Kabanata 7

48 5 0
                                    

Kabanata 7

Isang malaking misteryo para sa akin kung sino si Esperanza, dagdag pa ang bakit ganoon ang mga kilos ni Leandro, ibang iba kumpara sa nakasulat sa libro.

Sa libro ay mahal na mahal niya si Elizabeth at ayaw maiiwan ito, pero bakit ganoon walang pag dadalwang isip niyang iniwan ito noong panahon na nasaksak ako. Pero siguro naman ay natural lamang iyon, emergency diba?
Pero bakit buong gabi hindi niya ito sinayaw? Ahh! Nakakainis naguguluhan ako sa kanila!

"Nababaliw ka na ba?"
Napatingin ako kay Teresa na nakaupo sa ilalim ng puno habang nagbabasa ng isang libro. Nakahiga ako sa duyan at nakataas pa ang paa.

"H-ha?"

"Kanina ka pa pa baling-baling, ano bang iniisip mo?"

"Si Esperanza."
Natigilan siya sa sinabi ko, ibinaba niya ang libro at binigay ang buong atensyon sa akin.

"Saan mo narinig ang pangalan na iyon?"
Seryoso siyang hinihintay akong sumagot sa tanong niya.

"Narinig ko minsan sa pag-uusap ng kuya mo at ni kuya Pedro, nabanggit din kagabi ni Elizabeth."

Hindi siya nagsalita at bumuntong hininga na lamang.

"Kapatid niyo rin ba siya?"

Agad siyang umiling at bumaling muli sa'kin bago nagsalita.

"Dating kasintahan ni Kuya."

Nagulat ako roon, kung ganoon bakit ako nagawang ikumpara ni kuya Pedro kay Esperanza?

"N-nasaan na siya ngayon?"

"Wala na, namatay siya bago pa man mamatay ang magulang namin. Labis ang pagkadurog ng puso ni kuya nang mga panahong iyon. Ngayon ko na lamang nakitang muling masigla si kuya, simula ng bumalik siya kasama ka."

Tumigil siya para pigilan ang luha na pilit kumakawala sa mga mata niya.

"Hindi ko alam kung saan ka nakilala ni kuya, pero masaya ako. Masaya ako na nandito ka kasama namin, binibigyan mo kami muli ng buhay at napapasaya mo kami ng labis, kaya pakiusap wag mong hahayaan na may manakit sa'yo dahil doble ang sakit na mararamdaman naming mag kapatid."

Hindi na niya napigilan ang sarili ng bumaha na ang mga luha niya. Nagmamadali akong bumaba sa duyan at niyakap siya. Hindi ko alam na ganito kalaki ang epekto ko sa kanila. Gustuhin ko man na manatili sa tabi nila, alam kong balang araw ay kakailanganin ko ng bumalik sa panahon ko.

Hindi naman ganoon kalaki ang naging sugat ko at mababaw iyon pero labis ang naging epekto noon sa kanila. Mag-iingat na ako para hindi na sila mag-aalala, pero hindi ko naman kasalanan 'yon a! Lasing ang sumaksak sa'kin, wala siya sa tamang wisyo kaya niya lang nagawa iyon. Bakit naman ako pa naisipang saksakin pwede namang sarili na lang niya.

Matapos ang pananghalian ay nakita ko si Leandro na paalis kaya mabilis akong lumapit sa kan'ya.

"Saan ka pupunta?"
Lumingon ito sa akin at kumu not ang noo.

"Sa bukid."

"Sama!"
Lalo lamang kumunot ang noo niya sa sinabi ko,sungit!

"Hindi maaari, hindi pa magaling ang sugat mo isa pa ay labis ang init ng araw."

Hindi naman ako maarte at ayos lang sa akin kung umitim ako. Hindi na rin naman masakit ang sugat ko.
"Sige na, ayos lang sa akin kahit mainitan ako!"
Tinalikuran niya lamang ako.
"Sa akin ay hindi."
"Ha?"

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya, anong sa kan'ya ay hindi? Umalis na siya at hindi na ako pinansin. Tinanaw ko na lamang ang likod niyang unti-unting nawawala sa paningin ko.
So ano wala na naman akong gagawin? Para akong nasa bakasyon kaso boring. Pumasok na lamang ako sa loob at nagtungo sa kusina, naabutan ko ang kasambahay doon na may hawak na manok.

"Ano pong gagawin niyo sa manok?"
Lumingon sa akin ang kasambahay na sa tingin ko ay nasa twenty pa lamang ang edad.

"Kakatayin, binibini."

Ha? Papatayin nila ang manok nakakaawa naman, pero in fairness masarap ang manok nila, sa mga natikman ko ng ulam nila na manok dito ay masarap yon.

"Tulungan na kita!"
Masaya akong lumapit sa kan'ya.

"Tamang-tama kailangan ko ng maghahawak."

Ngumiti siya sa akin at inabot ang manok, hindi ko naman alam kung saan iyon hahawakan.

"Sa pakpak at paa, binibini, higpitan mo ang hawak, tiyak na magwawala iyan mamaya."

Sinunod ko ang sinabi niya at iniwan niya ako saglit, pagbalik niya ay may dala na itong maliit na mangkok at kutsilyo. Lumapit siya at hinawakan ang ulo ng manok, tinanggalan niya ng ilang balahibo ang leeg at tinapat ito sa mangkok bago tuluyang hiniwa ang leeg.

Pumatak ang dugo ng manok sa mangkok, ganito pala ang pagpatay ng manok. I am a chicken killer now. Akala ko ay ganoon na lamang iyon pero nagulat ako ng mangisay ang manok at sa lakas nito ay nabitawan ko. Tumalsik ang dugo sa palda ko at sa sahig. Ang akala ko ay magagalit sa akin ang kasambahay lalo na ng kumalat ang maraming dugo sa sahig, pero nakita ko ang pagtawa niya sa reaksyon ko.

"Hala, pasensya na," sambit ko.

"Ayos lang, lilinisin ko na lamang," tumatawang wika niya.

Natawa na lamang din ako habang pinagmasdan ang manok na nangingisay sa sahig. Kinuha niya ang manok ng tumigil na ito at nilagay sa isang maliit na palanggana.

"Lilinisin ko lamang ang mga dugo."
Umalis siya sa tabi ko at kumuha ng basahan sa isang kabinet. Binasa niya iyon at pinunasan ang mga may bahid ng dugo. Matapos niya iyong gawin ay dinala niya ang manok sa kalan kung saan may kawali na puno nang kumukulong tubig. Nilagay niya doon ang manok.

"Hala, lulutuin mo na ng may balahibo?" Gulat na tanong ko sa kan'ya.

Natawa siya sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Hindi, binibini babanlian lamang natin ito ng sa gayon ay madaling tanggalin ang mga balahibo."

Stupid me, wala naman ngang manok na nilulutong may balahibo pa. Gamit ang sandok ay tila nililiguan niya ang manok sa loob ng kawali. Mga ilang saglit pa ay inahon na niya ang manok at muling nilagay sa kaninang lagayan nito.

"Sa labas na natin linisin ito."
Tumango naman ako at sumunod sa kan'ya. Sa di kalayuan ay may balon lumapit kami doon, binitawan niya muna ang manok at sumalok ng tubig.
Pinanuod ko siya kung paano niya alisin ang mga balahibo ng manok, madali nga iyong naaalis dahil sa ginawa niyang pag-iinit doon kanina.

Nang wala na ang mga balahibo ay hiniwa na niya ito at inalis ang mga lamang loob, hinugasan at tinadtad. Inipon niya ang mga balahibo at mga lamang loob, tinapon sa di kalayuang basurahan.

Matapos iyon ay pumasok na ulit kami sa loob. Hindi pala mabilis bago makaluto ng manok, ang daming pinagdadaanan bago tuluyang lutuin.
Inabutan namin si Teresa sa kusina at ng makita ako ay agad itong tumili, tumakbo palabas takang-taka ko itong sinundan.

Narinig ko pa ang sigaw nito sa mga kasambahay na tawagin ang kuya niya at siya ay magtutungo sa doktor. Ano bang nangyari don? Lumabas ako sa harapan ng bahay at tinanaw ngunit wala na doong tao. Napailing na lamang ako, minsan talaga parang loka-loka iyong si Teresa.

Papasok na sana ako nang marinig ko ang mabilis na yabag ng kabayo. Si Leandro sakay sa kabayong mabilis na tumatakbo papalapit, tila bumagal ang pag takbo ng oras habang nakatitig ako sa kan'ya. Tumalon ito pababa ng kabayo at basta na lamang binitawan ang lubid. Ang mga mata niya ay sa akin lamang nakatuon habang tumatakbo palapit.

Hinihingal niya akong hinawakan sa balikat at sinuri ang buo kong katawan gamit ang kan'yang mga mata. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya ng dumako ang tingin niya sa palda kong puno ng dugo ng manok.

"A-anong... M-may... May masakit ba sa iyo, Josefa?" Hirap na hirap niyang tanong.

Our Historical LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon