Mistake Miracle

2.1K 66 34
                                    

DISCLAIMER: Hindi ito perpekto at maikli lamang kaya kung ayaw mo ng ganon ay iba nalang ang basahin mo, Salamat.
If you are sensitive. Don't read :>

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
NAKATINGIN AKO kay Xamuel na kasalukuyan ngayong pinapakain ang anak niya.

Anak niya si Xamiel sa pagkabinata nakakalungkot nga lang ay iniwan sa kaniya ang obligasyon.

Kaibigan ko si Xamuel mula pa elementary kami kaya naman kilalang kilala ko na siya, apat na taon na din si Xamiel na sobrang close na close sa akin.

Siguro akala niya ay ako ang nanay niya.

"Mommy! I'm Finish na po!" Sigaw ni Xamiel at tumakbo sa akin.

Agad ko naman siyang pinasabihan na huwag tumakbo dahil kakain niya lang.

Agad din itong nagpabuhat sa akin.

"Sasha, hindi ka pa ba uuwi? Mag gagabi na." Sabat ni Xamuel na nililigpit ang pinagkainan ni Xamiel.

"No! Dito tutulog mommy ko!" Agad namang kontra ni Xamiel.

"Xamiel, Hindi ba't nasabi ko na sayong may boyfriend na ang tita Sasha mo? Ibig sabihin hindi na siya pwedeng nandito palagi." Masungit na saad ni Xamuel.

Lah, ang sungit naman!

Parang dating stage palang kami e, Epal yarn?

"Ayos lang naman kay Jadee at saka alam naman niyang clingy sakin si Xamiel. Nagpaalam na din ako kaya ayos lang, Xamuel." Sabi ko na agad.

Pero inirapan niya lang ako.

Muli akong napatingin kay Xamiel nang hawakan ng maliliit niyang kamay ang mukha ko at hinarap sa kaniya.

Nakanguso ito habang nakatingin sa akin.

"Mommy... May boypend na ikaw? Paano na si Daddy?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

Maging si Xamuel ay napatigil din ng marinig ang sinabi ng anak.

"Xamiel!" Saway ni Xamuel sa batang isinubsob lang ang mukha sa leeg hanggang sa marinig ko ang mumunting hikbi nito.

Agad kong nilakihan ng mata si Xamuel.

Ano ba yan! Pati bata pinapatulan! Palibhasa ay hindi ko siya pinapatulan, Choss!

Buhat ko pa din si Xamiel nang tumunog ang cellphone ko, sinilip ko ito at nakitang tumatawag si Jadee.

"Baby, wait lang ha. May tumatawag lang sa phone ko, baba ka muna." Malambing kong pakiusap kay Xamiel na agad namang sinunod ng bata.

Oh, diba ang bilis!? E sa tatay niya lang naman yan di sumusunod!

Lalayo sana muna ako para hindi marinig ng bitter na si Xamuel ang paguusap namin ni Jadee ang kaso ay nakasunod sa akin si Xamiel.

Hinayaan ko nalang, nakakapit sa binti ko ang malilit nitong kamay nang sinagot ko na ang tawag.

"Hello? Jadee."

"Hi! Tumawag lang ako kasi gusto kong marinig ang boses mo, nakakaistorbo ba ako?"

"Naku! Hindi no, saka yung pinag-usapan pala natin kagabi na ano dito ako matutulog. Alam mo na, mahal na mahal ako ng bata." Nagkibit balikat pa ako kahit na hindi naman niya nakikita.

"K-kailangan ba talaga?"

"T-tabi ba kayo ni Xamuel mamaya?"

Kumunot naman ang noo ko ng marinig ko ang parang galit sa tono niya.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon