Chapter 01: Brion Vinton Radcliffe

2 1 2
                                    

Chapter 01:
Brion Vinton Radcliffe

Eirren's PoV:

"Rein, pakilinis 'yong restroom sa 4th floor, 'yong nasa dulo, ateng!"

"Rein, tapos ka na ba diyan sa lobby? Marami pang kalat rito, oh! Dalian mo diyan!"

"Linisan mo na rin 'yong-!"

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at sunod-sunod na tumango sa kanila. Pagod na ako't lahat, hindi pa rin sila natatapos sa kauutos.

Binilisan ko ang paglilinis upang maaga akong matapos. Hindi lang rito sa hotel ang tatrabahuin ko, mayro'n rin sa bahay.

Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili sa pagtatrabaho. Nakaramdam ako ng pagkagutom ngunit hindi ko muna 'yon pinansin. Kaninang umaga pa kasi ako hindi kumakain, kailangan kasing maaga ako sa trabaho. Alas-singko na rin kaya gan'to na lang ang sobrang pagkagutom na nararamdaman ko.

Matapos ng paglilinis sa lobby ay dumeretso ako sa banyo sa 4th floor. Laging marumi doon, hindi ko malaman kung bakit.

Sa totoo lang, marami naman kaming janitress rito, tinatawag rin kaming housekeepers, parang maid, ganoon. Naglilinis rin kasi ng mga kwarto kung sakaling magrequest ang mga guest.

Nagtataka nga ako, eh. Sa dami naming tagalinis rito, bakit parang ako ang may pinakamaraming trabaho? Tatlong taon na ako rito, ganoon pa rin ang trato nilang lahat sa akin rito.

Napanguso ako at nagsuot ng mask bago linisin ang kubeta sa isang cubicle. Kailangan kong magmask dahil hindi nakatutuwa ang amoy rito.

Pagkatapos kong pabanguhin ng sobra kahapon, ganito na naman ang amoy. Anong klaseng ihi at dumi ba ang nilalabas nila't gan'to kabaho?

Sana sipunin ako ngayon para mawalan ako ng pang-amoy sa panandaliang panahon. Naka-mask na ako't lahat, amoy ko pa rin ang baho!

Gusto kong magreklamo sa mga seniors ko kaso hindi rin nila papansinin ang sasabihin ko dahil janitress lang naman ako. Isa pa, mukhang ayaw sa akin ng mga kasamahan ko rito.

Ang lagi kong naririnig sa pagbubulungan nila ay napaka-arte ko raw maglinis. Porke ba mabagal kumilos ay maarte na? Feeling mayaman pa raw ako dahil ipinangangalandakan ko ang porselana kong kutis.

Hindi nila ako masisisi dahil ang iikisi ng ibinigay sa aming uniporme kahit pa janitress lang ang magsusuot! Hindi ko naman magawang magsibilyan dahil baka bawasan ang sahod kong napakakaunti. Ang kukuripot.

Maraming naiinis sa akin rito, lalo na 'yong mga katrabaho ko. Inaagaw ko raw kasi sa kanila 'yong mga guest na type nila! Ano bang pakialam ko sa mga 'yon? Porke ba sa akin nag-uutos na linisan ang kwarto nila, inaagaw ko na? Hay nako! Mas gugustuhin ko pang magtrabaho hanggang sa huling hininga ko kaysa sa magsayang ng oras sa mga ganiyan!

Pag-ibig, pag-ibig, 'sus! Gawa-gawa lang 'yan ng mga illuminati.

Wala sa sariling napairap ako sa hangin. Bakit, pake niyo? Magkaaway kami ng hangin, eh! Walang basagan ng trip, ano?! Galit ako sa hangin dahil ang baho niya dito sa banyo!

Amoy utot, tse!

Matapos ang paglilinis doon ay dumeretso ulit ako sa ground floor upang maghanap ng lilinisan. Nang makita nila ako ay inutusan kaagad nila ako na maglinis sa kung saan. Dzuh? I'm used to it! 'Gaya ng inaasahan, ako na naman!

Napatingin ako sa mga babaeng guest na halatang nagchichismisan habang nakaupo sa long couch. Ang gaganda ng kutis, kainggit-Ay, tse! Mas maganda ako, ano?!

Fell In love With My BasherWhere stories live. Discover now