Call me, Psycho

2.4K 96 92
                                    

DISCLAIMER: Hindi ito perpekto at maikli lamang kaya kung ayaw mo ng ganon ay iba nalang ang basahin mo, Salamat.
The guy lead is a walking 🚩so be aware. If you are sensitive. Don't read :>

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

ISA AKONG Nurse sa isang pribadong hospital, ang siyang pinagdadalhan ng mga mayayamang may sakit sa pag-iisip.

Napatingin ako sa co-nurse ko na si Amie na lumalakad papunta sa akin.

"Girl! Merong bagong admit na pasyente at take note! Sobrang gwapo! Hindi ko nga akalain na may tama yun e!" Pagkukuwento nito.

"Talaga? Ano namang klase ng sakit niya?" Curious kong tanong.

"Obsessed daw e, yun ang rinig ko." Sagot niya, napatango tango naman ako.

"Nurse Heaven! Nurse Heaven! Pinapatawag po kayo ni Doc. Gonzales." Hinihingal pang sabi ni Marie, co-nurse din namin.

"Uh, bakit daw?" Clueless kong tanong pero kibit-balikat lang ang sagot nito.

Pumunta nalang ako sa opisina ni Doc. Gonzales, kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko narinig si Doc.

"Come in."

"Good morning po, Doc. Pinapatawag ninyo daw po ako?" Nahihiyang tanong ko.

Minsan lang magpatawag ng nurse si Doc kaya naman lahat ay kinakabahan kapag natatawag.

"Yes, Nurse Heaven. Here read this." May inabot siyang itim na folder na agad ko namang tinanggap.

"That Dale Eaves, a rich man who has a OCD, Obsessive compulsive disorder." Anya ni Doc.

Binasa ko naman ang laman ng folder. Nagulat pa ako ng makita ang mukha nito, napaka perpekto.

•Vlad Dale Eaves

• 30 years old.

•Single

• Positive in Obsessive compulsive disorder (OCD).

•Has a cleanliness obsession.

•Not so dangerous.

"As you can see, Nurse Heaven. Dale is suffering from OCD that's why his parents decide na dalhin siya dito. Ang sabi pa ay nang tumungtong ng edad 20 si Dale ay may kakaiba na silang napapansin dito. Mula sa simpleng sinulid na natastas sa damit mo ay pupunahin niya hanggang sa kalat na nakakalat sa sahig. So, Nurse Heaven. Are you accepting this?"

Napalunok naman ako, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot lalo na sa mga pinag-sasabi ni Doc.

"Y-yes po, Doc." Pikit matang sagot ko.

"Great. You will meet him now. Are you ready?" Tumango naman ako kahit na may kaba pa din.

Nakasunod lang ako sa likod ni Doc. Hanggang sa huminto siya sa isang kwarto, binuksan niya ang pinto at iginiya ako papasok.

Agad kong iginala ang tingin ko sa buong silid, halos puro puti lang naman ang nakikita pero ang kaibahan ay parang bahay.

May TV, ref, oven, aircon. Mukhang mayaman talaga ang may-ari.

Bumalik ang tingin ko kay Doc. nang magsalita ito.

"Dale, Come here. Kasama ko ngayon si Nurse Heaven, siya ang magiging private nurse mo habang nandito ka. Sa kaniya ay pwede ka din mag-utos." Saad ni Doc. Sa lalaking nakatingin lang sa akin.

Una kong napansin ay ang kulay abo niyang mga mata, napaka tangos na ilong at mapulang labi.

Matangkad din ito at siguro kung lalapit ako sa kaniya ay hanggang balikat niya lang ako.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon