Our Light

542 22 5
                                    

DISCLAIMER: Hindi ito perpekto at maikli lamang kaya kung ayaw mo ng ganon ay iba nalang ang basahin mo, Salamat.
The guy lead is a walking 🚩so be aware. If you are sensitive. Don't read :>

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

HAWAK-HAWAK ko ang kamay ng tatlong taong gulang kong anak habang naglalakad papunta sa aking trabaho. Mabait ang boss ko at pinapayagan akong isama ang anak ko, hindi din kasi ako makakuha ng yaya para sa kaniya dahil mas pinag-iipunan ko ang nalalapit niyang pag-aaral.

Kung tatanungin ninyo ako kung nasan ang ama ni Ayesha, ay hindi ko alam. Pagkatapos kasi ng gabing iyon ay hindi ko na siya muli pang nakita.

Apat na taon na din ang nakalipas.

"M-mami, toys po." Napatingin ako sa anak ko ng magsalita ito, napabuntong hininga naman ako dahil sa kakamadali ko kanina ay hindi ko nadala ang nag-iisang laruan niya.

Binuhat ko siya at agad naman niyang mahigpit na kinapitan ang leeg pero hindi naman ang tipong nasasakal na ako.

"Sorry, baby. Hindi kasi nadala ni mommy ang toy mo, hayaan mo pag may tira ako mamaya. We'll buy a new one okay?" Pagkausap ko dito at hinalikan ang namumula niyang pisngi. Inosente naman siyang tumango sa akin.

Namumula ang napakaputi niyang balat na nagmana sa akin. Ayon lamang ang kaisa isa niyang namana sa akin dahil halos lahat ay sa kaniya nang ama.

Kulot ang mahaba nitong kulay brown niyang buhok, matangos na ilong at kulay asul na mga mata. Na lahat ay namana niya sa ama.

"Kay, mami." Sagot nito at isinandal ang ulo sa leeg ko, napangiti naman ako.

Pagkapasok namin ay binabati siya ng mga katrabaho ko, oo siya ang binabati hindi ako.

"Hi, bb!"

"Magandang araw, Ayumi!"

"Good morning sa aking prettyness na pamangkin!"

"Hello, baby Ayumi!"

Samu't saring pagbati nila sa anak ko na tuwang tuwa din naman sa atensyong ibinibigay nila.

"Heyow po!" May pa kaway-kaway pa nga ang bata.

"Cuteness overload talaga itong si bb Ayumi ko e!" Salubong sa amin ng best friend kong si Arrian.

Kinuha niya mula sa akin si Ayumi na buong loob namang sumama sa kaniya.

Kinuha niya mula sa akin si Ayumi na buong loob namang sumama sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

© PINTEREST.

Nakaputing dress ang anak ko na tinernuhan ko ng puti ding sapatos. Aba'y kahit wala kaming pera ay nakakaya at pinipilit ko pa ding bilhan ng magagandang damit ang anak ko 'no.

Ang sarap kayang bihisan ang mga baby girls.

"Where's your toy? Himala ata at hindi ninyo dala ngayon." Pansin ni Arrian.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon