Chapter 06: Flashbacks

0 0 0
                                    

Chapter 06:
Flashbacks

Eirren's PoV:

"Eirren,"

Agad akong tumingala para sagutin si ma'am. "Po?"

Lumapit siya. Kumunot ang noo ko nang iabot niya sa akin ang isang bouquet ng pulang rosas.

"Pinabibigay ng estudyante sa kabilang section." Sabi niya na umani ng napakaraming panunudyo at pang-aasar galing sa mga kaklase ko.

Babalik na sana siya sa harap nang pigilan ko siya. "Ano pong name, ma'am?"

Umakto siyang nag-iisip. "Ano na nga ulit pangalan no'n? Si..." Nag-snap siya bigla ng daliri na parang naaalala na niya ang pangalan ng estudyanteng tinatanong ko. "Si Brion Vinton Radcliffe."

Lalong lumakas ang pang-aasar ng mga kaklase ko. Napabuntong-hininga ako at napailing-iling. Inilagay ko muna sa ilalim ng mesa ko ang bouquet ng bulaklak at nagpatuloy na sa pagsusulat.

~

Tahimik akong nagbabasa ng libro at gumagawa ng report sa library nang may tumabi sa akin.

"You look stress," Natawa siya nang mahina.

"Talagang mas-stress ako sa pinaggagagawa mo," Inirapan ko siya. "'Di ba sabi ko sa 'yo, ayokong magpaligaw? Wala pa sa isip ko ang mga ganiyan, Brion."

Natahimik siya.

"Magkaibigan lang tayo, okay? Wala kang pag-asa sa aki----"

"Na-ah, not gonna believe you." Inihilig niya ang ulo sa balikat ko na ikinasimangot ko lalo dahil ang daming nakakakita sa amin.

"Bakit kasi ako ang gusto mong ligawan?" Napipikong tanong ko. "Manligaw ka ng iba diyan, 'yong mabilis na papayag. Tutal, marami ka namang tagahanga diyan sa paligid."

"They're not you." Aniya 'saka bumuntong-hininga. "Basta, I'll do anything para payagan mo akong manligaw."

~

Agad niya akong niyakap dahil sa pag-aalala nang makitang umiiyak ako rito sa bench.

"What happened? Are you okay?"

Umiling ako at niyakap siya pabalik. "Gusto na akong patigilin nina mama sa pag-aaral. Ayaw kong pumayag, Brion." Halos paputol-putol ang pagsasalita ko dahil sa patuloy na paghikbi ko habang yakap siya.

Kumalas siya at kitang-kita na lalong nadagdagan ang pag-aalala niya. "'W-Wag kang titigil." Natutulurong sabi niya. Kinuha niya sa bulsa ang phone niya at nagtype nang nagtype doon. "I'll talk to lolo, I'll tell him to help you financia---"

"'Wag, please, Brion." Pinunasan ko ang mga luha ko. "K-Kaya ko namang magtrabaho habang nag-aaral. Ayaw lang akong suportahan nina mama."

Fell In love With My BasherWhere stories live. Discover now