Sacrifices

239 7 0
                                    

BATA PALANG ako ay mulat na ko sa reyalidad ng buhay, araw-araw nakikita ko ang nanay ko na halos makuba na sa kakatrabaho may mapakain lang sa aming magkakapatid.

Ang tatay ko naman ay dito lang sa bahay at gumagawa ng basahan na siyang sa umaga ay binebenta ni nanay.

Pilay ang tatay ko kaya hindi siya makapagtrabaho sa labas. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay kaya naman ako ang inaasahan ng pamilya ko na mag aahon sa aming pamilya sa hirap.

Habang ang pangalawa at bunso kong kapatid ay parehong lalaki.

"Ate, pwede po patulong dito sa assignment ko? Medyo hindi ko po ma gets e." Napatingin ako sa bunso kong kapatid na lumapit sakin habag kakamot kamot sa ulo.

"Sige, halika dito."

Binigay naman niya sa akin ang notebook kung saan nakalagay ang assignment niya at aking itong binasa.

"Hmm, math lang pala e. Ganito yan i puplus mo lang yung ito..."

Hanggang sa maipaliwag ko na ang gagawin at pinasubok ko sa kaniya itong sagutan at tuwang tuwa naman ito nang sinabi kong tama ang sagot niya.

"Very good, Jose!" Masayang bati ko sa kaniya at masaya rin ako nitong niyakap.

"Thank you, Ate Jodie! The best ka po talaga, paniguradong matutuwa si teacher kasi tama mga sagot ko!" Tuwang tuwa saad nito.

Ginulo ko naman ang buhok niya habang nakangiti siyang pinagmamasdan.

"Ate..." Napatingin naman ako sa tumawag sa aking pangalan na walang iba kundi si Joey.

"O Joey?"

"Pwede po bang makahingi ng p-pang field trip... Ahm ano po k-kung pwede lang naman." Nahihiya nitong sabi at umiwas ng tingin.

Napangiti naman ako at nilapitan ito.

"Ah Joey kasi alam mo naman di ba? Na medyo ano gipit pa tayo at hanggang ngayon ay pinag iipunan ko pa rin yung pambili ng saklay ni tatay kaya..." Nahihirapan kong sabi habang nakahawak sa balikat niya.

"Sana maintindihan mo ako kung ibibigay ko sa'yo yon saka magkano ba?" Tanong ko, kitang kita ko ang unti unting pagliwanag ng mukha ng kapatid ko at tila ito hindi makapaniwala.

"T-talaga ate? Bibigyan mo 'ko?" Hindi makapaniwalang tanong nito at tumango tango naman ako kaya mas lalo itong natuwa at niyakap ako.

"Thank you ate! Kaya ikaw po ang pinaka favorite kong ate e!"

"Loko ako lang naman ang ate mo." Natatawa kong sabi dito.

"O sya, magkano ba iyon?" Tanong ko at kinuha ang wallet ko.

"800 po pag ako lang tapos 1600 naman po pag may isa akong kasama." Magalang nitong sagot.

"Gusto mo bang may kasama?" Tanong ko.

"Ahm pwede naman po ate, gusto ko po sana na si Jose yung isama." Tumango tango naman ako sa sinabi niya at naglabas ng 2000.

"Ito dalawang libo, yung matitira dyan ay ipambili mo ng babaunin niyo don ni Jose, mag iingat kayo ha." Saad ko sabay abot ng 2000 dito. Nung una ay ayaw niya pa itong tanggapin dahil 1600 lang naman ang kailangan at kahit wala na silang baon ay ayos na pero ipinilit ko pa rin kaya sa huli ay wala na rin siyang nagawa.

Ngayon ay dalawa na sila ni Jose ang masaya.

Pinagmamasdan ko sila nang mapansin ko si nanay na kakarating lang.

Agad akong naawa sa itsura nito, pawis na pawis at halata mong pagod na pagod.

"Jodie anak andyan ka pala. Nasaan ang tatay mo?" Tanong nito nang mapansin ako.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon