Chapter 15
Honestly, my conversation with Shaun didn't end up so well, yesterday. But it was such a relief to voice out the thing that have been pestering my mind lately.
Napakakulit ng lalaking 'yon at ayaw akong tigilan.
Sa huli ay wala na akong nagawa at binago na lang ang daloy ng diskusyon namin.
Puro sakit ng ulo ang binibigay niya sakin simula ng panliligaw niya. Akala mo'y isang bata ang kausap ko, pinagalitan ko pa siya kahapon at pinilit na makinig sa sinasabi ko. Ang walang hiya nagtampo at hindi nakinig sa akin. Sinusubukan ko lang naman na ipaintindi ang dapat naming gawin sa sitwasyong kinahaharap.
We're in a relationship for good sake.
Feeling ko ay mas lalong nadagdagan ang kakulitan ni Shaun o baka naman may idadagdag pa 'yon?
Nalulunod ako sa konsumisyon sakaniya, jusmiyo marimar.
Lumiko ako para makatungtong sa hagdanan pababa ng first floor nang mayroon akong nabunggo. As usual, sobrang lakas ng impact ng pagkakabunggo ko at nauntog pa ako sa pader kasabay ng ingay na inilikha ng mga nahulog na box.
"Ay halah, sorry po." Kaagad kong paghingi ng paumanhin.
May iilan ding nakatitig sa amin ngayon.
Inayos ko ang kumpol na mga papel na kasalukuyang nakakalat sa sahig. Inilagay ko ito ng maayos sa mga box. Bubuhatin ko na sana ito ng may nauna na sa akin.
"Miss Jaralve, salamat at pasensya ka na."
Kumunot ang noo ko kasabay ng pagkirot ng bahagi ng ulo kong nauntog. Hinawakan ko ito ng marahan.
"Pasensya ka na." Sabi ko at yumuko, hindi ko na inatubiling tignan ang mukha nito at mabilisang nilisan ang lugar.
Ang lungkot ng buhay ko ngayon, nagpaalam si Shaun na hindi makakapasok dahil may emergency.
Hindi kompleto ang araw ko.. parang may kulang.
Dumiretso na ako sa dance club hanggang matapos ang practice naming iyon kaagad akong umuwi sa apartment namin ni Elle, and do my usual routine until I finally called it a day.
Pero may humabol pa, tinignan ko ang cellphone kong nag r-ring at pangalan ng binata ang nakalagay sa caller's i.d.
"Hi baby, my sweet darling.." halata ko ang pagod sa boses ni Shaun pero hindi mapigilan ng mga mata ko ang umikot kasabay ng pagbakas ng isang ngiti sa aking bibig.
Ang puso ko, ang lakas ng tibok. Parang sasabog sa sobrang saya.
Ganun na ba ang epekto niya sa'kin na kahit boses niya palang kompleto na ang araw ko.
Sa huli ay pinirmi ko ang sarili.
"Hi pogi wassup?"
May narinig akong kumalabog sa kanilang linya, "I had a very bad day.."
Maingay na ngayon sa kabilang linya at hindi ko na masyadong marinig ang pinag uusapan namin. I waited minutes before the other line went silent. Tanging paghinga na lamang ni Shaun ang naririnig ko. I think he moved to somewhere quite?
"Someday it will be better.. I got you, okay?"
He responded quickly, "Thank you, mahal. Ikaw ba, how's school? I'm sorry I wasn't able to make your day happy.."
I chuckled.
"No, Shaun, it's fine with me." I assured him. "At saka I told you na hindi lang dapat sa akin umiikot ang mundo mo." Pagpapaalala ko.
YOU ARE READING
MY DECEITFUL LOVER
General FictionDazella Jaralve is a BS in Psychology first year student who met Shaun Galicia, a second year Law student at the same University. She was a fresh year college student and only starting her college life, but met the notorious yet hideous man she ever...