I.I The heart of asia

152 1 0
                                    

Maggi's POV

"Marunong ka? Napasigaw nyang sabi.

"OO!" Pasigaw ko din syang sinagot at bakit ba sya naninigaw. Napakamot na lang sya ng ulo.

"Uyy Sis! Anong ginagawa nyo dyan ha?! Bakit hindi kayo nakikigulo samin sa baba?"

Singit samin ni kuya, kanina pa daw nya ako hinahanap at hindi ko daw ma-witness ang kalokohan sa baba. Kaya naman agad na din akong bumaba at nakigulo na din sa kanila. Surely, I will miss this pipz. Hindi ko din akalaing magkakahiwalay kami. Life nga naman.

After ng padespidida ko, agad na akong nag pahinga.

I'm gonna miss this bed, my room and the feeling that every time I go to sleep there's this safe and sound atmosphere. Napayakap ako ng mahigpit sa paborito kong hotdog pillow, nakapatay na ang ilaw at tanging liwanag ng gabi ang nakikita ko.

Hindi ko kasi sinasara ang kurtina ng bintana ko tuwing gabi, ang sarap lang din kasi sa pakiramdam ang maging view mo sa pagtulog ang starry night at masimoy na hangin ng gabi.

Nag eemo nanaman ako. Di rin ako makatulog! Mukang walang balak maidlip ang diwa ko. Unang beses kong mangibang bansa and it's really nerve wrecking. Halo halo na nararamdaman ko.

Natatae na parang bumabaliktad ang sikmura ko, alam nyo yung feeling na gusto ko mag umaga na pero parang ayaw naman ng katawan mong bumangon.

Wait, I think I need to see my Lola, tatabi ako sa kanya. Tama!

So I hurriedly get up from my bed at tinungo ang kwarto nya. Nakapatay na ang ilaw ng kwarto nya at mahimbing na syang natutulog, marahan ko syang tinawag.

"Lola?"

At dahan dahan na akong pumasok at isinara ang pinto. Lumapit ako sa kanya at tumabi, agad ko syang niyakap sa kanyang likuran. Bahagya syang naalimpungatan.

"S-sino to?" Inaantok nyang tanong.

"Lola, ako po eto! Hehe, di po ako makatulog kaya baka sakali ay dalawin ako ng antok dito!"

Humarap si lola sakin at ipinatong nya ng ulo ko sa dibdib nya, tinapik tapik nya eto, at hinahalikan pa ang noo ko.

Ewan ko ba pero biglang tumulo ang luha ko ng walang ano ano. Mamimiss ko talaga si lola higit kanino pa man, biruin nyo naman simula ng mawala sila mama at papa, sya na ang tumayong magulang namin ni kuya, hindi nya kami pinabayaan kahit na madami din naman syang apo.

"Basta apo! Lagi kang magdadasal sa Panginoon. Alam mong sya lamang ang makakapitan mo sa mga panahon na tulad neto! At wag kang mag atubiling kontakin kami ng kuya mo kung ano mang problema meron ka dun, hindi mo dapat sinusulo yan! Andito naman kami!"

"La, kayang kaya ko naman na po at isa pa parang di mo ako kilala, black belter ata 'to at lahat ata ng katapangan ko ay namana ko sayo kaya alam mo nang kayang kaya ko, and the Lord is always with me so who can be against me diba po?"

At napangiti pa ako sa sinabi ko, sumasagot na ako sa lola ko.

"Tama ang huli mong sinabi anak, pero ang una? Mali! Hindi mo kaya lahat! Walang taong kakayanin ang mag isang mag solve ng problema!"

"Suss lola, e kahit kelan nga di ako nangupya o nag paturo sa pag-sosolve sa math, kaya hindi din!"

At sabay akong humalakhak, ang corny ata ng joke ko! Pero nagulat ako ng bigla akong kinurot ni lola sa singit ko.

"La! Sa singit talaga?"

At hinimas himas ko yung singit ko, abay mahapdi ah!

"Pilosopo ka kasi! Mag seryoso ka nga! Eto pa, wag kang masyadong mataray at intrimitida ok? Ikaw pa namang bata ka e pag may napuna e agad mag hehesterical, masyado kang OA sa lahat ng bagay, ang hyper mo pa minsan! Wag masyadong makulit ok?"

Im with a Superstar ⭐️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon