Maid For You

368 14 11
                                    

DISCLAIMER: Hindi ito perpekto at maikli lamang kaya kung ayaw mo ng ganon ay iba nalang ang basahin mo, Salamat.
The guy lead is a walking 🚩so be aware. If you are sensitive. Don't read :>

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

NAGPUPUNAS AKO ng bawat gilid dahil ngayon daw dadating ang nag-iisang anak nila Mr. De Gallo, ang amo ko.

"Althea Jianne! Beh, alam mo na ba ang balita!?" Napatingin ako sa bestfriend ko na katulad ko ay katulong din ng mga De Gallo.

"Anong balita ba iyan, Mishly?" Tanong ko habang patuloy pa ding nagpupunas.

"Dito na titira ang nag-iisang anak ng mga De Gallo! Si Yeshua Jose! Gagi be ang gwapo 'nun tapos bali-balita ding snob pero ayos lang! Mahilig naman ako sa gano'n tapos ako lang yung papansin niya at sa akin lang siya magiging sweet..." Napapailing nalang sa ako sa mga sinasabi ni Mishly, ayan na naman siya e. Nag dadaydreaming.

"Uy, Be! Nakikinig ka ba!?" Kalabit pa nito sa akin.

"Oo." Sagot ko nalang.

Muli itong nagpatuloy sa pagkukuwento hanggang sa makarinig na kami ng busina sa labas.

Hinihila na ako ni Mishly palabas kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kaniya.

Nakaaabang kami sa may pinto at nakita namin ang napakagandang sasakyan na itim, bumaba doon ang isang matangkad na lalaki.

Agad iyon sinalubong ni Mrs. De Gallo at Mr. De Gallo.

"Anak!"

"Son."

Yumakap agad dito si Mrs. De Gallo na parang naiiyak pa. Base sa pagkakakuwento kanina ni Mishly ay halos apat na taong hindi umuwi ang lalaki sa kadahilanang tinatapos nito ang kaniyang pag-aaral.

Pumasok na sila sa loob at ang kamay ni mrs. De Gallo ay nakalagay sa braso ng anak na diretso lang ang tingin.

"Welcome back po, sir Yeshua!" Masiglang bati ng mga kapwa kong kasambahay, nangunguna ang mayor doma ng masyon.

Tumango lang ito hanggang sa napatingin siya sa akin.

Ang kaninang walang emosyon niyang mga mata ay nagkaroon ng kinang.

Para itong nabuhayan habang nakatingin pa din sa akin.

Nagulat ako ng humakbang ito at bumitaw sa kaniyang ina, lumapit ito sa pwesto ko at yumuko upang mapantayan ako.

"Who are you? Ngayon lang kita nakita, bago ka ba dito?" Tanong nito at namangha ako sa pagsasalita nito sa wikang Tagalog. May accent e.

"Bago lamang po ako dito, Sir." May paggalang na sagot ko dito.

Sumilay naman ang maliit na ngiti sa labi nito at nagtaka ako kung bakit bumaba sa may labi ko ang tingin niya.

Dinalaan niya ang sariling labi habang nakatingin sa akin at nang tinawag na siya ng kaniyang ina ay sumunod naman ito.

"Let's eat, Yeshua. I know you're tired." Sabi nito.

Isa pang beses itong tumingin sa akin bago siya nawala sa aking paningin.

"Uy beh, kita ko yun ah. Naku! Mukhang type ka ni sir!" Kinikilig na sambit ni Mishly.

"Tumigil ka nga." Kunwaring inis na sabi ko.

Pumunta na din kami sa dining area upang ihain ang mga pagkain para sa kanila.

Pagkadating namin doon ay nakapwesto na sila Mrs. De Gallo at ang bagong dating.

Inilapag namin isa-isa ang nga putahe, Letchong kawali, menudo, sinigang na hipon, caldereta, at cake.

Ang yaman talaga ng mga mayayaman.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon