Chapter 04: The Girlfriend

0 0 0
                                    

Chapter 04:
The Girlfriend

Rein's PoV:

"B-Bakit ka nandito?" Nagugulat kong tanong habang umaatras. "Akala ko...hindi ka pupunta."

Pinakatitigan niya 'ko. "My girlfriend is here."

Natigilan ako. Syempre. Syempre, nandito siya. Nandito ang girlfriend niya.

"A-Ah... gano'n ba?" Peke akong tumawa. "Ah, sige, sir. Punta na 'kong banyo." Agad akong naglakad paalis, halos lakad takbo na.

Bakit parang may kumikirot sa dibdib ko? Naka-move on na 'ko, 'di ba? Naka-move on na ba talaga?

Pagpasok ko sa banyo ay naghugas-hugas ako kunwari ng kamay 'saka ako tumitig sa salamin. Ganda ko pala, hindi lang talaga ako sanay magsuot ng ganitong keme.

Pero pa'no ako lalabas? I mean, pa'no kapag nabunggo ko 'yong girlfriend niya sa labas? May mangyayari kayang away? Baka awayin ako no'n, huhu!

"Eirren? You there?" Dinig ko ang boses ni kuya Pierce kaya nag-ayos na ako ng sarili bago lumabas.

"Bakit po, kuya?" Tanong ko habang pinupunasan ng tissue ang kamay ko.

"You okay?" Kunot-noong tanong niya. "Anyway, I'll introduce you to my friend. Let's go?" Inilahad pa niya ang kamay niya at medyo yumuko, parang prinsipe.

Napailing-iling ako at hinawakan na lang 'yon at sumunod sa kaniya. Habang naglalakad kami ay napansin kong parang may nagv-vibrate sa pouch ko, nang tingnan ko ang loob ay nakita kong may tumatawag pala sa phone ko.

Sinagot ko 'yon habang nakasunod pa rin kay kuya Pierce. Pero para hindi ko siya mabitawan, ipinulupot ko na lang ang braso ko sa braso niya.

"Hello, 'Ma?"

"Ano? Anong ganap riyan? Mag-uwi ka ng makakain, ah? 'Wag kang magpapakita sa akin kung wala!"

"Ah, eh.. M-Ma---"

"Bye!"

Napabuga ako ng hangin, namomroblema na naman.

"Hey," Tinapik ako ni kuya Pierce sa braso kaya nag-angat agad ako ng tingin. "You feeling okay?"

"Ah, oo, kuya."

Nginitian niya ako bago muling kinausap ang kaharap. "Anyway, here's my friend, Stacey."

Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang pangalang 'yon. Stacey...

Dahan-dahan akong tumingala at halos mahigit ko ang hininga nang makitang siya nga. Nakapulupot pa ang braso niya sa braso ni Brion habang nakangiti siya sa akin.

"S-Stacey..." Natitigilan kong sabi.

Kumunot ang noo niya. "Have we met before? You look...familiar." Lalong nanliit ang mga mata niya. "Wait...E-Eirren?"

"You knew each other?" Tanong naman ni kuya Pierce.

"Y-Yes.." Sagot ni Stacey bago lumapit sa akin. Hinaplos pa niya ang pisngi ko na talagang ikinagulat ko. "It's... really you. You changed a lot."

"A-Ah.. Ikaw rin," Ngumiti ako sa kaniya. "Gumanda ka lalo."

Natawa siya at bigla na lang ipinulupot ang sariling braso sa braso ko.

Fell In love With My BasherWhere stories live. Discover now