Chapter 07
"Bestie, papasok ka ba bukas?"
Nakahiga kaming dalawa ngayon sa kama ko, nakauwi na kami at pansamantalang umalis sina Mama at Papa upang asikasuhin ang ibang papeles. Nakita rin namin kanina na maraming kasambahay ang naririto.
They're cleaning the house, I've heard that my grandfather sent them here.
He must've knew the news about me but still he didn't even visit me once or call me.
"Hindi ko rin alam e, siguro next week na lang, nanginginig pa ang mga binti ko sa panghihina."
Umupo siya at tumingin sa akin, "Puwede mo akong samahan? Magkuha lang tayo ng gamit ko."
"Right now?" I asked. She nodded.
I got up and went to my closet. Naghanap ako ng pajama dahil naka maikling shorts lamang ako.
"Malapit lang naman yung apartment mo sa school diba?"
Tumango siya at pumunta ng guestroom.
She'll be staying there for a while. Since my parents are getting busier for the upcoming election.
Tinutulungan nila si Tita.
My mother is the secretary of the previous Senator Dela Cruz.
Balita ko ay may balak siyang mag takbo bilang isang mayor sa aming bayan. Bumaba na ako, I even checked the guestroom if Elle is still there but she's not. So I went outside only to find her inside the car.
"You can drive?!" I asked midway.
She shrugged herself and motion me to het inside already.
"Kailan ka pa natuto?" I asked.
Mayabang niya akong binigyan ng tingin kaya pinaikutan ko lang siya ng mata, obviously she's starting to look at herself highly again. Nagmamayabang na porket kaya niya ng mag drive at ako hindi.
She knew about the fact that my father won't let me despite of several attempts I've made, it always ended up as a failure.
"Hindi lang 'to ang kaya ko."
"Alam ko namang–" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Pareho lang tayong pokpok, nagmana ka lang sa akin." Aniya.
Wow, a self-proclaimed. But deep inside I know it's just a joke so no need to take it seriously.
Inayos ko ang aking seatbelt at pinausad niya na ang sasakyan pagkatapos nitong buhayin ang makina. Lumabas na kami sa subdivision.
"Shall we go to Jollibee afterwards?" I asked.
While her eyes on the road, she gave me an answer.
"We just ate a while ago, ah. Gutom ka na ulit?" Nagtatakang sabi niya.
I watched her overtake the tricycle in front of us. Wow, she drive smoothly! I wonder where did she learn it tho? At saka bakit hindi niya sa akin sinabi?!
Gusto kong magtampo pero huwag na lang dahil nangyari na, ano pa bang magagawa ko?
"Nag c-crave kasi ako sa Jollibee e. Lalo na't bitin pa yung mga kinain ko kanina."
Kumunot ang noo niya, tinapunan niya ako ng isang mabilis na tingin bago binalik ulit sa harapan. I think there's an idea speculating in her mind.
"Paano kung ibang cravings na 'yan?" Makahulugan niyang sabi.
My eyes widened and smacked her hand. "Tanga, huwag mo 'kong pakabahin bago itapon kita sa mars."
Pabiro kong sabi kahit na alam kong dinatnan ako ng aking pulang araw ngayong buwan.
YOU ARE READING
MY DECEITFUL LOVER
General FictionDazella Jaralve is a BS in Psychology first year student who met Shaun Galicia, a second year Law student at the same University. She was a fresh year college student and only starting her college life, but met the notorious yet hideous man she ever...