Kabanata 20

59 6 1
                                    

"It's Carmen, Miss."

Ngumiti siya sa amin. Siniko naman ako ni Zarina dahil sa inasal ko. Naupo kami sa dalawang upuan sa harap ni Carmen.

"Ahh, hi Carmen ako nga pala si Zarina and this is Chelsea, my friend siya bibili ng libro," pagpapakilala ni Zarina.
Tumango-tango si Carmen at tinitigan ako.

"B-Bank transfer ba o cash?" tanong ko sa kan'ya.

Tumawa siya sa tanong ko.

"Check mo muna," sabi niya bago sinulong sa tapat ko ang libro.

Walang kahit anong nakasulat sa cover ng libro nang buklatin ko iyon ay bumungad sa akin ang itim na tintang ginamit pansulat. Maganda ang sulat kamay, hindi siya libro kundi diary ni Teresa.
Agad na tumulo ang luha ko nang makita ko ang pangalan ni Teresa na nakasulat sa unang pahinga.

PAGMAMAHAL NA WALANG KATUMBAS
ni  TERESA MARTINEZ

Isang binibini na naiiba ang ganda ang kasama ng aking kuya noong araw na umuwi ito. Josefa, iyon pala ang kan'yang ngalan. Ipinakilala na siya sa amin kanina ng aking kapatid. Agad ko siyang sinama sa ilog. Napakasaya ko, kasama kong lumangoy sa ilog si Josefa!
Napagsabihan ako ni Kuya Leandro noong gabi dahil sa muntik nang pagkalunod ni Josefa.

Nilagpasan ko na ang ibang pahina at nagtungo sa padulong parte.

Alam kong tuluyan nang nahulog ang loob ni Kuya Leandro kay Josefa ngunit ikakasal na sila ni Elizabeth. Nais kong pigilan ang kasali, nais kong malaya si kuya na mahalin ang binibining nilalaman ng kan'yang puso ngunit hindi ko nais na mapahamak si Josefa.

Naiiyak ako kung paano ako pahalagahan ni Teresa.

Nagkagulo ang lahat nang umalis si kuya sa simbahan. Sana ay kasing tapang ako ng aking kapatid. Kitang-kita ko kung paano saktan ni Manolo ang aking kapatid ngunit walang nakikialam para hindi na lumaki ang gulo. Sumiklab ang galit ko nang makita kung paano saktan ni Elizabeth si Josefa. Hindi ko napigilan ang aking sariling sugurin ito at maisiwalat ang aking nalalaman.

Siniko ako ni Zarina nang mapalakas ang iyak ko.
"Chelsea..." tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Pinagpatuloy ko lamang ang pagbuklat at pagbabasa sa mga pahinga.

Nagkamali ako, hindi si Elizabeth. Nalinawan lamang ako nang nagmamadali ng magtungo sa mga Gomez si kuya. Alam kong hindi maganda ang magaganap kaya't  labag man sa kalooban ko ay kinuha ko ang baril ng namayapa kong ama. Bitbit ang baril ay nagmamadali kong sinundan ang aking kapatid. Mabilis man ay nahuli parin ako.
Wala nang buhay ang kapatid ko maging ang pinakamamahal kong kaibigan na si Josefa o Chelsea.

Nagulat ako nang mabasa ko ang pangalan ko, a-alam niya. Mabilis kong nilipat sa kasunod na pahina...

Ang sabi ni Kuya Pedro ay alam nila ni Kuya Leandro na galing sa ibang panahon si Chelsea. Hindi ko alam kung papaano ngunit masaya ako na nakilala ko siya. Hihilingin ko na ingatan ng pamilya ko ang talaarawan kong ito, nais kong makarating ito kay Chelsea. Alam kong gagawa ang tadhana nang paraan, gaya nang pagdating niya  sa panahon namin. Kung hindi dahil sa kan'ya ay hindi lalabas ang katotohanan. Ang pagmamahal ng aking kapatid ang naging dahilan para lumabas ang tunay na kulay ni Silvia Gomez.

Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang mga luha ko. Kung hindi ako dumating sa panahon nila ay baka nga nakasal na si Leandro at Elizabeth, pagkatapos ay papaslangin din ni Silvia si Elizabeth. Kapag wala na si Elizabeth saka gagawa ng paraan para mapansin siya ni Leandro. Nakarating ako sa huling pahinga at mas lalo akong nasaktan.

Ang pagpaslang ko kay Silvia Gomez ay walang kapatawaran ngunit masaya ako na nabigyan ko nang hustisya ang lahat nang kan'yang pinaslang. Ilang araw na lamang ay isasakatuparan na ang kaparusahang kamatayan sa akin. Mamaya ay ihahabilin ko na kay Kuya Pedro ang lahat ng aming mga pag-aari at itong aking talaarawan.

Mahal kong Josefa/Chelsea,

Nakauwi ka na sana sa iyong panahon, ako'y nananalangin na maayos kang nakabalik. Masaya ako na nakilala kita, ng aming pamilya. Salamat sa lahat, sa pagmamahal mo sa aming mag kapatid. Ilang araw na lamang ay makakasama ko na sa kabilang buhay ang kapatid at magulang ko, matatapos na rin ang lahat nang sakit na nararamdaman ko. Wag mo na kaming alalahanin, mabuhay kang masaya sa iyong panahon. Mahal na mahal kita.

                                  - Teresa Martinez

Hindi ko na na pigilan ang sarili ko at humagulhol na ako. Teresa... Sobrang sakit nang sinapit niya, ang unfair! Siya na nga ang nawalan ng pamilya pero kamatayan parin ang naging parusa niya. Hindi ko kaya 'yong sakit, sobra-sobra. Papaano ako mamumuhay ng masaya gaya ng sinabi mo Teresa kung ganoon ang sinapit mo? Hindi ko matanggap.

"Chelsea, ano ba! Tumahan ka nga, pinagtitinginan na tayo!" saway sa akin ni Zarina at inagaw ang binabasa ko.

Natahimik si Zarina nang mabasa niya ang laman ng diary ni Teresa. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at nagtatanong ang kan'yang mga mata.

"Hindi naman ikaw 'to diba?" tanong niya at umiiling-iling pa.
"A-ako y-yan," hirap na hirap kong sagot sa kan'ya.
"N-no way!" hindi makapaniwalang sabi ni Zarina.
"Uh..."

Napalingon kami kay Carmen nang makuha niya ang atensyon namin.
"Kailangan ko nang umalis, hmm you don't have to pay. That's our family treasure, pero sayo talaga dapat mapunta 'yan. Hindi ko na kailangang sabihin na ingatan mo 'cause I'm sure you will."

Ngumiti siya sa amin bago tuluyang umalis. Naiwan kami ni Zarina, ako na umiiyak at ang kaibigan ko na yakap ako.

Lumipas man ang maraming taon, ang karanasan ko sa panahon ni Teresa at Leandro ay nanatili sa puso ko. Kahit anong limot ay hindi ko magawa. Gabi-gabi kong hinihiling na maulit ang lahat, kahit na masakit ang wakas gusto ko paring paulit-ulit maramdaman ang pagmamahal na sa iisang lalaki ko lamang naramdaman. Ang mga yakap ni Leandro, ang marahang halik nito at ang galit niya pag pasaway ako.

Lumabas mula sa kusina ang isang babae na hanggang balikat ang buhok. Mas marami pa ang puti kumpara sa itim na buhok nito. Kahit kulubot na ang mga balat ay bakas parin ang kagandahan. Nakahawak ang isang kamay sa bewang habang mabagal na lumalakad, ang isang kamay naman ay may hawak na tasang may lamang tsaa.

Naupo siya sa harapan ko at humigop ng tsaa bago ako binalingan.
"Wag mong sabihin na inaalala mo na naman ang lalaking nakilala mo sa ibang panahon?"
Sinamaan niya ako ng tingin, "kaya hindi ka na nakapag-asawa e!"

Natawa ako kay Zarina matanda na kami pero naiinis parin siya sa akin. Hindi na ako nakapag-asawa dahil sa pagmamahal ko kay Leandro.

"Dinamayan mo naman ako," sagot ko sa kan'ya.
"Tss! Sino na lang makakasama mo kung nag-asawa ako?" Balik niya.

Napailing na lamang ako. Ang totoo isa lang naman ang lalaking minahal niya at hindi siya gusto kaya ginawa niya akong dahilan para wag ng mag-asawa. Kunwari pa hindi lang maka-move on!




Our Historical LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon