Not Meant To Be

1.9K 56 57
                                    

Naghahanap ako ng masusuot para sa lakad namin ni Josh, ang best friend. Pero ang hindi niya alam ay bukod pa sa best friend ang tingin ko sa kaniya.

"Naian! Matagal ka pa?" Sigaw ni Josh.

Mabilisan nalang ako nagsuklay at lumabas na, hanggat sa maaari ay ayoko siyang paghintayin.

"Sorry, Josh. Medyo mahirap na kasing suotin ang damit ko kaya medyo natagalan. Anyways, Tara na!" Aya ko dito.

Bugnot itong tumingin sa akin at lumabas na.

Napapakamot nalang ako sa kilay ko at sumunod na din kay Josh.

Sasakay na sana sa passenger seat ng kotse ni Josh nang magulantang ang buong pagkatao ko ng may nakasakay na pala.

Nagtatakang tumingin ako kay Josh.

"Sino siy—"

"Sa likod ka nalang umupo, diyan na simula ngayon pupwesto si Lein. Girlfriend ko." Para ata akong naging bobo at bingi sa naging sagot sa akin ni Josh.

"Sa likod ka nalang umupo, diyan na simula ngayon pupwesto si Lein. Girlfriend ko."

"Sa likod ka nalang umupo, diyan na simula ngayon pupwesto si Lein. Girlfriend ko."

"Sa likod ka nalang umupo, diyan na simula ngayon pupwesto si Lein. Girlfriend ko."

Paulit ulit na nagpapaikot sa utak ko ang sinabi ni Josh—

"Ano ba, Naian!? Kanina ka pa! Kung ayaw mo naman pala, sana nagsabi ka!" Sigaw no Josh na nagpatalon sa akin.

Malakas nitong sinarado ang pinto ng kotse niya bago ito pinaandar.

Habang ako ay naiwang mag-isa sa may kalye, napatingin ako sa mga tao at hindi na ako nagulat na mga nakatingin sila sa akin at ang iba ay may awa sa mata habang ay iba ay lantaran akong tinatawanan.

"Arte mo kase, neng e. Yan tuloy iniwan ka ni Pogi." Sabay tawa ng may edad na babae.

Mas lalo ko nalang iniyuko ang ulo ko at dali daling muling pumasok sa maliit kong bahay.

Nang makapasok ay dahan dahan akong lumapit sa salamin at nakita ang itsura ko.

Hinawakan ko ang damit ko na talaga namang pinag-awayan pa namin ng ale sa ukay-ukay para lang mabili ko.

200 ang original na price nito pero tinawadan ko ng 90 dahil yun lang naman ang kaya ko ayun tuloy at nagalit sa akin ang tindera pero wala ding nagawa kundi ibigay sa akin sa halagang 90.

© PINTEREST.

"Sayang naman yung 90 ko, gara naman kasi ni Josh e. Parang limang minuto palang siyang naghihintay galit na galit na agad, tapos di man lang nagsabi na may girlfriend na pala siya."

Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumasok sa eskwelahan.

Kaklase ko sa lahat ng subject si Josh kaya hindi malabong magkita kami.

Nang nasa tapat na ako ng classroom namin ay sumilip muna ako para tignan kung nasa loob na ba si Josh.

Nakahinga ako ng maluwag nang bakante pa ang upuan na katabi ko, tuluyan na akong pumasok sa loob.

"Uy, Naian, pakopya naman ako ng ass!" Sigaw agad ng bulakbol naming kaklase na si John.

"Kiss muna!" Natatawang balik na sigaw ko dito.

Nagmamadali naman itong lumapit at akmang hahalik nang may kamay na inilayo ang mukha niya.

Napatingin ako dito at ang walanghiyang Josh pala ang gumawa.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon