Chapter 08:
Three-day Trip: ECR IslandNandito ako ngayon sa kuwarto ko at nag-iimpake. Naikuwento ko kasi kay Brion 'yong sinabi ni Stacey na three-day trip. Hindi ko naman siya tinanong kung payag siya, pero kinabukasan lang, pinag-iimpake na 'ko.
Masyado ba niyang namiss ang girlfriend niya dahil sa matagal na pagiging busy nito? Napairap ako sa nasabi ko sa isip.
Dala ang maleta, bumaba na ako at nakita ko silang buong banda na nagtatawanan sa sala. Nandoon na rin ang kararating lang na si Stacey.
Mula rito sa ibaba ng hagdan, napatitig ako sa kaniya. Sheesh, ang ganda talaga niya. Kung lalaki lang ako, niligawan ko na siya.
Para kasi siyang si Snow White, sobrang puti, as in 'yong white talaga. Tapos ang sexy niya at ang kinis. Kung hindi lang siya gumagalaw, pagkakamalan ko siyang isang mannequin.
Nang mapansin niya ako ay nakangiti siyang kumaway at tumayo. "Hello, good morning!"
Nginitian ko rin siya 'saka ako lumapit. Nabigla ako nang yakapin niya ako nang pagkahigpit-higpit.
Sa uri ng pakikitungo niya sa akin, parang ako pa ang nagsisi at ako pa ang parang na-guilty. Sila itong nanloko sa akin pero hindi ko sila magawang sumbatan.
Bango niya.
"G-Good morning din, Stacey."
Kumalas siya sa yakap at pinaupo muna ako. "So... we already settled everything for you, Eirren. We're going to ECR Island!"
Huh? ECR Island? Sa'n 'yon?
"Saan 'yon, Stacey? Ngayon ko lang narinig 'yon." Kumot ang noong tiningnan ko siya.
"Oh, it's Brion's. He named it after his wine company." Si kuya Pierce ang sumagot para sa akin.
Tumango-tango ako at napatingin kay sir Brion na hindi ko napansing nakatingin din sa akin. Ang hilig naman yata niya sa ECR. Ano bang meaning no'n?
"Ang small naman ng luggage mo." Sumimangot si Stacey. "Kaunti lang ba talaga ang dadalhin mo? Do you have any swimsuits—"
"Ahehe, w-wala akong gano'n. Hindi ko kayang magsuot."
Nanliit ang mga mata niya. "No. We're going to a beach, you need a swimsuit."
Maya-maya pa ay lumabas kami sa mansion at sumakay sa kaniya-kaniyang kotse. Dalawa lang ang kotseng dala namin. Magkakasama sa isang kotse sina kuya Dash, kuya Haides, at kuya Pierce. Habang sa isang kotse ay magkakasama kami nina sir Brion at ma'am Stacey.
Nasa backseat kami pareho ni Stacey at akala ko ay magiging tahimik ang byahe namin patungong airport, akala lang pala. Ang daldal ni Stacey, eh.
Panay ang tanong niya at hagikgik, panay naman ako sagot kahit medyo naiilang at nahihiya pa ako sa kaniya.
"How's Beilla, anyway? I haven't seen her for a long time. You should've invited her."
"Ininvite ko siya, kaso masama raw ang pakiramdam niya kaya hindi siya makakasama." Sagot ko.
Nang tawagan ko si Beilla kanina, halata sa boses niya na may sakit siya, paos na paos. Gusto niya sanang sumama kaso hindi niya kayang bumangon kaya, pinangakuan ko na lang siya ng magandang bakasyon next time. Hindi ko pa nga nasasabi sa kaniya ang libreng tickets na binigay ni Brion para makadalo siya sa concert, eh. Gusto ko siyang surpresahin.
"I'll visit her some time. Where's your house na ba?"
"Ah, malayo-layo sa mansion ni sir Brion. Lumipat kami roon matagal na. Kung bibisitahin mo man si Beilla, mas maganda sigurong sa school na lang." Sagot ko ulit. Lagi kasing walang tao sa bahay. Halos gabi naman umuwi si Beilla dahil sa dami ng ginagawa sa school.