Chapter 07: Guitar

0 0 0
                                    

Chapter 07:
Guitar

"Sir, pakipirmahan po ito. Kailangan na po mama---"

"Drop the po." Sumama ang mukha niya na ikinatawa ko. "Do I look old to you?"

"Medyo lang." Inilapag ko ang mga dala kong dokyumento sa ibabaw ng lamesa niya 'saka ako pumwesto sa likod niya. "Stress ka na naman, sir." Sambit ko 'saka siya inumpisahang hilutin.

Nakapatay ang laptop niya pero nakabuka kaya nakita ko ang reflection niya mula doon. Napapikit siya na parang dinaramdam ang bawat paghilot ng kamay ko sa balikat at batok niya.

"We have an upcoming concert this month." Panimula niya, binabasag ang katahimikan. "Do you wanna come?"

"Wala akong pambili ng ticket---"

"You don't need to buy, I'll give you some for free." Inikot niya ang swivel chair na inuupuan para harapin ako. Nagpandekwatro siya ng upo at ipinatong ang mga kamay sa hita. "You can invite your sister."

Sa kaisipang makakasama kong manood ang kapatid ko ang siyang nakapagbigay sa akin ng tuwa. Siguradong matutuwa si Beilla dahil 'yon ang magiging pinakauna niyang pagdalo sa isang concert. Concert pa ng paborito niyang banda!

"L-Libre ba talaga? Kahit ibawas mo na lang sa sahod ko. Gusto ko lang talagang maranasan ni Beilla na dumalo sa concert niyo." Nakagat ko ang labi, pilit itinatago ang hiya. "Fan niyo siya, eh. Fan siya ni kuya Pierce."

Tumaas ang isang kilay niya at napatango-tango. "How 'bout you?"

"Ha?"

"Whose fan are you?"

"Kay kuya Da---"

"Of course, you're a fan of me, why did I even ask?" Nagmamalaki niyang saad 'saka tumayo at inayos ang suot. "I'll give you two VIP tickets for our concert and yes, it's free." Sabi niya 'saka sinenyasan akong maupo na sa table ko na agad kong sinunod.

"Sa'n ka punta?" Tanong ko nang makitang inaayos niya ang mga gamit.

"Toilet." Mahinang sagot niya. "Anyway, I didn't order something to eat 'cause we'll eat in my house." Isinara niya ang laptop niya. "We'll go home later to eat lunch in my house."

"Ha? Half day lang tayo ngayon dito sa trabaho?"

Tumango siya. "Yeah, our band needs a lot of practice."

"Gano'n ba?" Tumango siya. "Oh, sige."

"And for our meryenda later, bake us some brownies." Ngumiti siya. "Please?"

'Yang mga ngitian na 'yan, naku, sinasabi ko sa 'yo, Brion.

Tumango na lang ako.

"But first, before going home, let's go to Beilla's school. You have to give her some money, right?"

Oo nga pala. "Oo, sige. Salamat."

~
Nasa may gate kami ng school kung saan nag-aaral si Bella. Hinihintay lang namin siyang lumabas. Tinext ko na siya't sabi niya, papunta na siya.

Pagkalabas niya ay hinalikan niya agad ako sa pisngi at yumakap naman kay Brion.

Okay lang, kapatid mo siya, Eirren.

"Ito, oh." Inilagay ko sa palad niya ang pera. "Kasya na ba 'yan? Kung kulang pa, dadagdagan ko. Sabihin mo lang---"

Fell In love With My BasherWhere stories live. Discover now