Kabanata 16

37 4 0
                                    

"Natatakot ka?"
Nakangisi si Teresa habang nakaharap kay Elizabeth. Tumayo si Elizabeth mula sa pagkakasalampak sa lupa at diretsong tinignan si Teresa.

"Bakit ako matatakot?"
"Bakit hindi? Namatay lang naman si Esperanza matapos mong hilingin na ipaubaya niya sa'yo si Kuya."
"Teresa!" sigaw ng ina ni Elizabeth. "Wag mong paratangan ang aking anak!"

Dumarami na ang mga tao at lahat sila ay nakatutok sa kung anong sasabihin ni Teresa. Parang kahit sa mga taga rito ay misteryo si Esperanza.

"Anong klase kang kaibigan? Nagmakaawa ka na ibigay sa iyo si Kuya Leandro dahil mahal mo! Matapos iyon ay hiniling ni Esperanza na pakasalan ka ni Kuya! Ang nakakapagtaka bakit biglang natagpuan patay si Esperanza?"
"W-wala a-akong alam... Wala akong alam sa sinasabi m-mo!"
"Nandoon ako! Narinig ko kung paano ka nagmakaawa kay Esperanza at kung paano mo tinakot ito kapag hindi ka pinagbigyan!"
"Teresa!" Tila kulog ang sigaw ng ama ni Elizabeth.
"Ano? Papatahimikin niyo ako? Aminin niyo muna ang ginawa niyo sa magulang ko!" sigaw ni Teresa bago bumaha ang luha niya. "Matagal ko ng kinikimkim ito, nagpunta ang magulang ko sa inyong tahanan para kausapin kayo tungkol doon p-pero...  b-bakit? Bakit pinatay din maging ang magulang ko?" humagulhol siya matapos sabihin ang lahat nang iyon.

"T-Teresa, bakit ngayon mo lang sinabi?" mahinahong tanong ng kan'yang Tiyo Arthuro.
"T-tiyo, natatakot ako, hindi ko matanggap na ako ang nag tulak sa kanila para mapaslang din. Kung hindi... Kung hindi ko sinabi sa kanila ang nalalaman ko, hindi sila magtutungo roon."

Imagine how painful it is for Teresa. Araw-araw niya sigurong sinisisi ang sarili niya. Ngayon ay galit na nakatingin ang buong pamilya nina Leandro sa pamilya ni Elizabeth.

"Ngayon ay malinaw na," matigas na wika ni Tiyo Arthuro. "Hustisya, makukuha namin iyon. Umalis na kayo bago pa namin ilagay sa aming mga kamay ang batas."
"Aalis kami pero lilinawin ko lamang wala kaming kasalanan sa mga binibintang ninyo!" galit na sigaw ng ama ni Elizabeth.

Umalis na ang pamilya nila at naiwan ang galit na pamilya nina Teresa at Leandro. Tila na baliktad na ang sitwasyon dahil sa mga rebelasyon ni Teresa. Nilingon ko si Leandro at nakitang katabi na niya ang kaibigang doktor, inaalalayan siyang makatayo. Lumingon ako kay Teresa para lapitan ito pero nauna na doon ang tatlong pinsan niya. Naramdaman ko ang marahang pag-alalay sa akin, nilingon ko iyon at si Silvia pala.

"Halika binibini, ihahatid kita sa iyong silid," wika niya at inalalayan ako papasok ng bahay.
"S-salamat."
Ngumiti lamang sa akin si Silvia. Nang maihatid niya ako sa aking silid ay iniwan na muna ako babalik na lamang daw siya mamaya para dalhan ako ng mainit na gatas. Masakit ang anit ko at pisngi dahil sa ginawa ni Elizabeth sa akin, maging ang balakang ko dahil naman sa pagkakatulak sa akin ng kapatid niya.

Kumuha ako ng damit para makapagpalit at napadaan ang tingin ko sa salamin. Halos masuka ako sa itsura ko, ang pangit! Namamaga nang husto ang mata ko at labis din ang pamumula ng pisngi ko. Parang maiiyak ulit ako pero pinigilan ko at baka lalo pang mamaga ang mga mata ko. Nagpalit ako ng damit at nahiga na sa kama.

Love is really capable of anything, kapag nagmahal ka ay gagawin mo ang lahat. Base sa mga sinabi kanina ni Teresa ay lumalabas na may kinalaman si Elizabeth sa pagkamatay ni Esperanza at maaaring pinatahimik ng pamilya niya ang magulang ni Teresa at Leandro. Hindi ko akalaing ganito kagulo ang kwento nila at hindi ko akalaing madadamay pa ako.
Dahil siguro sa pagod sa mga nangyari ay mabilis akong nakatulog. Nang magising ako ay nakita ko ang isang basong gatas sa lamesa. Dinala siguro ni Silvia kagabi pero tulog na ako. Napaka-sweet talaga ng babae na iyon. Nilapitan ko ang gatas at ininom iyon. Malamig na pero ayokong masayang ang effort ni Silvia.
Tinignan ko sa salamin ang sarili ko at bumungad sa akin ang Namamaga ko paring mga mata. Ahh! nakakainis papaano ako lalabas nito? Nakakahiya!

May kumatok sa pinto at agad akong napalingon doon. Hindi ko pa kayang magpakita sa kahit sino, ang pangit ko!
"Sino yan?" tanong ko.
"Si Teresa ito, Josefa."
"H-ha? Ahh! Masama pakiramdam ko," pagdadahilan ko.
Biglang bumukas ang pinto at mabilis siyang pumasok at lumapit sa akin. Nakalimutan ko hindi nga pala iyon naka-lock!
"Tama ka mainit ka nga," sabi niya matapos hawak an ang noo ko.
Gulat naman akong napahawak sa aking noo at tama siya mainit nga ako. Nagdahilan lang naman ako pero nagkatotoo. Hinila niya ako pabalik sa aking kama at halos itulak ako para mahiga.

"D'yan ka lamang pa dadalhan na lang kita ng almusal," akmang aalis na siya pero agad kong hinawakan ang braso niya. Umupo ako at hinigit siya para mayakap.
"Josefa?" pagtataka niya sa ginawa ko.
"Alam kong nasasaktan ka, patawad wala akong magawa para maalis ang sakit na nararamdaman mo," wika ko sa kan'ya.
Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin.
"Nasabi ko na ito sa iyo noon, hindi ba? Napasaya mo ako, kami ni Kuya nagkakulay muli ang buhay namin dahil sa iyo."
Humiwalay siya sa yakap at ngumiti sa akin.
"Kung hindi ko nakita ang ginawa sa iyo ni Elizabeth kahapon ay baka hanggang ngayon ay hindi ko parin naiisiwalat ang lahat. Hindi ko hahayaang maging ikaw ay magaya kay Esperanza."
Mabilis kong niyakap siyang muli. Kahit papano ay may maganda rin pala akong naidulot sa kan'ya. Sa kagustuhan niya akong protektahan ay naging matapang siyang sabihin sa lahat ang nalalaman niya.
Iniwan na ako ni Teresa at pa dadalhan na lamang daw niya ako ng pagkain. Magtutungo daw muna siya sa kan'yang kuya. Maayos daw ito pero hiniling na wag na muna akong papuntahin sa silid nito, ayaw daw ni Leandro na makita ko siya tapos ay iiyak na naman ako. Hmm, as if naman iiyak ako baka nga suntukin ko pa siya. Nakakainis siya papaano niya hinayaan na lang na saktan siya ng kapatid ni Elizabeth! Nakakainis din ang lalaking iyon kung marunong lamang akong magkarate ay lagot siya sa akin pasalamat siya at hindi ako marunong, babalian ko talaga siya ng buto kung nagkataon.

Bumukas ang pintuan at akala ko ay ang almusal ko na iyon pero nagmamadaling pumasok doon ang lalaking sa sobrang pamamaga ng mukha ay halos hindi ko na makilala.

"Pfft," I stopped myself from laughing.
Nagmamadali itong lumapit at hinawakan ang noo ko. Bakas sa namamaga niyang mukha ang labis na pag-aalala. Hirap na hirap akong pigilan ang tawa ko kaya naman wala na akong nagawa nang kumawala ang malakas na tawa ko.
"Hahahaha"
Kumunot ang noo niya at napansin ko ang sugat niya roon. Tila naguguluhan siya sa inasal ko.
"Anong nakakatawa?" Takang tanong niya.
Umiling ako at inangat ang kamay ko para hawakan ang namamaga niyang mukha.
"Ang akala ko ay iiyak ka kapag nakita mo ang kalagayan ko, mali pala ako. Tumatawa ka na parang masaya ka pa, hindi mo ako iniibig," umiling-iling siya at akmang aalis na ng silid ko.
Wag mong sabihin na nagtatampo siya? Ganyan magtampo si Leandro? Ang cute!

Our Historical LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon