Puppy Love

2.4K 68 26
                                    

Grade 3 palang ako nang simula akong magkagusto kay Mateo, kababata ko. Pero hindi naman niya ako gusto.

Nakakabatang kapatid lamang ang turing niya sa akin, saad niya ay mas matanda daw siya sa akin kaya naman kapatid ang turing niya sa akin na siyang ikinainis ko.

"Mateo! Laro tayo! Meron akong bagong Barbie dito!" Tawag ko kay Mateo nang makita ko siya isang araw sa aming bakuran.

"Zoe, mag-aaral pa ako. Nextime nalang." Sagot niya sa akin.

Lumaylay ang balikat ko at naiiyak na nagbaba ng tingin sa kaniya.

Siguro ay ayaw niya lang talaga akong kalaro... Pero nakita ko siya kahapon e, naglalaro sila ni Kian ng basketball.

Napataas ang tingin ko nang may huminto sa aking harapan, pag tingin ko ay si Kian pala.

"Ako nalang, Zoe. Libre naman ako e, hayaan mo na si Mateo." Nakangiti nitong aya sa akin habang nakalahad ang palad.

Pero nagulat ako nang may tumulak sa kaniya.

"M-mateo..."

"Let's play." Kaya naman dali dali akong tumayo at di na inintindi si Kian na siyang nagyaya sa akin kanina.

Grade 6 na ako at grade 9 naman si Mateo at sobra ang excitement ko dahil gagraduate na ako at madalas ko nang makikita ulit si Kian dahil sinabi ko kay mama na dun ako mag ii-school sa pinag ii-schoolan ni Mateo.

"Zoe!" Napatingin ako sa likod ko at nakita si Kian na tumatakbo palapit sa akin.

"Nakita mo ba si Mateo?"

"Kumain ka na ba?"

Sabay naming sabi kaya napakunot ang noo ko samantalang siya ay natawa.

"Uh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Kita ko ang pagdaan ng kung anong emosyon sa kaniya na agad din naman nawala nang kumurap siya.

"May kasamang babae si Mateo kaya huwag mo na siyang hanapin." Pagkatapos ay iniwanan niya akong nakanganga.

Grade 10 na ako ngayon habang first year college naman si Mateo.

At dahil nga college na si Mateo ay mas naging mahirap para sa akin ang makausap siya. Bukod sa busy siya ay kailangan ko ding mag focus sa pag-aaral ko gayung graduating na din ako.

Si Kian naman ay nag migrate sa ibang bansa kasama ang pamilya nito, mula nang umalis sila ay wala na akong naging balita pa.

Hanggang ngayon din ay mailap pa din sa akin si Mateo na siyang ikinalulungkot ko.

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang handaan ng extra special breakfast si Mateo dahil nabalitaan ko na uuwi ito ngayon.

Nakangiti ako habang nagluluto. Talagang pinag-aralan ko ito at talagang tinatanong ko kila mama kung masarap ba ang luto ko, sinisigurado ko ding totoo ang sinasabi nila sa pamamagitan ng pagtikim din dito.

"O anak? Mukhang masaya ka yata ha? Naku! Siguro akong dahil iyan kay Mateo. Tama ba ako?" Biglang saad ni mama na pumunta pala dito sa may kusina.

Pilit ko mang pinipigilan ang pag ngiti ko ay hindi ko pa din ito matago kaya tinusok tusok ni mama ang bewang ko na syang nagpakiliti sa akin.

"Opo, Ma. Para po ito kay Mateo. Sana nga po ay magustuhan niya e." Nakangiti kong sabi.

"Kuh! Anak ka kaya ni Zoanne! Kaya paniguradong mana ka sakin! Paniguradong magustuhan ka este ang luto mo ni Mateo!" Tukso pa ni mama.

Nang matapos na akong magluto ay nilagay ko na ito sa pinaka magandang lalagyan na pinili ko talaga para lang kay Mateo.

Nakaabang na ako sa labas ng bahay namin, katapat lang kasi namin ang bahay nila Mateo.

Mas nakaramdam ako ng excitement nang huminto na ang pamilyar na sasakyan.

Inilabas ko ang hinanda kong cartolinang hinanda ko.

Ang nakalagay ay...

Welcome Back My Mateo!

Unting unting nawala ang ngiti ko ng bumaba na ito at may inaalalayang magandang babae.

Dahan dahan kong nababa ang hawak kong cartolina habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Who is she babe?"

"Just a neighbor." Mas kumirot ang puso ko sa sinagot nito sa babae.

Dahan dahan akong napayuko at ramdam ko na ang luha sa aking pisngi ng may yumakap sa akin at isinubsob ako sa kaniyang matikas na dibdib.

Nang tignan ko kung sino ito ay mas napaluha ako.

"Kian..."

"Shh, Just cry. I'm here, i will always here... For you, Zoe." Hinahaplos haplos niya ang ulo ko habang sinasabi iyon at somehow nakaramdam ako ng comfort hindi dahil kay Mateo, kundi dahil sa isang tao na palaging nandito sa tabi ko anuman ang nangyayari.

"Thank you, Kian."

Magmula nang umuwi si Mateo ay hindi ko pa siya nakakausap at wala na din akong balak pang kausapin siya.

Naging close na din kami ni Kian.

"Can we talk, Zoe?" Nakangiti akong humarap sa nagsalita pero agad na naglaho ang ngiti ko ng hindi pala si Kian.

"Mateo..."

"I-I'm here to apologize. Ngayon ko lang 'to naranasan... Ang laging kang hinahanap, laging may nangungulit sa akin, laging may nagaalaga. Kaya, pasensya na kung hindi ko agad iyon na appreciate."

"Hindi agad kita napahalagan."

"Ayun tuloy... Hindi ko namamalayan na yung kaisa-isang taong tunay na nagmamalasakit sa akin ay nasasaktan ko na pala."

"Hindi ko namalayan na, nawala na sakin ang kaisa-isang taong nagparamdam sa akin ng tunay na kalinga ng pagmamahal."

"Nawala ka na sa akin."

Nagulat ako ng may tumulong luha galing sa mga mata niya.

"Ayos lang iyon, Mateo. Wala na yun sa akin ngayon. Magaling na ako, tapos ko nang pagdaanan ang sakit na dinulot mo sa akin."

"Zoe... S-sana ay mapatawad mo ko sa mga hindi ko pagpapahalaga sa'yo, dati. Sana mapatawad mo ko sa mga sakit na dinulot ko sa'yo."

Ngumiti ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha niya.

"Matagal na kitang pinatawad, Mateo. Gusto din kitang pasalamatan para sa kilig, saya, at sakit na mga nadama ko."

"Maraming Salamat, Mateo. Salamat sa maikling kilig na idinulot sa akin ng puppy love ko sa'yo." Huling sinabi ko at tumalikod na.

                              End.






One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon