Chapter 02:
BeastzLatang-lata ako habang naglilinis sa banyo ng suite niya ngayon. Tanghali pa lang pero pagod na pagod na ako.
Hindi lang kasi ito ang nilinis ko. Lumabas rin ako kanina at tumulong sa paglilinis sa ibang banyo. Lagi nila akong ina-assign na sa banyo maglinis dahil mas malinis raw ang trabaho ko.
Lumabas na ako ng banyo 'saka dumeretso sa kusina at nagluto ng pananghalian. Nasa sala si sir ngayon, naggigitara ng kaunti tapos titigil at may itatype sa laptop niya bago siya tutugtog ulit. Siguro ay magsusulat ulit siya ng kanta.
Naririnig ko ang pagtutugtog niya ng gitara hanggang dito sa kusina. Inaamin ko, ang gaan sa pakiramdam ng pagtugtog niya. Masyado 'yong magaan at masarap sa pandinig. Halos antukin ako rito habang nagluluto.
Nagluto ako ng adobong manok kasi ano, pabori---kasi masarap ako magluto nito. Hehe.
Dinamihan ko na ang niluto ko dahil kaninang agahan ay kakaunti lang ang kinain niya. Matapos kong magluto ay inihanda ko na 'yon sa countertop bago ako pumunta sa living room para ayain siya.
Pero pagpunta ko doon ay napatigil ako at napatitig sa kaniya. Nakapikit siya habang mahinang kumakanta, hindi ko na marinig ng maayos sa sobrang hina. Patuloy siya sa pagtugtog ng gitara habang may iminumutawing liriko ng kanta.
Lumapit ako para marinig siya. "I'm still holding on to you..." Namamaos-maos ang kaniyang boses, dinadagdagan niyon ang karisma ng kanta. "Though I'm the one who broke you..." Mariin pa rin ang pagkakapikit niya, dinadama ang sakit na nanggagaling sa kinakanta. "I want you back... My heart will sank, what should I do for you to love me back?"
"I missed your smiles, baby..." Bulong niya, hindi ko maintindihan pero parang may hinanakit sa boses niya. "I miss those moments that making me feel contented..." Kumibot-kibot ang labi niya, pabagal ng pabagal sa pagkanta. "I wanna make up to you...but what should I do? You already don't want me to be with...you."
Dahan-dahan siyang nagmulat at agad na nagtama ang paningin namin. Napatitig ako sa emosyong 'yon sa mga mata niya.
Pilit akong ngumiti. "Uhm, nagluto po ako, sir. Gusto niyo na po bang kumain?"
Ngumiti rin siya, tinatapatan ang ngiti ko na halatang pilit. "Yeah, eat with me, though."
Tumango na lang ako, pumayag na ako kaagad dahil alam ko namang ibablackmail niya na naman ako kapag hindi ako sumunod sa gusto niya.
Pinaupo ko siya sa isa sa mga stool at inihanda na ang pagkain sa plato niya.
"More." Aniya, nagpapadagdag ng kanin. "Adobo's my favorite so put some more." Utos niya. Sinunod ko kaagad 'yon.
Napangiti siya at sinenyasan akong maupo sa tabi niya. Inabot niya ang mangkok na may ulam bago inamoy ang laman niyon.
"Hm, smells good." Dinig kong bulong niya. Tumingin siya sa akin bago sumulyap sa plato ko. Kinuha niya ang plato ko at siya na mismo ang naglagay ng kanin doon. "Here, you need to eat."
Nasapo ko ang noo ko nang makitang halos punuin niya ng kanin ang plato ko. "Hindi ko 'yan mauubos." Reklamo ko kaagad.
Narinig ko ang pagtawa niya. "Let's see."
Sa sinabi niyang 'yon ay napairap ako. Para kasing sinasabi niya na imposibleng hindi ko 'yon maubos. Bakit? Matakaw ba 'ko, ha?
Slight lang siguro.