Kabanata 5
Parang maamong tupa si Teresa habang nakaupo sa aking silid, parang tigre naman si Leandro na nakatayo sa harapan ng nakababatang kapatid.
"Gabing-gabi na Teresa," bakas sa tono ni Leandro ang galit ngunit halatang nagpipigil na sigawan ang kanyang kapatid.
"Kuya, tumulong ako sa paghahanda para sa darating na sayawan sa linggo, paumanhin kung hindi ako nakapagpaalam kanina."
Nakayuko lamang si Teresa habang nagpapaliwanag, halatang natatakot sa kuya niya. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya ay talagang matatakot ako, imagine being caught by going home late and worse sa bintana pa dumaan."Ang lawak ng pintuan natin, Teresa. Anong nais mo mabalian pa ng buto kung sakaling mahulog ka sa pag-akyat mo?"
Hindi ko alam kung maawa ba ako o matatawa sa kanilang magkapatid, ang cute ni Teresa habang pinapagalitan, nakanguso at maluha-luha. Lihim akong napahagikhik, kagat labi akong umiwas ng tingin dahil sa sabay na pag lingon nila sa akin.
"Kuya, pinagtatawanan ako ni Josefa!"
Mabilis akong umiling, seryosong nakatingin sa akin si Leandro at hindi natutuwa sa inasta ko."Anong nakakatawa, Josefa?"
Napasulyap ako kay Teresa na ngayon ay nakangisi sa'kin at nakalabas ang dila. This girl! That was a nice move para mawala sa kan'ya ang atensyon ng kapatid, napailing na lamang ako.
"Walang nakakatawa, hayaan mo na ang kapatid mo, ngayon lamang naman yata niya iyan ginawa."
"Oo at hindi ako papayag na uulit ka pa Teresa, ang laki ng pintuan natin hindi mo kailangang umakyat sa bintana," si Leandro na muling binalingan ang kapatid.
"Pangako kuya, hindi na mauulit, may mga kalalakihan lamang sa sala kaya nahiya akong dumaan roon."
Matapos iyon ay nagtungo na sila sa kanilang mga silid, naiwan akong nakangiti, how I wish may kuya akong katulad ni Leandro.
Kinabukasan ay saba-sabay kaming kumain ng almusal. Maging ang mga kasambahay nila ay kasabay din, 'yon siguro ang dahilan kung bakit ang haba nang kanilang lamesa. Nasa twenty kaming kumakain. Nagsalin si Leandro ng gatas sa isang baso at nilapag iyon sa tabi ko. Tinikman ko iyon at masarap, malasa ito, ano kayang brand ng gatas nila?
"Kuya, ang sa akin?"
Napalingon ako kay Teresa dahil sa tanong nito, maging ang mga kasabay namin ay bumaling sa kan'ya."Kalapit mo lamang ang lagayan, magsalin ka."
Tila naninimbang ang mga nasa hapag at pinanunuod ang magkapatid. Ngumisi si Teresa at ngumuso sa lagayan ng gatas na nasa tabi ko.
"Malapit din naman ang kay Josefa," bahagyang humagikhik si Teresa matapos sabihin iyon.
Kinuha ni kuya Pedro ang lagayan at sinalinan ang baso ni Teresa. Mga nakangiting bumalik sa pagkain ang lahat, labis ang pagtataka ko, wala namang bahid ng selos ang boses ni Teresa. Ako lang ba o mas lamang ang panunukso sa boses niya.
Matapos ang agahan ay sabay kami ni Teresa mag toothbrush at lumabas ng bahay. Maglalakad-lakad kami para bumaba ang aming kinain. Habang naglalakad ay may mga nakakasalubong kami na mga nakasakay sa kabayo, ang iba ay sa kalabaw. It's nice to see how this place has a lot of animals na sa panahon ko ay tanging sa mga probinsya na lamang mayroon.
"Nakasakay ka na sa kabayo?" Tanong ko kay Teresa.
"Oo naman, bakit ikaw hindi pa?"
Umiling ako. Sana bago manlang ako makabalik sa panahon ko ay makasakay manlang ako.
Sariwang hangin, payapang pamumuhay, fresh foods and beautiful flowers, if I will be given a chance to choose what generation I will be born, I'll definitely choose this generation, this time and this place.
BINABASA MO ANG
Our Historical Love
Narrativa Storica"Let's rewrite the history." Chelsea Garcia is a bookworm. She loves reading books particularly historical romances. What if magising siyang nasa harapan na niya ang couple na hinahangaan niya. Ang sinaunang nagmamahalan, dream come true ba na masak...