KINALADKAD ni Hannah si Alvin. Isa ito sa mga nakakaalam ng lugar kung saan nakita si Harriette. Desidido syang mahanap si Harriette para maiharap kay Lian.
In her entire life, wala syang pakialam sa mga sasabihin ng tao. She doesn't care kung anong tingin sa kanya ng ibang tao. Ngayon lang. Kailangan nyang maihiwalay ang image ni Harriette kay Hannah.
Humantong sila sa Pub Giz. Isa iyon sa mga bagong restobar. Every night, iba-ibang sikat na banda ang guest sa naturang lugar. Narinig na ni Hannah ang tungkol sa lugar na iyon dahil may ilan siyang mga kaibigan na miyembro ng banda. Madalas syang yayain sa mga gig ng grupo. She usually turn down the invitation. Ayaw nyang magdrive ng lasing.
The safest place para uminom ay ang kanilang bahay. Iyon ang bilin ng kanyang daddy. Drink all you can, drown yourself to liquor but be sure you're not a liability to your friend. Iyon ang rason ng kanyang daddy. Isinaksak nito sa kanyang utak na sya ay babae. Kailangan nyang pag-ingatan nya ang kanyang sarili.
Most of drunk women were took advantage by men. Ginagawang scape goat ang espiritu ng alak. Ayaw ng daddy nya na mangyari sa kanya ang ganoong scenario. Some men and women were out of themselves when already drunk. They have the tendency to do some act na hindi ginagawa kapag wala sa impluwensya ng alak.
"Come on, Alvin. Ikaw ang iinom ng beer."
"Ano! May trabaho ako bukas." reklamo nito.
"I never told you to drown yourself, just drink a little. Come on, move out."
Napilitang bumaba sa kotse si Alvin. Pumasok sila sa loob ng Pub Giz. Marami ng tao na naroon. Monthly elimination ng yearly battle of the band sa Pub Giz kaya maraming parokyano ang naturang restobar. Nag-order si Hannah ng maiinom. Bagama't hindi sya natural na manginginom, kailangan nya ring uminom dahil unfair iyon para sa kanyang kasama.
Bago maubos ni Alvin ang laman ng ikatlong bote ng beer may lumapit sa kanilang tatlong tao. Mga naka-silver outfit dahil kumikintab ang damit sa kalagitnaan ng gabi. Sangkaterbang borloloy ang nakakabit sa katawan. Mahahaba ang fake eye lashes at sobrang kakapal ng make up. Ang kanyang inaasahan, a link to Harriette.
Nakapamaywang ang mga iyon ng tumigil sa tapat nila. Mga nakataas ang kilay. Idinuro sya ng isa bago nagsalita.
"Hoy, bruha! Ang kapal ng mukha mong magpakita rito matapos mong landiin ang boylet ko! Impaktita ka!"
Oh, my god! Nagkatinginan sila ni Alvin. Nalintikan na.
ABALA si Lian sa pagbabasa ng mga e-mails ng makatanggap ng text message mula sa kaibigang si Alvin. Emergency iyon kaya agad nyang iniwan ang kanyang ginagawa. Hindi na naidetalye ni Alvin kung anong emergency iyon.
Mahigit tatlumpung minuto bago nakarating si Lian sa lugar kung saan naroon si Alvin. Hindi na sya nakapagbihis dahil sa pagmamadali. Nakapambahay lang siya. Mag-aalas dose na ng hating-gabi. Napilitan na lamang syang umalis ng bahay para sa kaibigan.
Humantong si Lian sa opisina ng barangay. Nakipagsuntukan ang kanyang kaibigan dahil kay Hannah. Pinatulan nito ang tatlong bakla. Ipinadampot ito ng may-ari ng restobar.
Sisitahin nya sana ang kanyang kaibigan dahil pumatol pa ito sa mga bakla. Nagbago ang
kanyang isip ng makita si Hannah. Muntik ng hindi makilala ni Lian si Hannah dahil sa itsura
nito. Gulo-gulo ang buhok nito. Mayroon itong pasa sa mukha at braso."Anong nangyari kay Hannah?" tanong ni Lian sa kaibigan. Nakasandal sa upuan si Hannah. Nilapitan nya ito at marahang niyugyog sa balikat. Nakatulog na ito roon.
"Gay fights. Hannah was mugged by three gay. As what I've seen, may alam sya sa martial arts. Napagtulungan lang sya so I need to help her. We ended up here."

BINABASA MO ANG
Complicated love
RomanceNasa cloud nine ang pakiramdam ni Hannah pagkakita nya sa kanyang ultimate crush na si Freedom Aicen Saavedra. Naging mabilis pa sa rocket na bumalusok pababa ang pakiramdam na iyon ng umeksena ang kaibigan nitong si Jinn Lian Verde. Walang pakundan...