Chapter 03: Birthday Party

0 0 0
                                    

Chapter 03:
Birthday Party

"Ang sabihin mo, lumandi ka kagabi kaya hindi ka umuwi!" Sigaw ni mama, nagbaba ako ng tingin. Hiyang-hiya ako dahil pinapanood kami ng mga kapitbahay namin. Madilim na pero ayaw niya pa rin akong papasukin. "Akin na 'yang sahod mo! Lumayas ka rito't ituloy mo na lang 'yang paglalalandi mo nang magkaro'n ka ng silbi sa buhay namin!"

Sinaraduhan niya ako ng pinto pagkatapos kong maibigay sa kaniya ang lahat ng perang nasa wallet ko.

Maglalakad na lang ako papuntang hotel bukas.

Napabuga ako ng hangin bago umupo sa gilid ng daan. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko dahil sa gutom. Gusto ko sanang bumili ng kahit isang tinapay lang kaso kinuha ni mama lahat ng pera sa wallet ko.

Ang problema ko ngayon ay kung anong kakainin ko at kung saan ako matutulog.

Ayaw sa akin ng mga kapitbahay namin, hindi ko rin alam ang dahilan, basta iniiwasan nila ako. At dahil umiiwas sila, hindi rin ako makakahingi ng tulong.

Tatawagan ko rin sana si Ursula para sa kanila na lang makitulog nang maalala ko na wala nga pala akong load.

Naiiyak na 'ko rito dahil sa sakit ng ulo. Hindi ko alam kung saan ako ngayon pupunta. Wala na akong ibang kakilala, tsk.

Natigilan ako nang may maalala.

Brion.

Tumayo ako. Puwede naman sigurong makitulog sa hotel room niya? O puwede ring mangutang muna ako?

Mangungutang na lang ako. Bumaling ako sa bahay, sakto namang lumabas ang kapatid ko.

"Ate.." Pigil niya. "Saan ka pupunta?"

"Babalik ako sa hotel, doon muna ako makikitulog."

"P-Pero, ate---"

"Naibigay ko na kay mama 'yong perang pambaon mo, pati na 'yong para sa projects mo." Nginitian ko siya. "Oh, siya, alis na 'ko. Goodnight, ha?"

Tumakbo na ako paalis. Nang makalayo sa kanto ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Malayo-layo ang pinagtatrabahuan ko pero ayos lang. Makakarating naman siguro ako doon pagkatapos ng trenta minutos.

Nakahawak na 'ko sa tiyan ko nang makarating. Pinapasok naman kaagad ako. Hindi na ako matutulog, maglilinis nalang ako buong gabi at uutang ng pera kay Brion para may ipambili ako ng makakain.

Kumatok ako sa pintuan pero walang nagbubukas. Ngumuso ako at sinubukang buksan ang pinto. Mabuti na lang at bukas 'yon.

Tsk, tsk, tsk. Hanggang ngayon, makakalimutin ka pa ring magsara ng pintuan.

Pumuslit ako papasok, tahimik para walang makarinig o makakita sa akin. May CCTV sa hallway pero pake ko ba, gigisingin ko lang naman si Brion at uutangan tapos aalis na ako, eh.

Dumeretso ako sa kwarto niya. Nakabukas nang kaunti ang pintuan pero patay ang ilaw. Tulog na kaya siya? Pumasok na lang ako para tingnan kung gising pa siya.

Ay, tulog na.

Lumapit ako at umupo sa kama para pakatitigan siya. Napabuga ako ng hangin bago bumulong.

"Imposibleng limot mo na lahat ng nangyari sa atin noon.." Sabi ko sa mahinang boses. "Kung ako ang tatanungin...hindi ko alam kung mapapatawad pa kita dahil sa ginawa mong 'yon.." Pilit akong ngumiti bago hinaplos ang pisngi niya. "Hindi na ako galit pero hindi rin kita napapatawad pa. Aakto na lang ako na hindi nangyari ang nangyari noon."

Fell In love With My BasherWhere stories live. Discover now