Mahapdi na ang kamay ko na nakatali at mga binti, maging ang busal ko ay puno nang laway, yuck! I brushed my teeth but I don't think my saliva won't stink!
Sakay kami ngayon sa kalesa at hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Lord kakatayin ba nila ako? Karma ko ba ito dahil sa pagpatay ko ng manok? Paano kung gilitan din nila ang leeg ko at pakuluan ako? Tatanggalin ang mga lamang loob ko at tatadtarin?
Noooooo! Agad akong nawala, ayoko hindi ako papayag na kakatayin lamang nila ako. Isang sampal ang nagpatigil sa pagwawala ko. Ang sakit! Halos matabingi ang mukha ko, masama kong tinignan ang lalaking sumampal sa akin.
"Tumigil ka, binibini kahit magwala ka pa ay wala iyong saysay, kaya't kung ayaw mong masaktan at magpakabait ka!"
Maging ang luha ko na bumabaha ngayon ay tila walang epekto sa kanilang puso na bato. Matapos ang mahabang byahe ay tumigil kami sa isang liblib na lugar at muli nila akong binuhat at nag lakad papasok sa gubat. May mga dala rin silang mga pagkain. Hindi nila agad ako papatayin, dahil kung papatayin agad ako bakit pa sila magbabaon ng maraming pagkain.
Nakarating kami sa isang maliit na kubo at pabagsak akong binaba sa loob no'n. Hindi manlang nila tinanggal ang mga tali ko, as if makakatakas ako. Hindi ko nga alam papano makabalik sa panahon ko ang mga daan pa kaya pabalik sa bahay ni Leandro."Kadyo ikaw na bahala magluto, kami na ni Pablo ang iigib at si Rodolfo ang magbabantay sa bihag."
"Kailangan pang bantayan, Tasyo?"
"Aba'y oo naman Rodolfo, baka gusto mong makatakas pa iyan, sa halip na kwarta na ay magiging bato pa."
So this is kidnap for ransom? I don't think Leandro will pay the to have me back, pero siguro naman magbabayad iyon? Ahhhh! Ewan pero iniisip ko pa lang na hindi ako tutubusin ni Leandro ay sumisikip na ang dibdib ko.
Umalis na ang dalawang lalaki na iigib at naiwan ang bantay ko at ang magluluto na nag-uusap."Bakit ito ang ating dinakip at hindi ang mapapangasawa nang panganay na Martinez?"
Martinez?
"Si Elizabeth? makapangyarihan din ang pamilya noon sa tingin mo ba ay makakalayo tayo nang hindi napapansin kung iyon ang ating kinuha?"
"Sabagay may punto ka doon, pero sigurado ba kayong magbabayad ang mga iyon para sa babae na ito?"
Mahinang tumawa ang nagngangalang Kadyo.
"May pagtatangi si Leandro sa binibining iyan, pansin iyon ng lahat papanong hindi mo alam?"
Pagtatangi, ano 'yon?
"Ngunit..."
Hindi tinuloy noong Rodolfo ang kan'yang sasabihin sana nang dumating na ang dalawang umigib."Hoy Rodolfo para namang hindi mo alam ang pagmamahalan nina Esperanza at Leandro, sinamantala lamang niyang si Elizabeth ang pagkamatay ng dalaga."
Sa boses ay iyon 'yong Tasyo."Baka naman nahulog na iyon kay Elizabeth sa tagal nang pumanaw ni Esperanza."
"Malabo mas labis pa ang pagpapahalaga ni Leandro dito sa ating bihag kumpara sa mapangasawa."
Iyon lang at napalitan na ang kanilang pinag-uusapan. Hindi ko man naintindihang maigi ay malayong malayo iyon sa mga nabasa ko sa libro. Hindi manlang nabanggit sa libro ang dating kasintahan ni Leandro. I adored their story so much now I'm getting confuse.
Naamoy ko ang niluluto nilang ulam at agad na nawala ang aking tiyan. Tumingin sa akin ang lalaking si Rodolfo at nagpakawala nang malakas na tawa. Agad na nag-init ang aking mga pisngi.
"Wag kang mag-alala papakainin ka namin, hindi pa ganoon kalabis ang aming kasamahan," wika nito.
Lumapit sa akin iyong Tasyo at tinanggal ang tali sa bibig ko."A-anong kailangan... Anong kailangan niyo sa'kin?" Takot na tanong ko sa kanila.
"Narinig mo naman na ang aming usapan, salapi lamang," iyong Tasyo.
"Wala ako no'n."
"Hindi naman sa iyo hinihingi," sabat ni Rodolfo.
"Pero impossible namang bayaran kayo ni Leandro para lang sa'kin."
Sabay-sabay silang tumawa at parang isang nakakatawang biro lamang ang sinabi ko."Maghintay ka na lamang at magpakabait."
Iyon lang at hindi na muli nila akong kinausap. Naghain at kumain sila, kinalagan ng tali ang mga kamay ko ngunit hindi ang mga paa. Alam ko namang wala akong laban kung sakaling mawawala ako dito. Walang kutsara at tinidor kaya ginaya ko na lamang ang ginagawa nilang pagkain gamit ang mga kamay.Malakas na dumighay iyong si Tasyo at hinimas himas ang kan'yang tiyan.
"Ahhh! Busog, puso lamang ng saging ngayon, pag nagbayad na si Leandro ay karne na ang ating maiiulam."
Tinignan ko ang gulay na kinakain namin ngayon, ginataan iyon. Masarap naman at hindi naman ako maarte kaya hindi ako nagrereklamo.Matapos naming kumain ay binalik na nila ako sa loob at muling tinalian. Ang sabi nila ay bababa raw bukas iyong si Rodolfo para Maki balita kung magbabayad na para sa kalayaan ko.
Nagi-guilty ako, kung sakali mang gagastos pa sila para lamang sa akin, I know how hard to earn money on this time, siguro iyon din ang dahilan kung bakit nagagawa din ng mga lalaking ito na gumawa ng masama.Nakatulog na ako ng gabing iyon kahit na mabigat ang loob ko. Kinabukasan ay nagising ako na wala na iyong si Rodolfo at nasa labas naman ang kan'yang mga kasamahan. Isang tasang kape ang nasa tabi ko at wala ng tali ang mga kamay ko. Tinignan ko ang kape at halatang mainit pa iyon dahil sa usok na nagmumula roon.
Hinawakan ko ang tasa at dahan-dahang dinala iyon sa mga labi ko. Mapait, halos ngumiwi ako nang malasahan iyon parang hindi naman nila nilagyan manlang ng asukal.Sumilip ako sa pintuang nakabukas at nakita sila sa labas na humihigop ng kanilang mga kape, tuloy-tuloy at di alintana ang init at pait. May asukal ba ang kanila?
Hapon na nang makabalik si Rodolfo, agad siyang sinalubong ng kan'yang mga kasamahan.
"Ano Rodolfo magbabayad?"
"Oo naman, kahit pa doble ng ating hinihingi basta wag daw sasaktan ang binibini!"
"Sinasabi na nga ba!"
"Ngunit kailangan nating mag-ingat dahil maging ang kampo ni Elizabeth ay hinahanap din ang babae na iyan, alam niyo kung gaano kalupit ang mga iyon!"
"Tanga rin talaga ang isang iyon, hindi ba niya nararamdaman ang pagmamahal ni Leandro sa isang ito?"
Nagulat ako kung paano nila pag-usapan si Elizabeth, ngayon ay napatunayan ko na mabuti talaga siyang babae at alam ko namang mali ang iniisip nila sa aming dalawa ni Leandro, parang kapatid na ang turing niya sa akin kaya ganoon.
BINABASA MO ANG
Our Historical Love
Historical Fiction"Let's rewrite the history." Chelsea Garcia is a bookworm. She loves reading books particularly historical romances. What if magising siyang nasa harapan na niya ang couple na hinahangaan niya. Ang sinaunang nagmamahalan, dream come true ba na masak...