lang ay nilibot ko na ang paningin ko at natanaw ko ang babae na may hawak na cellphone at sa ibabaw ng lamesa ay isang lumang libro na halatang iningatan dahil kahit luma ay walang punit o gusot ang cover.

Nakatuon sa cellphone niya ang atensyon ng babae kaya hindi niya napansin ang paglapit namin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mukha niya, kahit may make-up ay  hindi ako magkakamali... 

"K-karminsita?"

Our Historical LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon