Please Let Me Go

1.8K 65 25
                                    

MAAGA AKONG gumising para baunan ng almusal si Joaquin, ang kapatid ng best friend kong si Queenie.

Gusto ko si Joaquin pero hindi niya ako gusto.

Matagal ko nang kinukuha ang loob niya pero laging hindi niya ako pinapansin.

Matagal na din akong pinapayuhan ni Queenie na mag move on pero laging hindi ko sinusunod.

Wala e, mahal ko e.

Pagkarating ko sa school ay agad na hinanap ng mga mata ko si Joaquin.

Agad ko naman siyang nakita, kasama niya ang mga ka team mates niya. Captain siya ng basket ball team ng school namin kaya din kilala siya sa buong eskwelahan.

Marami ding mga babae ang nagpapansin sa kaniya, isa na ako dun.

"Joaquin Joseph Teniodo!" Sigaw ko na nakahakot ng atensyon ng mga estudyante.

Pero bored lang ako binalingan ng tingin ni Joaquin pagkatapos ay muli ding ibinalik ang atensyon sa kausap.

Dali dali na akong tumakbo at agad siyang inakbayan kahit hanggang balikat niya lang ako.

Hindi naman ako maliit sa katunayan ay 5'3 ang height ang kaso ay masyadong siyang matangkad kaya naman nagmumukha akong maliit.

6'1 siya kaya naman hindi na kataka taka kung paano siya nasali sa basketball.

"Dinalan kita ng breakfast mo!" Sabi ko sa kaniya at itinaas ang hawak kong cute na cute na baunan.

"Dinalan kita ng breakfast mo!" Sabi ko sa kaniya at itinaas ang hawak kong cute na cute na baunan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

© GOOGLE.

"I'm not a kid, Faith." Maikling sabi sa akin ni Joaquin pero grabe na ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kinausap niya ako! Kinausap ako ng mahal ko!

Tinawag nga lang akong bata.

Hindi naman ako bata, 20 years old na ako habang 24 naman si Joaquin. Ewan ko ba diyan, tingin niya yata ay masyado na siyang matanda sa akin.

Which is not true.

"Joaquin Joseph, Hindi na po ako bata. At saka, look! Ang ganda kaya nitong baunan. Super cute! Sakto pa at sale ko ito nabili sa shopee!" Masayang pagbibida ko ng baunan.

"Wow! Ang cute naman niyan, Faith. Kaso bakit si Captain lang ang meron? Paano naman kami?" Napatingin ako kay Jey nang magsalita ito.

Napaisip naman ako bigla.

May punto si Jey, baka dapat ay lahat sila bilhan ko para matuwa din sa akin si Joaquin... Kaso walang free shipping, sayang!

"Uh baka next month. Wala na kasing free shipping si Shopee e." Napapakamot sa ulong sagot ko sa kaniya.

"Sa 3.3 promise ko yan!" Sabi ko pa habang nakataas ang kanang kamay na para bang nananumpa.

Nagulat nalang ako ng ibaba ni Joaquin ang kamay ko pagkatapos ay hinila ako papunta sa gawi niya.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon