Kabanata 4
Hapon na nang makauwi kami sa bahay nina Leandro. Hinatid niya ako sa likod ng bahay kung saan naroon ang banyo nila. Dalawang pinto iyon, parehas kong sinilip ang loob. Ang isa ay paliguan at ang isa naman ay labasan ng sama ng loob. Meron silang toilet bowl, mabuti na lang, isa rin iyon sa mga iniisip ko. Paano na lamang kung walang cr sa panahon nila?
Sa paliguan ko napiling magpalit ng damit. Pagkalabas ko ay natanaw ko si Leandro sa di kalayuan at parang hinihintay ako. Lumapit ako sa kan'ya at kunot noo siyang tinignan. Kailangan ba talaga akong hintayin, para akong bata kung itrato niya.
"Hinintay mo ako?" Tanong ko sa kan'ya.Tumango ito at naglakad na patungo sa loob ng bahay. Sumunod lamang ako sa kan'ya, bitbit ang pinapalitan ko na damit. Saan ko naman kaya ilalagay ito?
Pagkapasok namin ay may tinawag siya."Aling Pasing!"
Lumapit ang matandang kasambahay at tumingin sa aming dalawa."Bakit Leandro?" Takang tanong nito.
"Pakikuha po ng maruming damit ni Josefa."
Nahihiya naman akong tumingin sa matanda. May mga kasambahay din naman kami sa bahay namin pero di ko maiwasang mahiya dahil wala naman ako sa sariling bahay.
Lumapit sa akin ang matanda at nilahad ang kamay nito sa akin."Akina Josefa, para mapalabahan na agad iyan."
Nahihiya ko iyong inabot sa matanda.Umalis na ang matanda at sinabing papalabahan niya na iyon. Si Aling Pasing ang mayordoma sa bahay na ito sa tingin ko.
"Nakakahiya," reklamo ko.
Naglakad na muli si Leandro at Sumunod ako."Bakit, nais mo bang ikaw na lamang ang maglaba ng marumi mong damit?"
"Ha?"
Natigilan naman ako sa tanong niya lalo na ng humarap siya sa akin at hinihintay ang sagot ko. Ang totoo ay hindi ako marunong maglaba, nakakahiya namang sabihin 'yon sa kan'ya, lalo na't alam kong ang mga babae sa panahong ito ay lahat marurunong.Ngumisi siya at tumawa nang mahina, parang pinagtatawanan niya ako.
"Sa nakikita ko sa iyong mukha ay hindi ka marunong, hindi ba binibini?" Tila may pang-aasar sa tono ng pag tatanong niya.
I rolled my eyes on him, mapang-asar din pala ang isang ito, bagay na hindi ko nabasa sa libro."Umakyat ka na sa taas, tatawagin na lamang kita para sa hapunan," utos niya.
What? Bakit kailangan sa taas lang ako pwede namang sa sala ako maghintay.
"Sa sala na lang."
"Hindi maaari, binibini may mga nag-iinuman sa labas, mas mabuting doon ka na lamang muna."
Tumango na lamang ako at napilitang umakyat na sa taas. Nakakahiya namang sasama ako sa kan'ya sa labas sa inuman. Nakasimangot akong lumapit sa bintana at tinanaw ang mga kalalakihang nag-iinuman sa labas. Nagtatawanan sila, tumabi sa kanila si Leandro at sumali sa inuman.
Oo nga't mabait siya pero normal naman siguro sa kanila ang makipag-inuman."Anong espesyal sa bisita mo Leandro? Bakit hindi siya ang pinaglaba mo ng kanyang maruming damit?"
Ang nagtanong ay iyong Pedro na nakita ko noong unang gabi ko dito. Agad akong gumilid para kung sakali mang lumingon sila dito sa bintana ay hindi nila ako makikita."Bisita siya kuya Pedro" si Leandro.
"Oo nga't bisita, nakakapagtaka lamang. Si Teresa ay bata pa lamang hindi mo na hinahayaang magpalaba sa mga kasambahay at nang minsan namang natulog si Elizabeth dito ay siya rin ang pinaglaba mo ng kan'yang damit, ako lamang ay sadyang nahihiwagaan sa iyong mga kinikilos."
Binalot ako ng hiya sa mga narinig ko. Kung ganoon ay kahit si Teresa ay hindi nagpapalaba sa mga kasambahay. Sabagay ano ba namang aasahan ko sa panahong ito, malamang ang mga babae dito ay marurunong sa gawang bahay.
Lumayo na ako sa bintana at nagtungo na lamang sa kama. Humiga ako at pinikit ang mga mata. Paano kung pag gising ko nasa tamang panahon na ako? Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ba parang nagugustuhan ko na sa panahong ito ay hindi naman talaga ako dapat narito. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko na makatulog.
Isang marahang katok sa pintuan ang gumising sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, nasa panahon parin nila ako.
"Binibini?"
Boses iyon ni Leandro. Tumingin ako sa bintana at madilim na ito, wala na ring maingay sa labas kaya baka tapos na silang mag-inuman. Bumangon ako at naglakad patungo sa pintuan.Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Leandro na may dalang tray, may laman iyong pagkain.
"Ang iyong hapunan."
Gumilid ako para makapasok siya sa loob. Sa pagdaan niya sa harapan ko ay naamoy ko ang alak sa kan'ya."Lasing ka?" tanong ko habang sumusunod sa kan'ya.
Nilapag niya ang pagkain sa maliit na lamesa. Umupo ako sa upuan at tumingala sa kan'ya at hinihintay siyang sumagot.
"Hindi, nakainom ngunit hindi naman lasing."
Umupo rin siya sa harap ko at inayos ang mga pagkain, doon ko napansin na dalawang pinggan ang dinala niya."Nakatulog sa sala ang iba kong kainuman kaya dinala ko na lamang dito ang pagkain natin."
Hindi naman ako nagtatanong pero pinaliwanag niya. Mabuti na rin namang dinala niya na dito dahil tinatamad akong lumabas. Pakiramdam ko nga'y inaantok pa ako, kung hindi siya nagpunta dito ay bukas ng umaga ang gising ko.
Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko bago ang kan'ya. Isang mangkok lamang na tingin ko ay tinola ang ulam namin. Sinabawan ko ang kanin ko at kumuha ako ng isang piraso ng manok at papaya.Tahimik lamang kaming kumakain, pa minsan-minsan akong tumitingin sa bintana at kitang kita ko ang kadiliman sa labas. Naririnig ko ang ingay ng mga insekto sa labas. Teka kung nasa lumang panahon maaaring mayroong mga kababalaghan dito. Bakit ngayon ko lamang naisip iyon? Sisiguraduhin kong sarado ang bintana ko mamaya.
"Anong mayroong sa labas at panay ang lingon mo?"
Tumingin ako sa kan'ya at nakita ang kunot noo niyang mukha."May aswang ba dito? o baka naman tikbalang ganoon?"
Ngumiti siya at napailing sa tanong ko, bakit ano namang masama doon totoo naman, baka mamaya di na ako makabalik sa panahon ko kung makakain lang ako ng aswang dito."Hindi ko masasabing wala, pero kung sakali man na mayroon, sumigaw ka lamang. Nasa kabilang silid lang ako at kung sisigaw ka ay tiyak na maririnig ko."
Nanlaki ang mata ko, so it's not impossible na may mga ganoon ngang nilalang?
Matapos naming kumain ay dinala na niya sa baba ang pinagkainan. Mabilis akong nagtungo sa bintana at sinara iyon. Kahit na katatapos ko lamang kumain ay tumakbo na ako sa kama at nagtakip ng kumot.
Nakatulog na ako ngunit sa kalagitnaan ng gabi ay narinig ko ang kaluskos sa labas ng bintana. Parang pinipilit nitong buksan ang bintana. Agad na kumalabog ang didib ko, papaano kung aswang iyon at kakainin nga ako?Tinanggal ko ang pagkakakulubong ng kumot at sumiksik sa dulo ng kama. Dapat pala nanghingi ako ng bawang o asin kay Leandro kanina. Nanginginig na ako sa takot lalo na ng mabuksan ang bintana at bumungad sa akin ang hugis tao ngunit may taklob.
"AHHHHHH!!!!"
Sa sobrang lakas ng sigaw ko ay hindi na ako magtataka sa bilis makarating ni Leandro sa silid ko. Hawak ang lampara ay mabilis na lumapit sa akin si Leandro.
"Anong problema?"
"A-aswang..."
Napalingon siya sa bintana at inilawan ito. Kitang-kita ko kung papano pumasok doon ang isang nilalang. Pagkapasok ay tinanggal nito ang telang nakatakip sa ulo nito. Handa na muli akong sumigaw ngunit,"Teresa?"
BINABASA MO ANG
Our Historical Love
Historical Fiction"Let's rewrite the history." Chelsea Garcia is a bookworm. She loves reading books particularly historical romances. What if magising siyang nasa harapan na niya ang couple na hinahangaan niya. Ang sinaunang nagmamahalan, dream come true ba na masak...