Chapter 5

183 1 0
                                    

HINDI gusto ni Lian ang kakaibang ngiti ni Hannah. Sinuri sya nito mula ulo hanggang paa. Hanggang ngayon nagdududa pa rin sya sa pinapakita nitong kabaitan sa kanya. Sa totoo lang maganda ito para sa isang bakla. Tinalo pa nito ang mga babae. Sexy pa!

Kung magsusuot lang ito ng medyo disente at hindi masyadong takaw pansin ang mga kulay ng damit─hindi ito mapagdududahang bakla. Isa pa, ang paraan ng pananalita nito ay tulad ng actress na si Rufa Mae Quinto. Babaeng babae rin ang boses nito.

Ilan sa mga barkada niya ay ganoon din ang opinyon tungkol dito. Isa sa mga naakit dito ay ang kaibigan nyang modelo na si Freedom. Madalas lang na kumikilos si Hannah na parang may sayad.

Hindi nya makalimutan na isinama sya nitong nag-shopping na awkward ang suot. Pinagtinginan tuloy sila ng mga tao sa mall. Hiyang hiya sya noon pero hindi sya nagpahalata. Napansin nyang gusto talaga nitong makaagaw ng atensyon.

Ngayon nya lang isinuot ang ibinigay nitong damit. Kinailangan nya iyong itago dahil hindi sya kumportable sa taong bumili noon. Nararamdaman nyang may masamang motibo si Hannah. Hangga't maaari ayaw nyang magdidikit dito.

Naunahan siya ni Hannah. Sya dapat ang pupunta sa bahay nito. Ito ngayon ang kanyang panauhin. Mabuti na lang at parehong may pasok sa eskwelahan ang kanyang kapatid dahil kung hindi, siguradong tutuksuhin na naman sya.
"You finally listen to my advice." pununudyo nito sa kanya.
Napaingos si Lian. Ipinatong nya sa mesa ang monthly report ng computer shop. Apat na buwan na ang nakakalipas ng buksan nila ang unang branch ng NetCoven. Ngayon, may tatlo na silang branch. Inaasikaso nila ngayon ang pagtatayuan ng pang-apat na branch.
Nasa America na ngayon ang kanyang partner na si Hans kaya lahat ng report ay si Hannah ang tumatanggap maliban pa sa mga e-mail nya sa kaibigan. It seems like his friend will
be applying for overseas job and planned to study again.
"Bagay sa'yo ang bago mong gupit. Hindi kana mukhang adik."
Nagpagupit sya dahil mainit ang panahon. Kung babae lang si Hannah, katulad na katulad ito ng asawa ni Freedom na si Felicity. Madalas punahin noon ang kanyang itsura.
"Asa ka! Baka isipin mong ikaw ang dahilan kaya nagpagupit ako. Nakinig lang ako sa payo ng isang kaibigan."
"B-babae?"
Natigilan si Lian sa nakikitang reaction nito. May gusto ba ito sa kanya? Bakit parang nagseselos? Tandang tanda nya, ganoon din dati si Felicity sa kanya. Hindi naman nya pwedeng iwasan si Hannah. Sa katunayan nga ay ka-close na nito ang dalawa nyang kapatid na babae.
Parehong naniniwala ang kanyang mga kapatid na babae si Hannah. Madalas na itukso sa kanya si Hannah. Hindi naniwala ng sabihin nyang bakla ito. Minsan nga kasama ni Hannah ang dalawa nyang kapatid. Nagba-bonding ang mga iyon.
"Oo," sagot niya. Natigilan iyon waring nag-isip.
"Si Ruth?"
Nabigla sya sa binanggit nitong pangalan. Paano nito nalaman ang tungkol kay Ruth? Wala ni isa man sa mga kaibigan nya ang magkukwento tungkol sa bagay na iyon. Kahit pa ka-close nito ang kanyang pamilya, hindi rin sasabihin ng mga iyon ang tungkol sa kanyang nakaraan.
"Paano mong nalaman ang tungkol kay Ruth!"
Napapitlag ito sa biglaang pagtaas ng kanyang boses. Bigla iyong ngumisi. Lumipat iyon sa tabi nya. Hindi nya nahulaan ang balak nito dahil interesado syang malaman kung paano nito nalaman ang tungkol kay Ruth. Nakaka-impress ito at si Felicity, nakukuha ang mga impormasyong itinatago nya sa karamihan.
Nagtayuan ang balahibo ni Lian ng maramdaman nyang naglalakbay ang kamay ni Hannah sa kanyang mga hita. Umusog sya ngunit nasa dulo na sya ng mahabang sofa.
Nanlaki ang mata nya ng maramdaman ang isang kamay nito. Sa ginawa nyang pag-usog, lumanding iyon sa pagitan ng kanyang hita. Hinawakan nito ang kanyang pagkalalaki!
Bigla syang napatayo.
"Ano ba! Akala ko ba wala kang pagnanasa sa akin?" sumbat nya rito. Naikuyom nya ang kamao. Galit sya! Galit sya dahil nagdulot iyon ng kakaibang init sa kanyang katawan.
Damn! He was turn on to a gay! What's happening to him!
Kumunot ang kanyang noo. Nagba-blush ito! Bakit ganoon ang reaksyon nito? Parang noon lang ito nakahawak ng─
Napailing si Lian. Kalokohan! Bakit nya lolokohin ang kanyang sarili. Napahiya ito sa ginawa pero bakit? Garapal nga ito kung minsan or Hannah just─imposible!
"U-uwi na ako."
Dali-dali nitong dinampot ang folder na inilapag nya sa mesa. Mabilis pa sa alas kwatro itong nakalabas ng kanilang bahay.
"Anong nangyari sa isang 'yon?"
ANG lakas ng kabog ng dibdib ni Hannah. Pulang pula ang kanyang mukha ng masulyapan sa rear view mirror ng kanyang kotse. Gulat na gulat sya sa bilis ng pangyayari. She was just planned to tease him. Hindi nya inaasahan na mahahawakan nya iyon. Gumalaw kasi si Lian.
First time nyang makahawak ng gano'n. In fairness, may kalakihan ang kanyang nakapa.
Sa payat ni Lian, hindi nya inaasahan na malaki ang itinatago nito. Bigla nyang naalala ang napag-usapan nila noon ni Hans. Pakiramdam nya, sinunod nya ang biro noon ni Hans. They were even now.
Natuwa sya ng makita medyo umayos ang itsura nito. Salamat sa kung sinumang nagpayo sa lalaki. Nagkaroon na ng progress ang kanyang misyon. Ang ikinaiinis nya lang, kulang yata ang kanyang charm para mapasunod ito. Mas pinakinggan pa nito ang iba kaysa sa kanya. Pareho lang naman ang advice na nakuha nito.
In fairness sa lahat ng emo ito ang hindi naglalagay ng eye liner. Well, he's too old for that stuff. Konti pa at malapit ng matapos ang kanyang misyon. Nanggagalaiti sya kay Hans. Hindi nito sinabing magtatagal ito sa ibang bansa.
Well, alam nyang ilang buwan lang pero mukhang balak na nitong manirahan sa ibang bansa. Nang huli nyang makausap ang kapatid ay nasa Asian country ito. Ngayon, ang latest nasa America na!
"Ang yabang talaga! Gagawin lang din ang suggestion ko humingi pa ng second opinion sa iba!" inis na bulalas ni Hannah.
Si Ruth kaya? Napaisip si Hannah. Posibleng ang babae ang nagpayo kay Lian. Kanino ba iyon makikinig kundi sa one and only love nito. Baliw ang Lian na iyon.
Teka, pakialam nya ba sa lalaking iyon. Hindi naman nya kawalan kung sa iba ito nakinig. Imposible namang nagseselos sya. No, way! Selos? Kalokohan!
Oh, no! This leads to─never! Hindi sya magkakagusto sa payatot na 'yon!
MULA sa ikalawang palapag ng Cazelon, tanaw na tanaw ni Mark si Lian na solo ang isa sa mga table na nakapalibot sa establishment. Lumapit sya sa tila balkonahe na gawa sa kawayan. Ang outer part lang naman ng Cazelon ang nilagyan ng disenyong kawayan at kahoy ngunit gawa sa semento ang kabuuan. Pinagmukha lang na native sa pamamagitan ng pagpapatong ng kawayan sa orihinal na dingding.
Mukhang malalim ang iniisip ng kaibigan. Imbes na dumiretso ito sa loob ng computer shop, nakaupo lang ito habang nakatanaw sa malayo. Hinihintay nila ito dahil maglalaro sila ng dota.
Magsasara ang computer shop na iyon sa Enclave. Nakipag-usap na sa may-ari ang kanyang kaibigan. Ito ang magbubukas ng panibagong branch ng NetCoven.
Ipinasya nyang bumaba para lapitan iyon. Hindi nya alam kung saang planeta na nakarating ang isip nito.
"Hoy!" napaiktad si Lian. "Kanina pa ubos ang softdrinks mo. Hangin na lang ang hinihigop mo." buska pa ni Mark.
Tiningnan nito ang plastic na hawak. Tumayo ito at itinapon ang plastic sa pinakamalapit na basurahan. Napailing si Mark habang pinagmamasdan ang kaibigan.
Sinipat nya ang kanyang wrist watch. Alas dose na ng gabi. Para sa kanilang magbabarkada iyon ang oras ng kanilang bonding. Itong si Lian lang ang nahuli. Kanina pa ang iba sa loob ng computer shop. Si Lian pa naman ang hinihintay nila dahil magaling ito sa kahit anong klaseng computer games.
"Nandyan na ba silang lahat?" tanong nito sa kanya.
"Oo, tagal mo. Saan ba tayo nakarating ng lagay na 'yon?"
"Ha?" maang na bulalas nito. Natawa sya sa reaksyon nito. Halatang malayo ang iniisip.
"May problema ba sa negosyo nyo? Akala ko ba all out ang suporta ni Hans ang ng kapatid nya."
"Wala, okay lang ang negosyo. Kumikita naman kahit paano."
"'Yun naman pala. 'Wag mo sabihing babae ang problema mo."
Bigla itong naubo. May nasabi ba syang masama para masamid ito?
"Anong tingin mo kay Hannah?"
Nanlaki ang kanyang mata sa tanong nito. Tinamaan na ang loko! Nagkagusto na yata ang kanyang kaibigan sa isang bakla. Naku po! Naging bisexual na ba ito?
"'Wag mo akong tingnan ng ganyan."
"Pre, hindi kita huhusgahan kung tinamaan ka kay Hannah. Si Freedom nga nabiktima ng kagandahan nya, ikaw pa kaya. Alam kong mahirap ang sitwasyon mo."
Isang batok ang tinamo nya mula kay Lian.
"Siraulo! Sinabi ko bang in love ako kay Hannah. Tinatanong ko lang kung anong tingin mo sa kanya. 'Yun lang!"
Napakamot sya sa ulo. "Gano'n ba? Akala ko kasi─" Napabuntong hininga sya. Mabuti naman, akala nya bumigay na rin si Lian. "Maganda sya, Pre. Kung hindi nga lang sya─alam mo na, baka siya pa ang napangasawa ni Freedom."
"Malabo 'yun... Pero kahit saang anggulo ko tingnan, babaeng babae talaga."
Sang-ayon sya sa sinabi ni Lian. Imposible namang nagsinungaling ang kaibigan nilang si Freedom nang sabihin nitong bakla si Hannah.
"Teka, si Hannah ang iniisip mo, 'noh! Langya, Pre! May tama ka na rin kay Hannah."
"Wala, ah!" todo tanggi ni Lian.
"Defensive!"
"Tigilan mo nga ako."
Natawa si Mark. Kapag napipikon si Lian iyon ang palagi nitong linya. Bumagsak na rin ito sa mga kamay ni Hannah. Dilemma! Kaya pala tulala ito. Malaking problema nga ang kinakaharap nito ngayon.
"Umakyat na nga tayo. Puro kalokohan 'yang nasa isip mo."
"Pikon!"
"UY!"
Nagkagulatan sina Hannah at Lian. Papasok si Hannah sa kanilang bahay ito nama'y palabas. Dalawang buwan syang hindi nagpakita rito matapos ang insidente sa bahay nila Lian.
Nasorpresa sya sa itsura nito ngayon. Hindi na ito payatot! Nagkalaman ang pisngi nito na dati'y pipis. Tumino tino na rin ang paraan nito ng pananamit. Pinagmasdan nya ito mula ulo hanggang paa. Mukhang kagagaling lang nito sa gym. Naka-sports attire ito.
Oh, my gosh! Nagkaroon na ito ng muscles! Naging macho na ang payatot na Lian. Wow na wow talaga! Success!
Hindi maiwasang mapangiti ni Hannah. Panalo sya sa pustahan!
Teka, bakit parang may kahawig itong artista?
"Oh, my god!" naibulalas nya. Kahawig nito ng artistang si Luis Alano! Artistahin din pala ang Lian na ito. Moreno nga lang ito kung ikukumpara sa artistang iyon. In a little more time, tiyak na fully develop na ang katawan nito. Bagong Lian ang nasa harap nya ngayon.
"Bakit?" takang tanong nito.
"You looked good, honestly."
Hindi nito pinansin ang sinabi nya. Sumusumpong na naman ang kasungitan ng loko.
"Busy ka palagi?" dudang wika nito.
Sa wakas, nakalimutan na rin nito ang aksidenteng pagkahawak nya sa itinatago nito.
"Hmm... Na-miss mo ako? Kaya mo namang i-handle ang lahat, eh."
Sumimangot ito. Ayaw na ayaw talaga nitong tinutukso. Hindi kaila sa kanyang ang kakaibang titig nito. Napalunok si Hannah. Ibinuko kaya sya ni Hans? Paano mangyayari iyon, wala namang alam si Hans tungkol sa pagpapanggap nya. Unless binanggit ni Lian.
"Nagmukha kang tao ngayon, ah." puna nito sa kanya.
Naka-business attire sya. Kagagaling nya lang mula sa isang meeting. Binisita nya ang kanyang patahian. Malapit ng magbukas ang kanyang boutique.
Tumatakbo ng maayos ang NetCoven. In fact, sunud-sunod ang pagbubukas ng mga branches. Hindi na masyadong tutok doon si Hannah dahil may tiwala sya kay Lian.
Oras na para magkaroon sya ng sariling negosyo. At age of twenty three, hindi pa huli para magseryoso sa buhay.
"Weh! kahawig mo lang dyan si Luis, eh."
Nagsalubong ang kilay nito.
"Sino 'yun?"
"Luis Alano, artista 'yon, 'noh."
"Ah... Sige una na ako. Hinatid ko lang 'yung mga report saka 'yung tseke para sa mga pinagbibili mo noon para sa akin."
"Pero bigay lang naman sa akin ang mga pinambili ko roon. Marami pa akong tseke galing sa sponsors ko."
"Kahit na, pangit tingnan na babae ang nagbibigay sa lalaki. I'm doing this for myself. I'll go ahead."
Tinanguan nya ito. Over na ang pagkabagok ni Lian. Pabor na pabor sa kanya ang ginagawa nito. Hindi kaya in love ang isang iyon? Aba, oo nga! Sabi nito noong nakaraan babae ang dahilan kaya ito biglang nagpagupit. Hindi kaya sya? Pero tiniyak nitong hindi sya iyon at isa pa, ang alam nito─isa siyang bakla!
Hindi pa ito masyadong nakakalayo ng muli itong humarap sa kanya. Huling huli sya nito. Kung bakit ba naman nakatayo lang sya sa may pintuan habang pinagmamasdan si Lian.
"Quits na tayo!"
Quits? Anong sinasabi nitong quits? Isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa labi ni Lian. Oh, no! Kailangan nyang magpamisa sa Baclaran. Isang himala ang nangyayari. Ngumiti si Lian!
He looked cute. Gosh! Mali ito, nagkaka-crush na sya kay Lian.
"Nakaganti ka na sa akin. Nahawakan mo na ang ‛pinakatatago' ko."
Nag-init ang pisngi ni Hannah. Naaalala pa nito! Mabuti na lang at agad ding tumalikod si Lian. Mabilis syang pumasok sa kanilang bahay.
"Hannah, sinampal ka ba bago pumasok dito? Pulang pula 'yang mukha mo." tukso sa kanya ni Sita.
"T-talaga?" Naku nakakahiya kung nakita ni Lian.
"Ipinasok ko na sa kwarto mo 'yung dala ni Lian." nanunudyo ang mga ngiti nito sa kanya.
"Bruha ka! Tigilan mo nga ako, baka makalbo kita!" Ano ba 'yan pati linya ni Lian nagagaya nya.
Nagmamadali syang lumakad patungo sa kanyang silid. Tawa lang ang isinagot ni Sita sa kanyang pagtataray.
"In love ka lang, Hannah!"
Never!
"KUYA, kailan pupunta rito si Ate Hannah?"
Itinigil ni Lian ang ginagawang paghuhugas ng mga platong pinagkainan. Hinarap nya ang kapatid. Sa lahat ng lugar na pwedeng gawing study area, kusina pa ang pinili. Plano lang pala nitong i-interrogate sya.
Third year high school na ang bunso nyang kapatid na si Maya. Natutuwa sya dahil bukod sa masipag itong mag-aral, responsable rin ito. Hindi ito tulad ng ibang kabataan na nag-gagala pagkatapos ng klase. Umuuwi agad ito. Tumutulong ito sa gawaing bahay kaya hindi na sila kumuha ng katulong.
"Wala ka naman yatang assignment, eh. Ikaw na lang ang maghugas nitong plato."
"Hmp! Magdodota ka lang sa kwarto mo, eh."
"Sus!"
"So, kailan pupunta rito si Ate Hannah?" Kinindatan pa sya nito.
Napabuntong hininga si Lian. Heto na naman sila. Ayaw talaga syang tantanan sa kakareto kay Hannah.
"Malay ko sa baklang 'yun."
"Bakla?... Babae kaya 'yun. Natatawa nga kami sa inyo ni Ate Faye, eh. Paniwalang paniwala kayo sa acting ni Ate Hannah."
"Ano 'yon? Narinig ko ang pangalan ko." bungad ng kapatid nyang si Faye. Bitbit pa nito ang mga libro. Kararating lang nito mula sa unibersidad. Huling taon na nito sa kursong Tourism.
"Si Kuya, ayaw maniwalang babae si Ate Hannah."
Nagtawanan ang dalawang nakababatang kapatid ni Lian.
"Tumigil nga kayo sa mga kalokohan nyo." saway nya sa dalawa. Ipinagpatuloy ang paghuhugas ng plato.
"Ligawan mo na, Kuya. Type mo naman sya, eh." tukso sa kanya ni Faye.
"Sira ka ba? Gusto mong maging bakla ako?" tiningnan nya ng masama ang kapatid.
"Baliw! Mapa-babae sya o bakla, isa lang ang malinaw." Tumingin si Faye kay Maya.
"May gusto ka sa kanya!" sabay na wika ng dalawa.
Napailing si Lian. Pinagtutulungan talaga sya ng kanyang mga kapatid. Kaya madalas syang nasa loob ng kanyang kwarto o kaya naman ay nasa barkada dahil sya ang palaging nakikita ng dalawang ito.
"May proof ba kayo?" hamon nya sa dalawa.
"Oo! Palihim mo syang pinagmamasdan!" si Faye.
"In love ka na!" dagdag pa ni Maya.
"Ah, gano'n pala."
Mabilis na nagsipagtakbuhan ang dalawa palabas ng kusina bago pa nya masukol. Nahulaan ang kanyang kilos.
"Mga pasaway! Magsibalik kayo!"

Complicated loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon