Maggi's POV
Seoul Grand Park in Gwacheon, Seoul, South Korea #ATM
"Lets go to the Zoo! Zoooo!" Pag baba palang namin sa bongang BMW ni Hyunbi ay nag sisisigaw na etong si Sunhwa sa tuwa. Grabe! Ang grandyoso naman ng lugar na to!
"Ok ok Sunhwa! Calm down." Pag papakalma ni Hyunbi sa anak, natatawa na lang kami parehas sa ka-kyutan neto.
Agad hinawakan ni Sunhwa ang kamay ni Hyunbi at pati ng sakin. Agad naman kaming nagkatinginan ni Hyunbi, did I just saw awkwardness sa kanyang reaction? Naku naman, kinikilig ako, iba ka talaga Sunhwa! I love you na talaga, happy family lang ang peg namin ngayon?
"Come on!" At sabay hila nya samin papasok.
Agad naming tinungo ang Zoo. Mahilig din pala tong si Sunhwa sa mga hayop.
"I wanna see the tigers and its baby." Kaya naman ay dun din agad kami nag punta.
Agad tumabi eto sa mga batang noon ay natingin din, wow, siga lang Sunhwa at kung makahawi? Hahaha.
"Be careful Sun!" Paalala ni Hyunbi.
And here we are, sa may likuran kami ng mga bata, no one is talking, ni di makatingin sa isa't isa. Bahala na nga, kesa naman mapanis ang mga laway namin ay mag sasalita na ako.
"So.." Agad syang napatingin sakin.
"How are you?" Anak ng tipaklong naman oo, wala akong maisip."I-im great. I think Im doing fine." Nakangiti syang sumagot sakin, oh Lord! Those smile! Those dimples! Sino ba namang hindi mahuhulog sa mga ngiting yun. Pakiramdam ko tuloy merong pagka dami daming boltahe ng kuryente sa katawan ko.
"How bout you? I know things has been hard on you this past few days but I am really praying that you're ok now." Sinsero nyang sabi, Dyos ko naman Hyunbi, wag kang masyadong mabait! Alam mo bang hulog na hulog na ako sayo? As in, lagapak na! Di na ako makatayo! Hahaha.
"Thank you Hyunbi, you know how bless I am to have known such kind person as you and Sunhwa, even Manager Na and the others. This is too much on what I've been asking for." Totoo, sobra sobrang blessing na eto ni Lord.
"You know why a lot of people likes you? Its because you are beautiful inside and out." Kung ibang tao lang siguro ang magsasabi neto sakin medyo kikiligin ako ng onti lang pero since si Hyunbi ang nagsabi, aba! Plakda! Namumula na ata ako, sana di nya mahalata.
"Thank you." Wala na akong masabi pa! Upos na ako, upos!
"Whatever happeneds, you are part of the family now." Shiz. 😳 speechless.
Dumeretso kami sa Rose garden at dahil Spring time parin ay todo usbong ng mga bulaklak. Ibang klase ang mga roses dito, iba iba ang kulay. Wow.
May nakita kaming isang side dun na puno ng mga red roses petals na nag kalat sa daanan, gateway to heaven daw ang tawag dun. Agad tumakbo si sunhwa dun at ipag hahagis ang mga nag kalat na rose petals sa aming dalawa ni Hyunbi. Para tuloy naulan ng mga rosas. Ang ganda neto! Kaya naman ngiting ngiti ako habang nag papaulan sa rosas.
"Ate Maggi! You look like a queen!" Sabi sakin ni Sunhwa kaya agad din akong pumulot ng mga roses at inihagis sa hangin.
"And you are the Princess!" Balik ko sa kanya.
"How about me?" Napatingin ako kay Hyunbi, ewan ko ba at kilig na kilig ako sa lalaking 'to.
"You are the horse!" Biro ni Sunhwa, agad naman aking napatawa.
"What?" Kunway nagtatampo eto.
"No Sunhwa, he is the carriage!" At tawa pa kami ng tawa ni Sunhwa sa pang aasar kay Hyunbi.
BINABASA MO ANG
Im with a Superstar ⭐️
Teen FictionSimple lang ang gustong buhay ni Maggi, all she wanted to do is to give her best in all things that she do, pero ng mabigyan sya ng chance to work sa Korea nag bago lahat ng ma involve sa buhay nya ang superstar ng Korea, si Hyunbeak. How can she a...