Chapter 05: New Secretary

1 0 0
                                    

Chapter 05:
New Secretary

Nag-online muna ako habang papauwi kami. Nasa party pa sina kuya Dash, kuya Pierce at kuya Haide, nagsasaya pa. Kaya ang kasama ko ngayon pauwi ay si Brion lang.

Pag-online ko, ang daming nagmi-message sa akin! Hindi ko pa kilala 'yong iba. Ang binuksan ko lang ay 'yong chat ni Ursula.

Ursula Azuzu

:Ateng! Panu yun na
knows mo cla without
saiding me?????!!!

No'ng una, 'di ko nagets. Pero pagkatapos kong basahin nang ilang beses, medyo naintindihan ko naman na.

Beh, di ka naman nagtanong,
Kaibigan ko si kuya
Dash since highschool.
Naging friends ko lately sina
kuya Pierce at kuya Haide.

-


Ursula Azuzu

:Si Papang Brion ngay??

-

Ah friends din kami
since elementary.

-

Ursula Azuzu

:Owemjiiii!! Childhood friends???
BAKET DI Q KNOWS HUHUHU

-

Napailing-iling ako at hindi na siya nireplyan. Hirap basahin ng chats niya.

Oh, alam kong may mga tanong na kayo sa isip niyo. Sasagutin ko na kaagad.

Oo, magkaibigan na kami ni Brion since elementary. Magkakabata kami.

May nangyari kasing blah blah blah kaya medyo 'di na kami close.

Gusto niyo, ikwento ko? 'Yaw ko nga. Sino ba kayo?

Pero napapaisip pa rin ako. Puwede namang kay kuya Haide o kuya Pierce ako magtrabaho, ah? O mas maganda kung kay kuya Dash tutal siya ang mas kilala nina mama. Bakit kailangang si Brion pa?

"We're here."

Napatingin agad ako sa bintana. Wow, laki naman ng bahay nito. Sana all.

"Laki naman." Puri ko. "Ang laki ng pinagkaiba sa dati mong bahay sa probinsya."

"Yeah? That house is still there, though. Want me to give it to you?"

"Ha?"

Shet, sige.

Char, 'wag.

Tumawa lang siya at nauna nang bumaba. Pinagbuksan niya ako ng pinto 'saka kami sabay na pumasok sa bahay niya.

Sinalubong kami ng dalawang housemaids na kasintanda lang siguro ni mama.

"Magandang gabi, hijo. Sino itong dalagang kasama mo? Girlfriend mo siya siguro, ano?" Nang-aasar niyang sabi.

"Ay, hi po." Ngumiti ako at naglakad ng kamay. "Ako po si Eirren."

"GF ka niya, ano?" Tanong ng isa.

Fell In love With My BasherWhere stories live. Discover now