Chapter 7

193 1 0
                                        

"THIS place is your idea of romantic date?!"

Hindi makapaniwalang bulalas ni Hannah. It's six o'clock in the afternoon. Nang tanungin nya si Lian kung ano ang dream date nito, agad itong nagyaya. Ipapakita raw nito ang lugar.

Sa Loyola Memorial Park sila nakarating. Sa isang sementeryo! He called that romantic─ang magdate sa sementeryo!

Lahat ng pantasya ni Hannah sa isang romantic date ay naglaho ng parang bula. Ang morbid ng idea nito. Paano magiging romantic ang lugar na iyon gayong libingan iyon ng mga patay. Matutuyuan sya ng dugo sa Lian na ito.

Hindi na sya magtataka na bigla itong pinagpalit ng ex-girlfriend nito.

Nakakabaliw ang trip nito. What his idea of love─death?

"Ang cool 'di ba? Gusto kong maiba sa karamihan. Mas maganda nga kung first day of November kaya lang maraming tao." bumaba ito ng kanyang kotse.

"Don't tell me horror ang favorite mong movie." aniya ng makalabas ng kanyang sasakyan. May mangilan-ngilan na taong bumibisita sa mga puntod.

"Paano mo nahulaan? Japanese film ang pinakagusto ko sa lahat. Even the US film makers impressed sa mga gawa ng Japanese. Ibang klase ng impact sa mga viewer. Aside from horror mahilig din ako sa drama. Mga koreanovela ang pinapanood ko. Nagbabasa rin ako ng mga tagalog pocketbooks."

Namangha si Hannah sa narinig. Naku po! Tinamaan ng magaling na multo! Kalalaki nitong tao nanonood ng drama! Pocketbooks? Love story ang mga iyon, ah. Dapat nakapulot ito roon ng mga tips about romantic date. Mas malakas ang impluwensya rito ng horror para mapili nitong dating place ang sementeryo.

Iniangkla ni Hannah ang kanyang braso sa braso ni Lian. Isang matalim na sulyap ang natanggap nya mula rito. Ngiti ang isinagot nya sa warning look nito. Wala itong nagawa dahil ayaw nyang pakawalan ang braso nito.

Kailangan nya yatang ipatingin nya sa isang psychiatrist. Hindi lang makeover ang kailangan nito. He must be gone crazy! Sobrang weird ng personality nito.

Dinner with candle light ang dream date ni Hannah. It's either in an expensive hotel or in a beach─not this!

Tahimik nilang binaybay ang daan papasok sa sementeryo.

Pinapakiramdaman nya si Lian. Hindi nya alam kung anong tumatakbo sa utak nito ngayon.

"If I die, gusto ko i-cremate ang dead body ko. Hindi na kailangang magbayad ng lupang paglilibingan at fee para sa maintenance ng libingan. Kasya na ang abo ko sa isang maliit na jar."

Over na ito! Kaloka! Nasa sementeryo na nga sila tungkol pa sa kamatayan ang topic. Naging psycho na ba si Lian?

"A-Ang kuripot mo naman." komento niya sa sinabi nito. Lumamig ang simoy ng hangin. Napahalukipkip si Hannah. There must be a ghost in there. Takot sya sa mga multo.

"Praktikal lang ako, papakinabangan pa ng mga mahal ko sa buhay ang pera. Kaysa naman pagpiyestahan pa ng uod ang katawan ko. Pinabilis ko lang proseso ng pagbalik ng katawang lupa ko sa alabok."

Hindi nya alam kung seryoso ito o nagpapatawa. Kung isa iyong biro, hindi sya natatawa. May punto ito sa nais nitong mangyari. Katawan nito ang pinag-uusapan pero kung sya ang tatanungin, ayaw nyang pinag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon. Masarap mabuhay. As much as possible, ini-enjoy niya ang kanyang buhay.

"Umuwi na tayo."

"Naduduwag ka 'noh." tukso nito kay Hannah.

"Of course not! This is just a cemetery!" mariiing tanggi nya.

Complicated loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon