Happy End After

1.2K 41 18
                                    

DISCLAIMER: Hindi ito perpekto at maikli lamang kaya kung ayaw mo ng ganon ay iba nalang ang basahin mo, Salamat.
The guy lead is a walking 🚩so be aware. If you are sensitive. Don't read :>

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
NAGMAMADALI AKONG mag make up dahil susundan ko nanaman si Jesiah, Ang sampung taon ko nang minamahal.

Jesiah Jair Jordan, ang napaka sungit na lalaking patuloy ko pa ding minamahal.

Napatingin ako sa cellphone ko at tunatawag doon ang kaibigan kong si Jade.

Sinagot ko naman ito at inipit ang cellphone sa may balikat ko habang patuloy pa ding nag mamake-up.

"Hello?"

"Nasaan ka na ba!? Bilisan mo, naku! Lumalapit nanaman ang malanding Kim na iyon sa bebe mo!" Singhal nito sa akin.

Napakunot naman ang noo ko.

Si Kim nanaman!

"Teka lang naman, nag-aayos pa ako para naman mapansin na ako ni Jesiah. At saka... Ikaw na munang bahala diyan para mahiwalay ang haliparot na Kim na yan kay Jesiah KO." pagkatapos nitong sumangayon ay ibinaba ko na ang tawag at mas binilisan pa ang pag mamake-up.

Nang ma-satisfied na ako sa itsura ko ay nagbihis naman ako ng aking cute dress na pinabili ko pa kay Jade.

Nang ma-satisfied na ako sa itsura ko ay nagbihis naman ako ng aking cute dress na pinabili ko pa kay Jade

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

© PINTEREST.

Kulay dirty white ito na may mga designs de ribbon din ang sa may balikat at may lace naman sa may braso.

"Oh pak! Sino ka diyan?" Natatawa kong tanong sa sarili matapos lumapit sa salamin.

Agad din naman na akong umalis dahil kailangan ko pang bantayan ang akong beybe.

Nang nasa entrance na ako ng mall ay nakita ko agad ang aligagang Jade.

"Uy, bakla. Nasaan na si Jesiah?" Tanong ko agad sa kaniya pagkalapit, nagulat pa ito pero agad din namang tinuro.

Sinundan ko ang itinuturo ng daliri niya at kumulo ang dugo ko sa nakita.

Dali dali akong lumapit at hindi na talaga ako mapipigilan!

"Mga walanghiya kayo! Niloloko ninyo ako! At ikaw Jesiah Jair, napaka gago mo! Kaka diskubre ko lang na isang buwan na akong buntis tapos nagloloko ka na!? At ikaw babae ka! Hindi mo ba alam na magiging ama na ang lalaking nilalandi mo!?" Agad eksena ko dito.

"Shuta ka, bakla." Rinig kong bulong ni Jade pero wala na akong pake muna doon.

Tumawa naman si Kim habang si Jesiah ay seryosong nakatingin lang sa akin, hindi nagsasalita.

"Baliw ka na ba talaga, Rhiana Rosheen Del Mundo? Wala ma nanaman bang magawa sa buhay mo at pati kami ni Jes. Ay inaabala mo?" Natatawang tanong nito sa akin at muling kumapit sa braso ng seryoso pa ding Jesiah.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon