Chapter 03
Tumingin ako sa ibang table at nakitang marami pa ang bakante dahil sa loob mismo ng jollibee ang punuan. Wala namang gustong pumwesto dito sa labas dahil mainit.Ayoko sa loob dahil maraming tao at gusto ko na rin makalanghap ng sariwang hangin. Naghihintay pa rin ako sa inorder ko, medyo natagalan dahil sobrang daming tao. Gusto ko lang naman maging mapayapa pero bakit ang daming sumisira non?
"Mr. You can sit in another table. This seat is already pre-occupied."
"Ang sabi niya bantayan daw kita Miss."
My eyebrows twitched. Tinignan ko siya at mayroong isang ngisi na nakapaskil sa kaniyang mukha kung saan ay ikinainis ko lalo.
Did my parents sent someone to watch over me?
Last time I remember, I made it clear that I don't want any bodyguards or someone watching over me. It's stressful and yet annoying. Ayoko sa lahat ay 'yong may mga nanonood sa lahat ng aking galaw at kung saan ako pupunta. Hindi ako komportable sa ganoong set up kaya sinabi ko sa kanila na tanggalin ang lahat ng magbabantay sa akin.
I learn basic martial arts to protect myself.
"Pinadala ka ba ng magulang ko o ng kamag anak ko?" Tanong ko sakaniya.
Mariin ko siyang tinitigan ng umiling siya sa akin.
Huminga ako ng malalim at kalmadong sumagot ng maayos.
I'm glad that I am not the only one who's here outside. May pamilyang naka-pwesto malapit sa pintuan ng Jollibee.
"Get out of my sight before I call anyone." I warned.
Sa halip na sagutin ay may pinakita siya sa akin, it's my senior highschool graduation pic. Malinaw 'yon at hindi ko maalalang pinost ko ang mga ito sa kahit na anong social media platform. "Ikaw ito diba?"
"Oo, ako nga. Saan mo nakuha 'yan?"
"Pinapahanap ka kasi sa akin ni Shaun sakto nakita kita dito. Wait–"
Pinapahanap ni Shaun?
"Wala akong panahon para diyan lumayas ka sa harapan ko kung hindi mo gustong makipag halikan sa semento." Putol ko sa sasabihin niya.
His lips formed a thin line. His dark and plain black eyes were filled of amusement while looking at me.
"Sungit mo naman."
"Wala akong pakialam."
He chuckled and lean closer on the table. "Shaun's worried. Inalisan mo daw siya ng walang pasabi. Mamaya halughugin niya na buong puerto mahanap ka lang."
Sasagot sana ako pero tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya 'yon. "Oh, nag message siya."
Hinihintay ko siyang malakas na sabihin ang mensahe.
"Talk to her and you're d—" hindi niya na nagawang ituloy ito ng malakas siyang humalakhak.
"Hindi naman mabiro si kamahalan. Nandito na ata siya, nagawa niya na ngang magbanta sa akin."
Pinanood ko siyang tumayo ngunit may nakatanggap siya ng isang tawag at isang bata ang lumapit sa aming puwesto. The kid in another table. She was lending the paper flower in her small little hands.
Nakasunod naman ang babaeng bantay niya.
I think she's 4 years old, already.
"Ate, bagay po kayo!" Sabi nito.
"Mr. Girlfriend mo po si Ate Ganda?"
"Clydia!" Singhal ng nagbabantay.
Awkward na tumawa ang lalaking kaharap. Namutla siya ng may sinabi ang kaniyang kausap sa kabilang linya. He even roamed the place.
YOU ARE READING
MY DECEITFUL LOVER
General FictionDazella Jaralve is a BS in Psychology first year student who met Shaun Galicia, a second year Law student at the same University. She was a fresh year college student and only starting her college life, but met the notorious yet hideous man she ever...