IX. Dating the Millionaire

36 1 0
                                    

Maggi POV (cont.)

Matapos naming kumain ay nag handa na ang buong grupo para pumunta sa Superstar Ent., building, pinakilala na din ako ni Manager Na sa ibang mga crew, mga PA na makakasama ko, camera man, photographer, body guards, drivers at etc.

Isang bus na may naka design na logo ng XOXO ang sasakyan namin at eto ang service namin everytime na may shows or etc silang pinupuntahan.

"Hello, im Hye Min."
"Im Hara."
"Dawoon!" Sabay handshake at bow nila sakin at ganun din ako.
"Im Maggi." Sila daw ang makakama ko. Mukha naman silang mababait.
"Its nice to get to work with you guys. I hope we could all be friends! Fighting!" Sabi ko.
"Fighting!" At sumagot din sila.

Bawat XOXO members ay may isang PA, hairstylist, make up artist, at fashion stylist.

"Hmm. Since MaRi is already part of the editor, you will take her position. Ah, Hara?" Pinalapit ni Manager Na si Hara sa amin.

"Who is the one that handling MaRi?"
"Oh MaRi? Hyunbeak! She is handling Hyunbeak!"
"Oh. Ok, Maggi, you are going to handle Hyunbeak now!"

Oh my G! Oh my G?!! Seryoso? Sa 12 na meyembro ng XOXO sya pa? Sya pa? Bakit Lord?!!! Bakeeeettttttttt???

"Are you ok Maggi?" Napansin ata nila ang pagka tulaley ko saglit.

"Y-yeah?" Pero nakakunot noo silang nakatingin sakin, sorry naman pero di ako ready!

"Im alright." Nasabi ko.
"Ok. So now, go to your man."
"Man?" Ano daw?
"Hyunbeak! The one your going to handle?" Ulit ni Manager Na.
"Oh yeah."

At pumunta na nga ako sa kwarto ni Hyunbeak at parang tangang iiling iling. Aish. Aish. Aish talaga! Kasi naman, bakit sya pa? Eto ba ang kapalit ng kaligayahang nadarama ko? Ngayon pa lang di ko na maimagine ang pag sasama namin. Amo ko sya at wala akong karapatang sagutin at suwayin sya. Ang hirap naman ng sitwasyon ko!! Huhuhuhu.

At nandito na nga ako sa harap ng kwarto ni Hyunbeak. Gosh, sobra naman ata akong kinakabahan.

At bago ako kumatok ay kumuha muna ako ng lakas ng loob at humugot ng isang mahabang buntong hininga. I can do this! God is with me! :)

Tok tok tok! Agad naman nyang binuksan pero laking gulat ko lang naman ng makita syang naka topless. Nakataas ang mga kilay nyang nakatingin sa gulat kong reaksyon.

"What?"
"I-i.. Im your new PA." At sabay buga ko ng hininga.
"What?!!" Laking gulat nya.
"Where is MaRi?"
"Manager Na said that she's already part of the Editing team so technically I took her place." Tulaley padin ako sa kanyang hubad na katawan. Gosh, wala man lang abs. Flat na flat at payatot pa! Tsss.

"Seriously? You? Of all people?" At dismayado etong pumasok sa kanyang kwarto.

Ang sama sama talaga! As if naman I have a choice din! Kung alam nya lang kung gano din ako kadismayado na sya ang ihahandle ko, hayy! Sana si kaiyi na lang o Sugu o Lugan o kahit sino sa kanila wag lan sya no!

Pumasok na din ako sa kwarto nya. Sabi kasi nila Hara kailangan daw ang isang PA alam ang personal need ng aalagaan nya, dapat lahat ng mga kakailangin nila kami ang may dala at ready kapag kailangan nila. Kung baga tiga bitbit at tiga subo sa kanila.

Hay. Ngayon lang to Maggi, makaka alis ka din sa sitwasyong eto. Kahit na kasi swerte ang tingin sakin ng ibang mga tao kasi ang lapit lapit ko na sa mga idol nila pero hindi kasi talaga eto ang pinapangarap ko e. Pero tyaga, tiyaga lang at siguradong may nilaga!

"Aa, sir? Where are your stuff?" At nakasimangit etong tumingin sakin, oo na! Ikaw na ang galit!

"Over there!" At tinuro nya sakin ang kanyang bag at mga gamit nya na nakakalat sa may kama nya.

Im with a Superstar ⭐️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon