Every Line

91 1 12
                                    

Every letters I wrote means something to me. It feels so special. Every single word that I write feels like getting close to my target. To him.

I never see him, it's just all in my dreams. In my dream we are together. In my imagination we are living happily but it's really an expectation vs reality in this kind of world.

"Hope! Ano na naman ba 'yang ginagawa mo? Nagsusulat ka na naman! Wala ka naman mapapala d'yan e kung tinulungan mo nalang ako edi sana natuwa pa ako sa'yo! Tayo!" Napabuntong hininga nalang ako at binitawan ang ballpen at papel.

Kailangan ko na bumalik sa reyalidad, ang reyalidad na malayong malayo ang mga isinusulat ko sa katotohanan.

"O ito labhan mo! Bilisan mo at mag-iigib ka pa ng tubig!" Muling bulyaw ng nanay ko matapos ilapag sa harap ko ang isang timbang punong puno ng damit.

Muli akong napabuntong hininga at kinuha ito para labhan.

I'm not a writer. I just wrote on my own. Wala akong kwento o istorya na natapos dahil hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang kwento.

Hilig ko ang pagsusulat gayon rin ang pagbabasa. Sumasaya ako kapag nagsusulat lalo na kung siya ang iniisip ko habang nagsusulat.

Sa totoo lang ay hindi ko siya kilala. Ni mukha niya ay hindi ko alam dahil nga sa mga panaginip ko lang siya nakikita pero alam ko na siya at siya pa rin iyon at hindi nagbabago.

Sa ibang panig ay masaya ako at hindi namomomroblema sa mga pagsubok ng buhay.

Sa ibang mundo kasama ko siya at pareho kaming nakangiti habang nakatingin sa magandang mata ng isa't-isa.

Sa kabilang dako ay malayong malayo ang mga ngiti ko sa ekspresyon ko ngayon.

"Hopeeee!" Napalingon ako sa boses na tumawag sakin na s'yang naging dahilan kung bakit ako bumalik muli sa realidad.

"Hope! Nabalitaan mo na ba? May bagong labas na naman na libro si Vainley!" Sabi si Threa.

Si Vainley ay isang kilalang manunulat, marami ang humahanga sa angkin niyang galing sa larangan ng pagsulat. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay wala pang nakakakita sa kaniya. Ayaw niyang magpakilala ayon ang totoo.

Marami ang kinikilig kapag nababasa ang mga gawa niya, iniisip nila na baka gano'n rin siya gaya ng mga gawa niya. Lalaki siya, iyon at iyon lamang ang tanging pinaalam niya sa lahat.

Kung bakit ayaw niya magpakilala ay hindi ko na alam.

"Tungkol saan naman?" Tanong ko at nagpatuloy sa paglalaba. Umupo naman sa tabi ko Threa at nagsimulang mag kwento.

"Ang sabi ay genre ay about sa dalawang tao na hilig ang pagsusulat..." Napahinto ako sa pagkusot dahil sa sinabi niya.

Pagsusulat?

"Wala pa kasi akong pera e kaya hindi pa 'ko makabili ng libro niya pero hayaan mo, bumili naman yung isa kong friend. Hihiramin ko tapos sabay nating basahin! For sure mag bago na naman akong i dedelulu nito!" Kinikilig na sabi ni Threa.

Napaisip naman ako roon, kung tama ang sinasabi ni Threa ay parehas kami  ng tema ng sinusulat sa ngayon.

Nagpatuloy na ako sa paglalaba habang si Threa ay nag kwento ng kung anu-ano na hindi ko na masundan pa.

Binilisan ko na dahil ngayon ay nanabik na naman akong humawak ng papel at ballpen upang sumulat.

Gabi na nang matapos ako kahit kasi anong bilis ng kilos ang gawin ko ay may panibago na namang iuutos ang nanay ko.

Umupo ako sa kama at agad na dinampot ang kulay lila kong notebook.

Nagsimula na akong mag-isip ng mga bago kong idadagdag sa eksena.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon